Kai's POV
"You planted bombs?" gulat na tanong ni Vont kay Darius.
"Yes," walang emosyong sagot nito.
"Even on their palace?" hindi makapaniwalang tanong ni Vont sa kapatid.
Tumango lamang ang nakababatang kapatid. Napailing na lamang ako sa kanila, magkaibang magkaibang ang ugali ng dalawa.
"Nandoon ang kapatid natin Darius!"
"So? It's not as if I'll blow that. I just want them to think that I don't care, we can't show any weakness kuya."
Namangha ako kay Darius, bata pa lamang ay magaling na sa mga ganitong bagay. Veronika baby just wait we'll save you.
Napapalibutan na ng royal guards ko ang palasyo ng Koreem. Konting tiis na lang alam kong susuko na ang kahariang 'yon.
Nagpaplano na kami ngayon kung paano papasukin ang palasyo at babawiin ang mag-ina ko.
"Kung wala lamang tayo sa sitwasyog ito, malamang sinuntok na kita, Kai," si Vont.
"Ha?" gulat na tanong ko.
"I'm actually planning to bomb Silverio kuya, their house has bombs already."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Darius, ang magkapatid na'to. They're really dangerous. Napailing na lamang ako.
"Binuntis mo kapatid ko, gago ka."
Minura pa ako ni Vont pero natawa lang ako.
"I can get her sister pregnant too."
"The f**k! Darius!" sinamaan ko nang tingin si Darius.
"What?" parang wala lang sa kan'ya ang sinabi niya.
Napailing na lamang ako, hindi siya papatulan ng kapatid ko. Keisha wants romantic guys, not this stoic bastard. At sigurado akong hindi niya matatagalan na makasama sa iisang lugar ang kapatid ko, napakadaldal at arte ni Keisha, even me can't stand her.
May pumasok na tauhan sa silid kung saan kami nagpupulong na tatlo. Inilapag nito ang tatlong paper bag, nakakunot kaming dalawa ni Vont habang nakatingin sa paper bag. Umalis na ang tauhan at agad na binuksan ni Darius ang paper bag. Inilaban niya ang, uniform?
"What's that?" tanong ko.
"Koreem's royal guards uniform."
Binuksan din namin ni Vont ang iba pang paper bag at ganoon din ang laman.
"Para san 'to?" tanong ni Vont.
"Disguise, idiots," sagot ni Darius bago nagtungo sa banyo para siguro magalit.
"Tss, ikaw na genius!" sigaw ni Vont.
Pagkatapos magbihis ni Darius ay si Vont naman ang sumunod at ako ang huli. Pare-parehas na kami ngayong nakasuot ng royal guards uniform ng Koreem.
"Now what, smart kid?" tanong ni Vont.
Binigyan kami ni Darius ng fake mustache at siya naman ay nilagay na ang kan'ya. I don't know if this can hide our identy but I'll give it a try, para kay Veronika.
"Nagkakagulo na po sa palasyo ng Koreem," ulat ng isang tauhan ko.
Inutos kong wag silang magpapaputok hangga't hindi nagpapaputok ang Koreem, kung ganoon ay nagpaptok na ang mga ito. Sila ang nag simula nito, tatapusin ko. Alam kong kahit mabawi namin si Veronika ay hindi na papayag ang mag kapatid na kasama ko na palampasin na lamang ang lahat. Pasasabugin parin nila ang Koreem, 'yon ang sigurado ako.
"Let's go, tapusin na natin ito," sabi ko sa kanila at nauna nang lumabas ng silid at nagtungo sa rooftop. Naghihintay doon ang private jet na sasakyan namin patungo sa Koreem.
Veronika baby, I'll get you.