Veronika's POV
Inutusan ng prinsipe ng Koreem na paulanan ng bala lahat nang nakapalibot sa palasyo. Galit na galit ito dahil pinagtutulungan siya ng tatlong kaharian. Hindi siya magawa ng tulungan ng Pario dahil sa takot na idadamay ng Chandria ang kaharian ng Pario.
"Walang silbi! Noong sila ang nangangailangan ay tinulungan ko, ngayong ako ang may kailangan ay naduduwag sila!" galit na sigaw nito.
Lumabas siya dala ang kan'yang baril. Tila makikipagbarilan din ang prinsipe. Hindi ko maiwasang ma-guilty, dahil lamang sa akin ay nagkakagulo nang ganito. May mga buhay na nasasayang, para sa walang kwentang labanan nila.
Maya-maya ay bumalik ang prinsipe kasama ang tatlong royal guards.
Hinigit niya ako at tinulak papunta sa tatlong royal guards. Halos masubsob ako sa sahig mabuti na lamang at nasalo ako ng isa sa mga guards.
"Dalhin niyo 'yan sa labas, gagawin kong panakot sa mga gagong 'yon," utos ng prinsipe.
Marahan akong nilagay noong royal guard sa likod niya at ang dalawa namang kasama ay nagkasa ng kanilang mga baril bago tinutok sa prinsipe. Naguguluhang tumingin sa mga guard ang prinsipe, maging ako ay nalilito. Anong nangyayari?
"Tinatalikuran niyo ako?!" galit na sigaw ng prinsipe.
Sabay-sabay nilang tinanggal ang kanilang mustache. W-wait... Kuya Vont? Darius? Kai? Papaanong?
"Mga hayop!"
Itataas pa lamang ng prinsipe ang kamay niyang may hawak na baril ay mabilis na siyang inasinta ni Kuya Vont. Pinatamaan ni Kuya ang kamay niya dahilan para mabitawan nito ang hawak na baril at tumalsik sa malayo.
Tatakbo sana ang prinsipe pero sabay na nagpaputok si Kai at si Darius. Magkabilang binti ang pinatamaan nila, nag-uusap ba sila sa isip? Bakit parang alam nila ang mga gagawin ng isa't isa?
Napahiyaw ang prinsipe ng Koreem sa sakit ng mga tama ng bala sa kan'ya. Naglakad papalapit sa kan'ya si Kuya Vont at tinutok sa noo ng prinsipe ang baril. Dahan-dahang tinaas ng prinsipe ang dalawang kamay nito senyales nang pagsuko niya.
Humarap sa akin si Kai at niyakap ako. Nang humiwalay siya sa yakap ay hinalikan niya ang noo ko. Napadako ang tingin niya sa braso ko na may sugat at parang biglang na buhay ang galit niya. Humigpit ang hawak niya sa baril niya, haharap sana siya sa prinsipe ng Koreem pero mabilis kong hinawakan ang braso niya. Natigilan siya at tumitig sa akin. Dahan-dahan akong umiling sa kan'ya.
Kinagat niya ang labi niya at mabilis akong niyakap.
"My baby's really soft hearted," bulong niya.
Ayoko lang naman na gagawa siya ng masama sa harap namin, ng anak niya, kahit na hindi naman makikita ng baby namin dahil nasa tiyan ko pa.
"Tss."
Napalingon ako sa kapatid ko. Ang masungit na 'to. Humiwalay ako kay Kai at agad na sinapak si Darius.
"Aww!" daing niya.
"I hate you," sabi ko sa kan'ya.
"What? You hate me after all the things I've done just to save you?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Yeah right, Darius. Ayos lamang sa'yo na mapatay ako dito kapalit nang pag wasak mo sa Koreem!" bulyaw ko sa kan'ya.
He chuckled. Nagulat ako sa kan'ya, may iba rin naman pala siyang reaksiyon bukod sa magsungit.
"You believed that? I will do everything just to save you, Veronika. You should know how much I love you."
Hindi ko na pinansin kahit hindi niya ako tinawag na ate, sanay na rin naman ako. lumapit ako sa kan'ya at niyakap ito.
"Aww my stone brother loves me, I love you too baby brother," malambing na wika ko.
Isang malakas na tunog nang pagpalo ang narinig ko at napahiwalay ako kay Darius. Nakita kong nakahandusay na sa sahig ang prinsipe ng Koreem at si Kuya Vont ay masama ang tingin na papalapit sa amin.
"How about me, Veronika? I left my pregnant wife to save you!" sumbat ni Kuya Vont.
"Kuya, I also love you, you know that!"
"Pero mas mahal mo 'yang bato na 'yan," reklamo ni Kuya.
"Aba dapat lang," sabat ni Darius.
"Tumigil nga kayo ako mas mahal niyan, ako ama nang pinagbubuntis e," singit ni Kai.
Halos sabay lumingon sa akin ang dalawa kong kapatid. They threw a questioning look at me. Napabuntong hininga ako, I don't think it's not a good idea to have them in one place with me.
"Pantay-pantay lang pagmamahal ko sa inyo," I told them, to stop them from comparing.
"What?" si Kai.
"That can't be!" si Darius.
"Hindi pwede 'yon," si Kuya Vont.
Parang nahilo ako sa kanila. Parang matitiis ko pang kasama ang prinsipe ng Koreem kumpara sa kanilang tatlo.