bc

Chasing High School

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
opposites attract
second chance
playboy
badboy
sweet
bold
small town
enimies to lovers
secrets
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Sa wakas! Nahanap ko rin ang account mo! Kamusta ka na?"

Tila huminto pasumandali ang mundo ni Gela ng mabasa ang tatlong linyang iyon sa message requests sa kanyang messenger. A-beinte kwatro ngayon ng Disyemembre 2024, at nagpapatay siya ng oras habang hinihintay ang noche buena. Alas singko pa lamang ng hapon at tapos na ang lahat ng kanilang lutuin.

Naalala niya bigla ang heartthrob noong high school at kaklase niya na si Gab.

Aaminin siya na in her wildest dream, never niyang inasahan na makakatanggap ng mensahe mula rito. Especially not now after twelve years kung kailan feeling niya ay lipas na siya sa lahat ng infatuations ng panahong iyon. Infatuations niya dito.

Pero heto at parang gusto niyang tumili sa kilig. Sign ba ito na baka may chance ang high school puppy love niya?

chap-preview
Free preview
1 Message Request
"Sa wakas! Nahanap ko rin ang account mo! Kamusta ka na?" Napakurap ng makailang ulit si Gela sa screen ng kanyang cellphone. Alas singko na ngayon ng beinte kwatro ng December 2024 at nagpapatay siya ng oras sa pamamagitan ng pagbabrowse sa kanyang cellphone. Tapos na sila sa pagluluto ng noche buena para mamaya at naghihintay na lamang silang pamilya na mag-alas dose ng gabi. At dahil wala naman na siyang gagawin, naisipan na lang niyang maglinis ng friend list ng kaniyang f*******: account para alisin ang mga inactive at mga toxic na contacts niya roon. Mientras holiday, wala siyang pasok at may oras sa kanyang mga kamay ay gusto niyang magbura ng toxicity sa kanyang buhay. Pero hindi pa man nagtatagal sa ginagawa ay heto at napukaw na ang kanyang atensyon ng mensahe galing sa isang taong aaminin niyang kayang kaya siyang pakiligin noon with the simple fact na humihinga ito at totoo itong tao. Gabriel Dela Cerna o Gab kung kanilang tawagin, isa sa mga mga heartthrob ng kanilang high school at pinakatatago niyang crush at infatuation noon. Nunca na ni sa panaginip na naisip niyang makakatanggap ng mensahe mula rito. Not then and especially not now na labindalawang taon na ang lumipas at trentahin na siyang naturingan ay natagpuan na lang niya ang sariling delulu bigla sa tatlong linyang iyon ng mensahe galing dito. It was sent a week ago pero ngayon lamang niya ito nakita. For some reason ay wala siyang natanggap na notification sa kanyang app at mobile. Ang utak niya na kanina ay bored at halos ayaw nang gumana is now in overdrive thinking, bakit siya nagmessage? Paano niyang nahanap ang account ko samantalang hindi ko buong pangalan ang gamit sa f*******:? Bakit sa tono ng message niya ay tila ba sinasadya nitong mahanap ang account niya? Dagli niyang ipinilig ang ulo at saka pinalis ang umuusbong na kilig at kilabot sa kanyang katawan. Malay ba naman niya kung ano ang pakay ni Gab at bigla itong nagmessage sa kanya. For all she knows ay baka aksidente nitong nahanap o nakita ang kanyang account sa f*******: at naisipan lang na makikonek. Ilang ulit siyang humugot ng nagpapakalmang hininga bago nagdadalawang isip na pinindot ang accept button upang mareplyan ang message ng dating kaklase. "Gab? Ok naman. Kamusta?" at dagli niyang pinindot ang send button bago pa man magbago ang kanyang isip. At pagkatapos ng pagsend na iyon ng kanyang mensahe ay biglang naglakbay ang utak niya sa limot na parteng iyon ng kanyang kabataan. ---------- "Class, may bago kayong kaklase. Mr. Dela Cerna, magpakilala ka." tinig iyon ni Mr. Enriquez, ang kanilang first subject teacher sa araw na iyon at kanila ring adviser. Tumigil bigla ang mahinang murmur ng tsismisan ng kanyang mga kaklase at maski siya na nakatingin sa mga kaklase sa harapan niya na nilalagyan ng gagamba ang likuran ng isa pa nilang kaklase ay nahinto rin sa panonood at napunta ang atensyon sa guro na bigla na lamang pumasok at walang kaabog abog na inanunsyo ang tungkol sa pagkakaroon nila ng bagong kaeskwela. Nagkumahog silang lahat na magsipag tayo at batiin ang guro at saka ibinaling ang buong atensyon sa bagong dating na kaeskwela na noo'y relax na nakatayo sa tabi nito. Matangkad kaysa iba nilang kaklaseng lalaki ang estudyanteng sinabi lang na Dela Cerna ang apelyido. Maputi, matangos ang ilong at aminin man ni Jan Angela Cruz - o Gela for short - o hindi, gwapo ang binatilyo at mahirap alisan ng mata. Para sa second year high school, tila mature ito sa matipunong pangangatawan na halatang sporty. Pang varsity ba ang datingan. Halata rin na medyo uneasy ito pero hindi iyong tipo na parang hindi nito makakayang magsalita at magpakilala ng sarili. More like uneasy dahil weird ang naging entrada ng guro nila sa pagpasok sa kanilang silid dahilan para matuon ang atensyon ng bung klase sa kanila. Hindi friendly o welcoming ang naging tono ng guro, bagkus ay animo ito platoon leader na nagdidikta ng gagawin sa kanyang mga sundalo. "Good morning." obligadong bati ng guro at saka, "Mr. Dela Cerna, dalian mong magpakilala at ng makaupo ka na't makapag-umpisa na ang klase." udyok nito sa bagong estudyante. Kakamot kamot ng ulo na tumango naman si 'Dela Cerna' at kapagdaka ay ngumiti ng buong aliwalas sa kanilang klase na nagpasinghap sa halos kalahati ng kanilang section. "Hi classmates! Gabriel Dela Cerna, pero you can call me Gab. Transfer lang ako dito galing ng St. Therese. Sana maging magkakaibigan tayong lahat." buo ang masculine na tinig nito na sinabi. Isa pang ngiti at dinig na dinig ni Gela ang tila synchronized na pag-gasp ng kaniyang mga kaklaseng babae. Siya man ay biglang napigil ang paghinga dahil sa pagngiti na ulit ni Gab ay nakita nila ang dimples nito na talaga namang mas lalo pang nagpaguwapo dito. "Ang pogi mo Gab! May girlfriend ka na?" malanding agaw-tanong ng bading nilang kaklase na si Jerome pero mas gustong magpatawag sa kanila ng Jelly. Umugong ang kilig at kantiwayan sa kanilang klase na nagpapalatak kay Mr. Enriquez. "Mamaya na ang landian. Klase na muna at pag-aaral ang atupagin niyo. Mamaya niyo na lang siya tanungin ng kung anu-ano at magklase na tayo." anitong pinandilatan pa ang buong klase. "Umupo ka na muna sa likod at mamaya ay i-a-assign ko na sa inyo ang inyong permanent seat sa buong taon" iminuwestra pa ni Mr. Enriquez ang likuran ng klase, hudyat upang tumahimik na ang lahat at upang maupo na si Gab. Isa si Gela sa pinakamatatangkad sa klase kung kaya naman ay nasa likuran siya nakaupo upang pagbigyan ang mga kaklase na makita ang pisara. Isa pang nakakasilaw na ngiti na nagpasilip na muli sa kanila ng dimples ni Gab at tinungo na nito ang likuran ng klase at naupo sa bakanteng upuan sa hilera nila. Nginitian pa silang mga nakaupo sa row na iyon bago tuluyang itinuon nito ang atensyon sa harapan na bahagi ng silid aralan kung nasaan ang pisara at ang kanilang guro. Siya naman ay biglang naconscious sa sarili lalo pa at nahiling na lang niyang sana pala ay nag ponytail siya imbes na hinayaan ang natural na curly hair niyang nakasabog sa kanyang mukha. Baka akalain nito na mayroon siyang kinaaway kanina at nalimutang suklayin ang kanyang buhok. Ito na nga ba ang sinasabi ng mama niya. Mukha na naman siyang aeta. Bakit naman sa lahat ng araw na may darating na bago at cute silang kaklase ay itong araw pa na hindi niya feel ang itsura niya? ---------- Hindi malaman ni Gela kung malas siya o swerte, pero sa second year niyang iyon ng high school ay buong taon niyang katabi ang transferee nilang classsmate sa lahat ng kanilang subjects. Magkalapit kasi ang kanilang mga apelyido at alternate ang seating arrangement, kung kaya naman, sa lahat ng kanilang klase ay si Gab ang kanyang naging assigned permanent seatmate. Covertly ay kinikilig siya at hindi niya iyon gustong mahalata ng mga kaklase kaya't kung minsan ay pumapayag siya na makipagpalit sa iba nilang kaklase kahit na ba sa huli ay pinababalik din sila sa kanilang assigned seats ng kanilang mga guro. Natural naman na friendly si Gab at palakwento, kung kaya naman ay mabilis niya itong nakagaanan ng loob at nakasundo. Kahit na ba sa likod niyon, hindi niya maamin amin at ayaw ipahalata kaninuman na minsan ay natutunaw siya sa mga titig at ngiti nito. O na kakaiba ang dulot na kilabot ng mga hindi sinasadyang pagdidikit ng kanilang mga balat. O di kaya ay iyong pakiramdam na halos hindi siya makahinga lalo na pag checking na ng papers at hawak na nito ang kanyang papel. Ayaw niyang mapulaan nito kung kaya naman ay pinag-igi niya ang pag-aaral huwag lang mapahiya dito kung mababa ang makuhang score. At tulad nga ng first impression nilang lahat, very sporty si Gab kung kaya naman ay nakuha ito sa basketball team ng kanilang taon na ipinanglalaban sa interschool competitions. Dahil din sa taglay nitong mestisohing kagwapuhan, naging eye candy rin ito ng halos lahat ng estudyanteng babae sa kanilang eskwela - hindi lang sa kanilang year level. Entire school ang levels. Ang mga kaklase nilang babae ay lagi nang nanghihingi ng tulong kay Gela na magpaabot ng kung anu-ano kay Gab. Nariyan na ang mautusan siyang mag-abot ng love letter, chocolates, at kung anu-ano pa. Iyon ang perks ng pagiging seatmate nila ni Gab - na kung tutuusin ay mas na disadvantage talaga kaysa isang perk. Naging tulay siya sa lahat ng nagkakagusto dito. Wala naman siyang magawa dahil hindi naman siya yung tipo ng tao na madaling humindi sa pabor na hinihingi ng iba. Isa pa, kung magiging makatotohanan lang siya, nagkakaroon siya ng rason na kausapin si Gab dahil sa mga pasuyo na iyon. "Gela, pwede ba tigilan mo na yang ginagawa mo na nag-aabot sa akin ng kung anu-ano galing kung kani-kanino?" isang araw ay biglang sabi ni Gab sa kanya. Third and last subject nila iyong para sa pang-umaga nilang klase at kabibigay niya lang dito ng mga sulat na ipinaabot ng mga taga kabilang section. Nilapitan siya ng ilang babaeng galing sa kabilang room kaninang bago sila pumasok sa room nilang iyon galing ng Home Economics class nila. Binalingan niya ito ng tingin mula sa pagkopya ng isinusulat ng kanilang guro sa pisara. "Pinasuyo lang yang mga yan. Isa pa, hindi ko naman sila mahindian kasi." paliwanag niya dito na medyo nag-init ang pisngi ng makitang nakatingin ito ng mataman sa kanya. Nang araw na iyon ay tila mas gwapo ito sa karaniwan. Hindi naman strikto sa uniform ang kanilang ekwelahan at nakalusot ang pula nitong t-shirt na lalong nagpalutang sa kaputian at masculinity nito. Umaliwalas ding lalo ang mukha nito dahil sa kulay ng damit kung kaya naman ibang iba ang awra nito kumpara sa kung nakasuot ito ng uniporme. Inginuso nito sa kanya ang bukas na mga sulat na nasa arm rest ng upuan nito. "Ang baduy baduy ng mga pinaglalalagay at sinasabi nila sa mga 'to. Yung iba eh hindi pa tama ang spelling. Ako 'tong nahihiya para sa kanila." iiling-iling pang turan nito. Sinilip naman niya ng bahagya ang inginuso nito dahilan para mapalapit pa siya dito. Samyo niya ang bango ng cologne o pabango na gamit nito na hindi naman niya naaamoy sa mga kaklase niyang lalaki na mas sa menos ay mga amoy araw madalas. Tama nga ang sinabi nito. Cringy ngang talaga ang mga nakalagay doon. Sino pa ba sa panahon ngayon ang gumagawa ng FLAMES para alamin ang compatibility? At ano ba ang ibig sabihin ng isa na ang sinulat ay "you are like sun shining me"? Natatawang iniangat niya ang ulo, "Sobra ka naman. Ini-express lang naman nila yung paghanga nila sayo." She found it amusing na grabe ang confidence ng iba na gawin ang mga ganoong bagay at ibigay sa taong natitipuhan nila. "Kung ako din naman siguro at may lakas ako ng loob, baka ginawa ko na rin yan." wala sa loob niyang dugtong. Kumislap naman ang mata ni Gab sa sinabi niya, ipinatong ang ulo sa pinagsalikop na mga kamay sa ibabaw ng arm rest saka tila nakakaloko siyang tinanong, "Talaga? Bibigyan mo rin ako ng mga gan'to? Bakit hanggang ngayon wala pa akong natatanggap galing sayo?" Parang nawalang bigla ang hangin sa baga ni Gela ng sandaling iyon at pinamulahan siyang bigla ng mukha pati na umabot sa puno ng kaniyang tenga. "P-para kang sira, ba't ko naman gagawin yan?" mautal utal niyang tanong dito. "Akala ko ba, sabi mo, kung may lakas ka lang ng loob, ginawa mo na rin 'to? Ibig bang sabihin niyan may crush ka sakin?" kakaiba ang kislap at pinahihiwatig ng mga mata ni Gab ng sabihin iyon, pero hindi mabasa ni Gela. Hindi siya sanay sa mga ganoong encounter. Umigting na lalo ang pagka-self conscious niya, lalo pa ng kindatan siya ni Gab. Bolta-boltaheng kilig at kilabot ang naglakbay sa katawan niya at natatakot siyang malaman ni Gab ang nararamdaman niyang discomfort. Pabiro niyang hinampas palayo si Gab. Hindi niya kinakaya ang flirtatious na mga tingin nito o ang pagkindat kindat nito sa kanya. Kaya naman hindi man niya madalas ginagawa ay hinampas niya ito ng marahan kahit na ba halos gusto niyang bawiin agad ang kamay dahil sa electricity na bigla niyang naramdaman sa pagdaiti ng palad sa balikat nito. "Puro ka kalokohan. Magsulat na nga lang tayo. Mamaya ka niyan marinig pa tayo ni Mrs. Solomon eh mapalabas pa tayo dito." saway niya rito. "Tsaka huwag kang mafeeling, di naman lahat may gusto sayo." habol pa niya. "So wala ka ngang crush sa akin?" hindi pa rin tumitinag na tukso nito sa kanya. Inirapan niya ito. "Wish mo lang. Wala!" Medyo napalakas ang pagkakasabi niya roon kung kaya naman ay napalingon sa kanila ang guro na kanina pa busy na nagsusulat sa pisara. Tatawa tawa naman siyang siniko ni Gab na para bang sinisisi siya at naka-agaw na sila ng atensyon ng iba. Inirapan naman niya ito at pilit na inignora. Doon nagsimula na tuksu-tuksuhin siya nito na may gusto rito. At naisip pa nitong kaya daw siya nagpapauto na paluguran ang pabor ng iba ay dahil tila passes daw iyon na maiparating din dito ang nararamdaman niya. It made him look conceited in her eyes. Masyadong mafeeling at GGSS. Pero paano din ba kasi niya maisisinungaling na ginagawa niya iyon para somehow mayroon siyang paraan na makalapit dito. May rason siya na kausapin ito. Rason para lapitan ito? Ang hirap itago. Pero kinaya niya. Tatlong taon niyang itinago ang pagtanging iyon, hanggang sa magkahiwalay silang magkakaklase at magsipagkolehiyo sa iba't ibang lugar. ---------- Gab replied to your message, "Yep. Di ka umattend ng reunion. Namiss kita."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.5K
bc

Too Late for Regret

read
271.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
135.8K
bc

The Lost Pack

read
374.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook