Chapter 1
-----------PROLOGUE------------
5:00 PM na!
Tumayo ako upang magkaroon ng magandang access para makita si kuya Edriel. Nakahawak ako sa hamba ng gate dito sa harap ng tindahan. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko siya na naglalakad papunta sa naka-park na kotse.
Napahawak ako sa aking dibdib.
Miss na po kita kuya Edriel…
Gusto ko siyang takbuhin at lapitan para yakapin.
Pero hindi ko kayang gawin dahil ayaw niya akong makita. Nanlalabo ang mga mata ko habang nakatitig lang ako sa kanya na naglalakad papalapit sa kanyang kotse.
Maya-maya. Tumigil siya sa paglalakad, tumingin sa babae na tumawag sa kanya—--si ate Claudine…
Pakiramdam ko ay parang tinusok-tusok ang puso ko sa sakit nang makita ko si kuya Edriel na tumigil sa kanyang paglalakad at nakangiti na sinalubong si ate Claudine.
Tumigil ang t***k ng puso, sobrang bigat, kirot. Lalo na nang makita ko na kinuha ni kuya Edriel ang bag ni ate Claudine at pinagbuksan niya pa ito ng pinto ng kotse sa front seat.
Kasabay nang pagharurot ng kotse ni kuya Edriel ay ang pagbagsak ng masagana kong luha sa aking mga mata.
“Kaya pala…” humihikbi na sambit ko.
Marahil... Kaya walang imik si nay Anissa…
Pansin ko na hindi niya ako kinukulit or tinatanong ng kahit na ano about kay kuya Edriel. Siguro… pinaalam na ni kuya Edriel ang tungkol sa relasyon nila ni ate Claudine. Iyon ang reason kaya ayaw niya akong kausapin or ni mag reply sa mga chats ko sa kanya.
Hilam sa aking sariling mga luha na lumunok ako. Ang buong akala ko. Okay na kami ni kuya Edriel. Akala ko... May something na sa pagitan naming dalawa. Dahil… muntik ng may mangyari sa aming. Akala ko… espesyal na ako sa kanya. Dahil pinaramdam at trinato niya ako na special. Iyon pala… buong akala ko lang…
“Do it now, before it’s too late.”
Sana pala, nakinig ako kay Shiena. Sana… I give myself to kuya Edriel. Sana pumayag na lang ako na angkinin niya ako nung gabi ng birthday niya.
Edi sana… baka… ako ang mas pipiliin niya kaysa kay ate Claudine…
Tumingala ako at pumikit. Mali ang iniisip ko. Kahit ibigay ko sa kanya ang sarili ko. Si ate Claudine pa rin ang pipiliin niya. He promised to marry her pag natapos na ako mag aral sa college.
Nilapag ko ang coke at biscuits na hawak ko sa maliit na lamesa sa harap ng tindahan saka ako dahan-dahan na lumakad palayo. Wala ako sa aking sarili kaya naman ng bumuhos ang malakas na ulan, wala akong pakialam kahit pa mabasa ako. Kasabay ng buhos ng ulan ay ang buhos rin ng aking mga luha.
Gusto kong umiyak ng umiyak.
Masakit…
Pinaasa ako ni kuya Edriel. Iyon ang nararamdaman ko. Pinaasa niya ako. Naglakad ako sa gitna ng malakas na ulan. Kahit inaalok ako ng mga tricycle driver na dumadaan para sumakay ay hindi ako sumakay.
Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa tuluyan mawala yung bigat at sakit ng dibdib ko.
Sa bawat yakap, halik, pag-aalala ni kuya Edriel sa akin. Palabas lang talaga ang lahat ng iyon. Kasalanan ko dahil umasa ako kahit sinabi na sa akin ni ate Claudine ang plano nilang pagpapakasal dalawa pagdating ng araw…
Never pa akong nagka-crush sa buong buhay ko. Maliban kay Lee Min-Ho. Si kuya Edriel ang unang lalaki na nag bilis ng t***k ng puso ko. Siya ang dahilan kung bakit parang may butterfly sa loob ng stomock ko sa tuwing kasama ko siya at may sweet moments kaming dalawa.
He’s my first kiss…
He’s my first hug.
He’s my first touch.
Siya ang unang lalaking nakita ko ng walang saplot hot sa katawan.
Maraming bagay na siya ang first ko.
And those first experiences with him. It hurt me so much and left scars in my heart.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako naglalakad. Pero giniginaw na ako. I want to feel this coldness… Gusto kong maging manhid ang katawan ko. Ang puso ko para mawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
“Ang daya mo naman kuya Edriel, pinaramdam mo sa akin yung sakit, tulad ng sakit na ipinaramdam sa ‘yo ni ate Celestine…
Bakit naman po ako… bakit sa akin ka gumanti…” garalgal ang boses na sambit ko.
Bakit ako… bakit ako kuya Edriel… Bakit po ako… Bakit sa akin ka bumawi ng sakit…
**********************************************
CHAPTER ONE
"Adriel, Anak! Bakit mo nagawa 'to sa kapatid ni Celestine? Sa kapatid ng girlfriend mo?" hysterical na sabi ng ina ni Edriel nang makita nito halos hubo’t-hubad ang anak katabi sa kama ang nakababatang kapatid ng nobya ng anak.
Tulog pa ang diwa, gulat naman na tumayo si Adriel mula sa kama dahil sa tinig ng ina. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita si Christine na tanging bra at panty lang ang saplot sa katawan—katabi niya!
"s**t! No!" Usal niya sa pagkabigla.
Napayuko naman na hinatak ni Christine ang kumot at binalot sa katawan nang magising siya dahil sa lakas ng boses ng mag-ina.
Umiyak siya sa pagkataranta sa nangyayari ng umaga na iyon. Takot na takot siya sa ate niya sa oras na malaman nitong nalasing siya kagabi.
"Sorry po kuya Adriel, Nay Anissa, nakatulog po ako dito sa kwarto ni kuya dahil nalasing po ako kagabi," garalgal ang boses na paliwanag niya sa mag ina.
"Nalasing? Uminom kayo kagabi?" Hindi makapaniwala na tanong ni Adriel.
Rumihistro din ang pagkagulat sa narinig ang ina ni Edriel.
Umiiyak na marahang tumango si Christine
"O-opo, K-kuya Edriel, si Shiena po kasi... pinatagay po ako ng iniinom nila na alak kagabi…" patuloy niyang hikbi.
"f**k!" Galit na bumaling ng tingin si Adriel sa ina. "Nay, bakit naman po hinayaan sila na mag inuman kagabi?" Matigas ang boses na saad ni Edriel sa ina.
"H-hindi ko alam Anak, h-hindi ko alam na bumili pala sila ng alak kagabi. Binilin ko naman kay Shiena na 'wag silang gagawa ng hindi maganda kung ayaw nila na mapagalitan sila," nagkanda utal na paliwanag ng ina ni Edriel sa anak.
"s**t!" Inis na bigkas ni Adriel. Ngayon paano niya ipapaliwanag sa nobya niya na natulog silang dalawa ng kapatid nito sa iisang kama ng hindi ito nagagalit sa kanya.
"Tatawagan ko ang Ate Celestine mo," wika niya saka lumakad papunta sa closet at kumuha ng isusuot at nagbihis.
Kinakabahan na napabiyahe si Celestine pauwi sa kanila ng tawagan siya ni Adriel at sabihin na may problema sa kapatid nito.
Ang sabi ni Adriel sa kanya ay sa bahay ng mga ito siya dumeretso dahil may mahalaga silang pag-uusapan doon. Kumakabog ang dibdib niya sa labis na kaba at pag-aalala sa kapatid niya. Pag may nangyaring hindi maganda sa kapatid niya ay hindi talaga niya mapapatawad ang sarili niya dahil hindi niya nabantayan ang kaisa-isa niyang kapatid.
Nang makarating siya sa bahay nila Adriel ay kaagad niya na pinihit pabukas ang seradura ng pinto.
Pagbukas niya ay bumungad sa kanya sa loob ng tahanan ng mga ito ang kapatid niya na nakasuot ng damit ng nanay ni Adriel.
Tahimik ito at halatang namamaga ang mga mata dahil sa matagal na pag-iyak, at humihikbi pa.
Ang ina naman ni Adriel ay namutla ang mukha sa kinatatayuan ng makita siya nito.
Nasa mukha naman ni Edriel ay halatang kinakabahan ito ng sinalubong siya. Hindi pa man niya ibinubuka ang bibig niya para tanungin kung ano ang problema ay ramdam niya na mabigat ang problema ng kapatid sa mga sandaling iyon.
"T-tine, I'm sorry… L-look, hindi ko ginalaw ang kapatid mo. S-swear, I never ever touch her... Swear, I promise..." garalgal ang boses na panimula ni Adriel.
Gulat na napabaling ng tingin si Celestine sa kanya. "A-anong sabi mo? A-anong ginawa mo sa kapatid ko, Adriel?" Nangingilid ang mga luha na tanong ni Celestine sa lalaki.
Sumikdo ang galit sa kanyang dibdib. Hindi niya mapapatawad ang nobyo pagmalaman niya na ginawan ng hindi maganda ang kapatid niya.
Hindi kaagad nakakibo si Adriel, sa nakikita niya sa reaction ni Celestine ay malayo sa sikat ng araw na paniwalaan pa siya nito na hindi niya pinagsamantalahan at pinagnasahan ang kapatid ng kasintahan.
"Adriel sumagot ka! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Galit na sigaw niya sa lalaki saka ito pinagsasampal sa mukha. "Mag se-seventeen palang ang kapatid ko, Adriel, bakit mo nagawa 'to sa kanya?" patuloy niya rito.
Hinawakan ni Adriel ang mga kamay nito. "No,Tine. I didn't do anything to your sister. I'm not damn to touch her, kapatid mo s'ya, kaya kapatid na rin ang turing ko sa kanya." nanlulumo na saad ni Adriel.
"Kung ganun, ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin kung ano ang totoong nangyari!" Hysterical na sigaw ni Celestine.
"I... I was drunk last night... Gan’on din ang kapatid mo..." Simula niya. "At hindi ko na alam ang nangyari kung bakit napunta ang kapatid mo dito sa loon kwarto ko. But one thing I'm sure, very sure that I didn't touch her, dahil nga lasing ako kagabi," paliwanag nito.
Muling sinampal ni Celestine si Adriel. "So you think maniniwala ako sa 'yo, huh? Sa bibig mo na nga nanggaling na lasing ka, palagay mo may maniniwala sa 'yo na wala kang ginawa sa kapatid ko? Eh,lasing ka nga!" Tinitigan niya ito ng masama.
"Idedemanda kita ng child abuse at rape dahil sa ginawa mo sa kapatid ko! Hindi ako papayag na hindi ka makukulong Adriel, sinira mo ang buhay ng kapatid ko!"
Naalarma naman ang ina ni Adriel sa narinig na banta ni Celestine.
"Sandali, hija. Huwag mo naman gawin sa anak ko 'yan.. Please, mabuting tao ang anak ko at alam mo 'yan," umiiyak na singit nito.
"Mabuting tao? Hindi ko ho alam kung mabuting tao ang anak n'yo, dahil sa ginawa niya sa kapatid ko!" Pumatak ang luha sa mga mata ni Celestine.
"Oo hija, naabutan ko silang magkatabi sa kama na halos walang saplot sa katawan. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay pinagsamantalahan na ng anak ko ang kapatid mo. Ang tanging makakapag patunay lang n'yan ay ang kapatid mo, bakit hindi mo siya tanungin," sambit pa nito kay Celestine.
"Mawalang galang na po Nay Alissa, pero naririnig n'yo po ba ang sinasabi n'yo? They're both drunk and almost naked under the blanket together. Then you want me to believe that your son was innocent? Na wala po siyang ginawa sa kapatid ko? Lalaki pa rin po ang anak n'yo," Mariing salag niya sa wika ng ina ni Adriel.
"Kahit ano pang sabihin mo," tumingin siya sa gawi ni Adriel. "May pananagutan pa rin sa batas ang anak n'yo!" Aniya habang nakatitig ng masama sa mga mata ng lalaki.
"Idedemanda kita!"
"Huwag n'yo pong i-demanda si Kuya Adriel, Ate! wala po siyang ginawang masama sa akin. Kasalanan ko po dahil ako po ang kusang pumasok dito sa kwarto ni kuya at nakatulog po ako..." Umiiyak na paliwanag ni Christine sa ate nito.
"Narinig mo ang sinabi ng kapatid mo? Hindi magagawa ng anak ko ang paratang mo sa kanya, mabuting tao ang anak ko Celestine, alam mo 'yan." Mahina ang boses na wika ng ina ni Adriel.
"I will take the responsibility for this... And if I needed to marry her, I will... Hindi ako masamang tao Tine. So, please, 'wag mo akong ipakulong," malungkot na wika ni Adriel.
"Parang awa mo na hija, masisira ang buhay ng anak ko kung ipapakulong mo s'ya. Pumayag ka na lang na pakasalan n'ya ang kapatid mo para hindi siya makulong.” pakiusap ng ina ni Adriel.
Mariin tinitigan ni Celestine si Adriel.
"Gumawa ka ng paraan para maikasal kayo ng kapatid ko sa lalong madaling panahon, kung ayaw mo na ipakulong kita!" Galit na banta niya sa lalaki saka hinila palabas sa bahay ng mga ito ang kapatid.
Kumunsulta sila sa attorney para maging legal automatically ang civil wedding ng dalawa sa oras na tumuntong ang kapatid niya ng legal age nito. Pero dahil si Celestine ang tumatayong guardian sa kapatid nito at may consent niya na pakasalan ni Adriel ang kapatid ay nairaos naman ng maayos ang civil wedding ng dalawa.
Matapos ang simpleng salo-salo sa kasal ay walang naganap na haneymoon sa pagitan ng dalawa.
"Tine, pwede ba tayong mag-usap? Please..." Wika ni Adriel kay Celestine ng magkaroon na siya ng pagkakataon na kausapin ito. Hindi kasi siya nito kinikibo, ni tinitignan manlang dala ng galit nito sa kanya.
"Wala tayong dapat na pag-usapan, Adriel. Sa kapatid ko ikaw may responsibilidad at hindi sa akin," walang paligoy ligoy na sagot ni Celestine sa lalaki.
Hinawakan ni Adriel ang kamay niya. Kaagad na namang tinabig iyon ni Celestine saka pinag krus sa dibdib nito.
"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin dahil uuwi na ako, Adriel. Mag-aalaga pa ako ng anak ko,"
"I'm sorry, Tine. I'm sorry…But believe me or not I didn't touch your sister. Ikaw ang mahal ko Tine, at hindi ang kahit sinong babae pa. Hindi ako stupido na tao para pag-interesan ang kapatid ng babaeng mahal ko... At lalong hindi ako gagong lalaki para pakialam ang isang walang muwang na estudyante, kung ang iniisip mo lang ay nagawa ko 'yun dahil sa init ng katawan ko. I'm not that kind of person, Tine... May takot ako sa panginoon kaya hindi ko magagawa ang bagay na 'yan..." Puno ng sensero na wika nito saka niyakap si Celestine buhat sa likod.
Kaagad na pinigtas ni Celestine ang kamay nito na nakayakap sa kanya. "I'm sorry Adriel, pero sa ngayon sarado pa ang puso at isip ko para patawarin ka at makinig sa mga kasinungalingan mo. Alagaan mo ang kapatid ko, 'yan lang ang pakiusap ko sa 'yo kung talagang minahal mo 'ko ay gagawin mo ng mabuti ang responsibility mo sa kanya," puno ng galit na wika niya rito saka tuluyan ng lumakad palayo.
Napaatras sa paghakbang si Christine suot ang white dress na suot pa niya sa civil wedding nila ni Adriel nang marinig niya kung paano magmakaawa ang lalaki harapan ng ate niya ay na lungkot siya ng sobra.
Pinikit niya ang mga mata. Hindi iyon ang pinangarap niyang kasal sa talambuhay niya. She couldn't believe that shekaklase would marry his sister's boyfriend. Na ge-guilty siya dahil sa kapabayaan niya ay parehong nasasaktan ang mga ito dahil sa kanya. Sinipat niya ang suot na singsing at hinubad iyon. Hindi dapat malaman ng mga niya ang tungkol sa lihim na pagpapakasal niya sa nobyo ng ate niya. Ano na lang ang sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya. Tutal nabasa naman niya na sa oras ng tumuntong siya sa legal age ay maaari niyang ipa-annual ang kasal nila ni Adriel kahit may consent pa ng ate Celestine niya.
Wala naman talagang nangyari sa kanila ng kuya Adriel niya kaya walang dahilan para magsama sila sa iisang bubong.
Hindi niya inimagine na makasal sa lalaki na halos sampung taon ang agwat ng edad sa kanya. Umiiyak na pumasok siya ng kwarto ni Adriel at hinubad ang bestida at nagpalit ng pambahay na damit saka humiga siya sa kama. Inisip niya na baka hindi naman doon matutulog ang kuya Adriel niya dahil panigurado na naiilang din ito sa kanya.
Kanina nga lang sa ‘you may now kiss your bride’ ay hindi siya nito hinalikan sa labi, which is pabor din naman sa kanya ang bagay na iyon. Nasa gitna siya ng pag-iisip kung paano niya ipapaliwanag sa kaibigang si Shiena kung bakit doon na siya titira sa bahay ng pinsan nito. Nang marinig niya na bumukas ang pinto at lumakad papasok sa loob ang lalaki na pinakasalan niya ilang oras palang ang nakalilipas. Dala ng kalituhan ay kaagad na lang niya na pinikit ang mga mata at nagkunwaring natutulog.
Ni hindi magawang sulyapan ni Adriel ang babaeng pinakasalan niya habang natutulog na ito sa kama niya. Sandali siyang pumasok sa loob ng kwarto at kumuha lang ng damit ay lumabas na rin siya kaagad roon.
He can't imagine himself sleeping with a young girl who was the same age as her younger cousin. And additionally, he couldn't sleep in the same bed next to the woman who was the younger sister of the woman he loves.
Dala ang isang unan ay nahiga siya sa sofa. Napabuga siya ng hangin sa kamalasan na tumama sa kanya. Matapos mawalan ng trabaho ay ngayon naman problemado siya sa obligasyon sa asawa niya. Parang naging instant tatay at kuya pa siya nito tuloy dahil kailangan niya na pag-aralan at bigyan ng magandang future. Pagod na ipinikit niya ang mga mata, bukas na lang niya ito kakausapin sa magiging setup nilang dalawa bilang mag-asawa sa mata ng mga tao.