bc

The Forbidden Love: Rogue Hearts

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
family
HE
opposites attract
curse
badboy
drama
bxg
highschool
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Forbidden Story.Forbidden Love. He used to be my hero, the annoyingly caring big brother who protected me from monsters under the bed and cheered me on at every school play. His annoying laughter filled our home with warmth, and his hugs could chase away any sadness. But now, it feels like a shadow has fallen over him. His smiles have grown scarce, replaced by a coldness I can't understand. We used to be inseparable, sharing everything, dreams and fears alike. Now, we pass like strangers in the hallway of our own home. How did we end up like this?-DO NOT READ THIS STORY!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"I need to go to the faculty office urgently. If you have completed your work, please submit your papers to Miss Silvano." Napaupo ako ng tuwid nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am Olivar. Kanina pa ako natapos sa quiz namin pero hindi pa ako nagpapasa dahil hinihintay kong may maunang mag pasa. Mayamaya pa ay nagsilapitan na ang aking mga kaklase sa akin para ipasa ang kanilang nga papel. "Pres, siguradong ikaw na naman perfect nito." Nakangiting sabi sa 'kin ng isa kong classmate. "Hindi naman siguro." Nahihiya kong sagot. "Sus, sigurado na 'yan, ikaw pinakamatalino rito eh." Natawa na lang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang pag a-arrange sa kanilang mga papel. Halos lahat ng nakakakilala sa 'kin iniisip na matalino ako dahil palaging ako ang nangunguna sa klase at consistent na nasa first section. Gumraduate ng Valedictorian sa elementary at palaging nangunguna mula grade seven hanggang ngayon. Pero sa tingin ko, hindi naman talaga ako matalino, sadyang mahilig lang akong mag basa at mag aral. Naging hobby ko na kasi ang mag advance study kaya tuwing may discussion, oral recitation at quizzes ay marami na akong nalalaman kaya madali na lang sa 'kin ang pagsagot. Marami akong mga nagiging kaibigan dahil madalas silang sumasabay sa 'kin dahil na rin sa naishi-share ko sa kanila 'yong mga naiintindihan ko sa mga lessons namin at minsan ay tinutulungan ko rin sila sa mga takdang assignments namin. Pero marami rin ang may ayaw sa 'kin dahil nga isa raw akong bida-bida at pabibo sa klase na hindi ko na lang pinagtutuunan ng pansin dahil sa tingin ko ay natural na lang talaga ang gano'n. Hindi ko rin naman kasi habang buhay na makakasama ang mga classmates ko ngayon kaya walang saysay kung pakikinggan ko ang kanilang mga negatibong opinyon tungkol sa 'kin. Hangga't wala akong ginagawang masama, wala akong pakialam kahit ano pa ang masabi o sabihin nila sa 'kin. Isa pa, wala rin namang naglalakas loob na pagsabihan ako ng masama ng harap harapan, takot lang nila. Papunta na ako sa faculty room nang humahangos na lumapit sa akin si Mira, ang nag iisang kaklase na tinuturing kong totoong kaibigan. Pawis ang noo niya at hinihingal pa. "Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko sa kan'ya. "Keila! Si Kieran nakikipagbasag-ulo na naman! Puntahan mo dali! Baka makapatay na 'yong kapatid mo!" Namilog ang mga mata ko at kaagad na tumatakbong sumunod kay Mira. Halos baggain at ipagtulakan ko na ang mga nakakasalubong ko sa sobrang pagmamadali. Malakas ang kalabog ng dibdib ko dahil sa sobrang pag aalala. Nag aalala na baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko pero mas lamang ang pag aalala na baka kung ano na ang nangyari sa kaaway niya! Kilala ko ang kapatid kong 'yon. Kapag galit siya, hinding hindi siya magpipigil. Wala siyang pakialam kahit mapuruhan pa niya ng sobra ang kalaban niya. Wala rin siyang pakialam kahit marami ang magalit sa kan'ya! Gano'n katigas ang bungo no'n! Nakarating kami sa likod ng grade 10 building. Doon nagkukumpulan ang mga estudyante at naririnig ko ang malalakas nilang sigawan. Nagpupustahan pa nga ang ilang mga lalaki sa gilid habang ang mga babae naman ay nagtitilian, ang hindi ko lang sigurado ay kung tili ba 'yon dahil sa takot o cheer. "My gosh! Ang galing talagang makipag-suntukan ni Kier!" Kaagad na nagpanting ang mga tenga ko nang marinig 'yon. Dumoble rin ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Oo nga, bes! Ang lakas ng dating niya at ang gwapo pa rin kahit gusot gusot na ang uniform!" "My God! Wala bang aawat sa kanila?! Baka mapatay ni Keir si Miko!" Oh, lord. Hihimatayin na yata ako. Kaagad akong sumuksok sa kumpulan kasama si Mira hanggang sa makapunta kami sa harapan. At nanlumo ako nang makita ko ang kapatid kong walang prenong nagpapakawala ng sunod sunod at malalakas na na suntok sa lalaking hawak ng kaniyang dalawang barkada. Duguan na ang mukha ng lalaki, maging ang uniporme nitong suot at halos lupaypay na nga pero hindi pa rin ito tinitigilan ng kapatid ko! "Putangina mong gago ka!" Malakas na sigaw niya kasunod ng pagtama ng kaniyang kamao sa basag na mukha ng lalaki. "Sige pa, Ryke! Siguraduhin mong matututo ng leksyon ang gagong 'to!" Pang e-engganyo pa ng isa sa mga barkada ng kapatid ko habang tumatawa. "Gago! Sa susunod kilalanin mo kung sinong binabangga mong inutil ka!" Muling sigaw ng kapatid ko saka malakas na sinuntok sa sikmura ang lalaking hindi na halos makilala dahil puno na ng galos at namamaga ang mukha. Halos lumabas na sa aking dibdib ang puso ko dahil sa sobrang kaba lalo na nang makita kong umubo na ng dugo ang walang kalaban labang lalaki. Para akong natulos sa aking kinatatayuan habang pinapanood ang kapatid kong balak yata talagang tapusin ang buhay ng lalaki. "Tumawag kayo ng guard! Ano ba!" Rinig kong paghihisterya ni Mira sa tabi ko. Bigla naman siyang humarap sa 'kin at niyugyog ang aking mga balikat. "Keila! Baka naman kaya mong pigilan 'yang kapatid mo! Baka mapatay niya 'yang lalaki!" At doon lang ako natauhan. Mabilis akong humakbang palapit pero hindi naman ako tuluyang makalapit dahil sa takot na baka aksidente akong matamaan. Si kuya Ace na isa sa may hawak sa kawawang lalaki ang unang nakapansin sa 'kin. "Ryke, kapatid mo andito." Pero mukhang walang narinig ang kapatid ko dahil tuloy lang ito sa pagsuntok at pagsipa sa lalaki. "KUYA, TAMA NA!" Malakas kong sigaw kaya ang kaniyang kamao na dadapo sana sa mukha ng lalaki ay nabitin sa ere. Mabilis siyang napatayo ng tuwid at gulat na humarap sa akin. Namimilog ang kaniyang mga mata habang naka-awang ang labing putok ang gilid. Ang kaniyang kanina'y puting uniporme, ngayon ay halos magkulay tsokolate na dahil sa alikabok at dugo. Bukas din ang itaas na parte nito kaya lumitaw ang kaniyang puting sando na hindi na rin kulay puti. "Kei?" Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang mahahabang daliri saka mabilis na lumapit sa 'kin. "Anong ginagawa mo rito? Wala ba kayong pasok?" Masama ko siyang tinignan at kung hindi lang dahil sa dumudugong gilid ng kaniyang labi ay baka nakurot ko na siya! Talagang may lakas ng loob pa siyang magtanong sa 'kin na para bang hindi ko siya nahuling nakikipagbasag-ulo! "Ano na naman 'tong ginawa mo, kuya?!" Galit kong tanong sa kan'ya. Napakamot siya sa kaniyang dumudugong kilay at agad ring napangiwi dahil mukhang ang sugat pa yata ang nakamot niya. "Wala naman akong ginagawang masama, sis." Nakanguso niyang sabi at pakiramdam ko'y tumaas yata ang altapresyon ko! "Walang ginagawang masama?! Balak mo pa nga yatang patayin 'yong kalaban mo eh!" "Hindi ah! Hindi pa siya mamatay do'n at kung mamatay man siya, patunay lang 'yon na mahina siya—Aaaw!" Mabilis akong tumingkayad at piningot ang kaniyang tenga at dahil masyado siyang matangkad, napapayuko na lang siya habang dumadaing. "Aray! Aray ko, Kei! Masakit!" "Ang tanda tanda mo na nakikipagbasag-ulo ka pa rin!" Hinuli niya ang kamay kong nakahawak sa tenga niya at hinuli niya rin ang isa ko pang kamay para makasiguradong hindi ko na siya makukurot o mapipingot pa. "ANONG KAGULUHAN ANG NAGYAYARI RITO?!" Mabilis kaming napalingon at bumungad sa 'min si Ma'am Renacia na adviser nila kuya, kasama naman nito ang dalawang guard. Ang mga wrinkles ng guro ay mas lalo pa yatang naging visible. "SILVANO?!" "Hi, ma'am, ehehe." Kumaway pa ang sira-ulo kong kapatid na lalong ikina-asar ng guro. Nai-imagine ko na nga ang paglabas ng apoy sa ilong nito at mga usok naman sa tenga. Hindi ko masisisi si Ma'am Renacia kung ma-flying kick niya itong kapatid ko dahil ilang beses na rin kasi siyang napapatawag dahil halos every week siyang nasasangkot sa gulo. "Sumunod kayong tatlo sa 'kin!" Galit na galit na sabi ni Ma'am matapos utusan ang isang guard na dalhin sa clinic ang lalaking binugbog ng magaling kong kapatid. Kakamot kamot sa batok na sumunod naman ang dalawang barkada ni kuya habang nasa likod ang isa pang guard na may malaking katawan. Nagulat naman ako nang bigla na lang huminto si kuya sa paglalakad at dahil hawak niya ang kamay ko ay napahinto na rin ako. "Silvano!" Galit na tawag sa kaniya ni Ma'am, iniisip siguro na tatakas ang magaking kong kapatid. "Sandali lang, Ma'am! Di naman ako tatakas eh." Nakangisi niyang sagot. Kumunot ang noo ko nang bigla na lang hinubad ni kuya ang kaniyang maruming uniporme at sapilitang isinuot sa akin. Pabaliktad iyon dahil ang bandang likuran ang nasa aking harap. Marungis ang kaniyang uniform pero kapit na kapit pa rin ang pabango niya na nahaluan ng kaunting amoy pawis. Pero kahit ang pawis niya ay hindi amoy asim. Ba't kaya ganito? "Sira ang uniform mo." Nakasimangot niyang sabi sa 'kin bago ako muling hinawakan sa kamay saka naglakad. Saka ko lang naalala na nasira nga pala 'to kanina nang makipagsiksikan ako sa canteen. Dalawang butones ang nawala kaya safety pin ang inilagay ko rito kanina pero mukhang natanggal yata. Mayamaya pa ay nakarating na kami sa guidance office. Ayoko na sanang sumama dahil may iniutos pa sa akin si Ma'am Olivar kanina pero hindi ko naman pwedeng basta na lang iwan 'tong kuya ko. Baka kung ano pa ang hatol sa kan'ya, at least narito ako at mapapakiusapan ko ang mga guro. Mabuti na lang at nagpresinta si Mira na siya na ang maghahatid ng mga papel namin sa faculty office. "What is it this time, Mister Silvano?" Pagod na tanong ng aming guidance councillor. Napahilot pa ito sa noo habang nakatingin sa aking kapatid at sa dalawa nitong barkada. "Every week ko na lang ba talaga kayong makikita?" Balewalang nagkibit balikat ang aking kapatid. "Depende 'yan, Ma'am kung mapapa-away ulit kami next week." Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya kaya mabilis ko siyang nakurot sa kilid. Masama naman siyang tumingin sa 'kin at muling hinawakan ang aking kamay para hindi ko na siya makurot ulit. "Huwag kang pilosopo, Mister Silvano! What is it this time?! Ano na namang dahilan mo at nakipagbasag-ulo ka na naman!" Bumaling ito sa dalawang barkada ni kuya na parang mga walang narinig. Si kuya Jaxon ay tila naaaliwng tinitignan ang goldfish sa aquarium habang si kuya Weston naman ay nagsi-cellphone, tumatawa tawa pa. Mga pasaway talaga! "Ma'am, kasalanan 'yon no'ng kalaban namin! Binutasan ba naman gulong ng kotse ko! Syempre hindi naman ako papayag na basta na lang apihin kaya gumanti kami!" Kat'wiran ng magaling kong kapatid. Napabuntong hininga at mariing napapikit si Ma'am Gomez. Siguradong hindi niya na alam kung paano pa iha-handle ang kapatid ko maging ang mga barkada nito na sobrang loyal sa kaniya to the point na kahit anong iutos niya ay susundin yata. "I'm at a loss on how to handle the situation with you three, especially you, Silvano! The boy you beat up appears severely injured, and we might need to send him to the hospital!" Mabilis akong kinabahan sa aking narinig. Paano na lang kung magreklamo ang mga magulang no'ng lalaki?! Minor pa ang kuya ko pero kahit na! Ano na lang ang mangyayari sa kan'ya?! "W-what will happen to my brother po if ever mag reklamo ang mga magulang no'ng binugbog niya—?" "Hindi ko siya binugbog, sis!" Singit ni kuya pero 'di ko na siya pinansin. "Miss Silvano, the outcome depends on the situation. If the poor boy's parents react and file a complaint, your brother might face expulsion from the school." Kaagad nanubig ang mga mata ko dahil sa takot. Natatarantang tumingin naman sa akin si kuya. Namimilog ang mga mata niya habang pinapanood ang unti unting pag tulo ng mga luha ko. Mukhang mas takot pa siyang makita na umiiyak ako kesa sa katotohanang pwede siyang ma expelled! Mabilis kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone saka nagmamadaling lumabas. Tinawag pa ako ni kuya pero hindi ko na siya pinansin. Kailangan kong makausap ang parents namin. Pagkalabas ay kaagad kong tinawagan si mommy pero walang sumasagot. Sumunod ko namang tinawagan si daddy pero ang tanging sekretarya lang nito ang sumagot dahil nasa isang meeting pa raw si daddy pero ayos lang. Sinabi ko sa kan'ya ang mga nangyari at hinabilin na importanteng masabi niya iyon kaagad kay daddy. Rinig kong bumukas ang pinto ng guidance office kasunod ng mga boses nila kuya. "Putcha, ang sakit ng pisngi ko." Si kuya Jaxon. "Bobo mo kasi! Ba't ka nagpasuntok sa mukha?" Sabi naman ni kuya Weston. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang mabigat na braso na umakbay sa 'kin. "H'wag ka na umiyak. Hindi ako maaalis sa school na 'to." Sabi ni kuya at mas hinila pa ako kaya dumikit na 'yong mukha ko sa dibdib niya. Langhap na langhap ko tuloy ang umaalingasaw niyang pabango. Mabilis ko siyang tinulak saka masama ang tinging humarap sa kan'ya. "At paano pag na expelled ka ha?!" Napangiwi siya at napakamot sa gilid ng noo. Kalmadong kalmado ang mukha na para bang hindi niya talaga inaalala kung ano ang posibleng mangyari. "Malabo. Hindi naman papayag mga magulang natin, sis." Sabi niya saka muli akong hinila. "H'wag ka ng mag mag-alala, hmm?" Niyakap niya ako at marahang hinaplos ang aking buhok. Yumuko pa siya at naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng aking ulo. "Gamutin mo na lang ang mga sugat ko, humahapdi na eh." Napasimangot ako at bahagyang lumayo. Tiningala ko siya. Nakangiti na siya sa 'kin na parang isang inosente at napakabait na anghel. "Sa clinic ka na lang magpagamot." Sabi ko sabay irap sa kan'ya. Natawa naman siya. "Ayoko. Baka makita ko pa si Miko ro'n at magkaro'n pa ng part two ang laro namin." Nakangisi niyang sabi. At sa takot na baka totohanin niya ang kaniyang sinabi ay wala na nga akong nagawa. Hinila ko siya papuntang grade 9 building kung nasaan ang classroom namin habang nakabuntot naman sa kan'ya ang dalawang kaibigan. Pumasok kami sa classroom at kitang kita ko kung paanong natigilan ang mga kaklase kong babae nang makita kung sino ang mga kasama ko, lalong lalo na ang hila-hila ko. Hindi ko na lang pinansin ang kanilang mga bulungan at impit na tili dahil dumiretso na ako sa aking upuan. Mukhang naintindihan naman kaagad ni Mira kung bakit ko dala-dala ang kuya ko rito kaya mabilis siyang kumilos at kinuha ang first aid kit. Pinaupo ko si kuya sa aking upuan habang nililinisan ang kaniyang sugat sa kilay. Buti na lang at hindi malaki na kailangan pang tahiin. Napapangiwi naman siya dahil sa hapdi. Maging ang gilid ng kaniyang labi ay napunit at may natutuyong dugo. Kaagad namang nagkumpulan ang nga kaklase kong babae sa amin. "Kier, masakit ba?" Tanong ng isa kong kaklase na hinaplos pa talaga ang mukha ng kapatid ko. Ngumisi naman si kuya sa kan'ya, "Medyo, pero 'di naman nabawasan ang kapogia ko noh?" Tanong niya sabay kindat. Napangiwi na nga lang ako nang mamula ang mukha ng classmate ko at magtiliian ang iba. "Gwapo pa rin naman ako, Miss 'di ba?" Muling tanong ni kuya na nasundan ng pag ngiwi nang diinan ko ang bulak sa sugat niya. "G-gwapo pa rin." Sagot naman ng isa ko pang kaklaseng babae na si Ritchelle. Tumingin ito sa 'kin at matamis na ngumiti. "Kei, g-gusto mo ako na riyan? Ako na lang gagamot sa kuya mo." Pinigilan kong tumaas ang kilay dahil sa sinabi niya. Hindi naman kasi kami close at alam kong 'yong pinapakita niyang kabaitan sa 'kin ay fake lang dahil ilang beses ko na rin silang naririnig ng mga barkada niya na pinag-uusapan ako. Mabait lang naman siya sa 'kin dahil kuya ko si Kieran Ryker Silvano, ang ultimate crush niya. "Hindi na, Richelle, salamat na lang." Umangat ang kilay niya at pekeng ngumiti bago muling bumaling sa muli sa kapatid ko. Kung ano ano ang tinatanong nila kay kuya na malugod namang sinasagot ng malandi kong kapatid. "Tapos na." Sabi ko matapos gamutin ang mga sugat niya saka bumaling sa dalawa niyang kaibigan na nakikipagkwentugan s***h landian na rin sa mga kaklase kong babae. "Kayo na sunod." Sabi ko sa kanila. Nagulat naman ako nang mula sa pakikipagkwentuhan sa mga babae kong classmate, biglang bumaling sa 'kin si kuya. Nakakunot ang noo niya. "Hindi pwede." Bigla niyang sabi saka matalim ang mga matang binalingan ang dalawang kaibigan. "Doon kayo sa clinic magpagamot! Layas!" "Teka pre! Kaya nga kami sumunod dahil magpapagamot din kami kay Keil—" "Hindi doktor ang baby ko! Kung ayaw n'yong ibaon ko 'tong kamao ko sa mga nguso n'yo, sa clinic kayo magpagamot!" Pinakita pa ni kuya ang kaniyang kamao sa dalawa kaya kakamot-kamot sa ulong lumabas si kuya Weston. "Ang damot mo sa kapatid mo ha!" Sabi pa ni kuya Jaxon na kaagad inambahan ni kuya kaya wala ring nagawa kundi sumunod kay kuya Weston palabas. Napailing na lang ako sa inaasal ng kapatid ko. Ganito siya. Masyadong maligalig at laging pasimuno ng gulo at pagdating sa 'kin, mas tumitindi ang sapak niya sa ulo. Hindi ko na nga mabilang kung ilang estudyante, babae man o lalaki ang binantaan niya na pahihirapan niya sa oras na awayin ako. Kaya nga walang kahit na sinong naglalakas-loob na awayin ako ng harap harapan dahil alam nilang hindi magdadalawang isip itong kapatid ko na bangasan sila. Mayamaya pa ay tumunog ang alarm, hudyat na labasan na. Dinampot ni kuya ang aking bag saka isinukbit sa kaniyang kaliwang balikat bago humarap sa 'kin. Sinigurado niyang maayos na nakasuot sa akin ang kaniyang polo bago hinawakan ang kamay ko at giniya palabas. "Pa'no girls, una na kami. See ya 'round." Kumindat pa siya sa kanilang lahat habang may pilyong ngiti sa labi. Kaagad namang nagtiliian ang mga babae kong classmates. "Tss!" Kaagad siyang lumingon sa 'kin at natawa dahil nakasimangot na ako sa kan'ya. Kumindat pa siya sa 'kin bago ako hinila palapit at inakbayan saka sabay kaming naglakad palabas. Sumisipol pa siya habang parang politong nangangampanya dahil lahat ng nakakasalubong naming babae ay kinakawayan niya at tuwang tuwa siya sa tuwing napapatili at namumula ang mga ito. Hindi ko naman sila masisisi. Para sa isang seventeen years old at grade eleven student, masyadong matangkad si kuya. Ang height niya ay parang pang college na. Lean din ang kaniyang katawan na may saktong muscles na nakukuha niya sa pagpunta ng gym every Saturday at sa pagba-basketball, siguro pati na rin sa pakinipagbasag-ulo. Maputi ang kaniyang balat na natural sa amin dahil may lahing spanish ang pamilya namin. Light ang shade ng brown niyang mga mata na kung hindi lang siya madalas nakangiti at tumatawa, iisipin mo talagang laging wala sa mood dahil masyado siyang intense kung tumingin. Makinis ang kaniyang mukha at wala ni isang tigyawat, natangos ang perkpektong ilong, may kakapalan ang mga kilay at manipis ang kulay pink na mga labi. Makikinis ang pisngi na may malalalim na dimple na lumilitaw kapag ngumingiti. In short, napaka-gwapo ng kuya ko kaya kahit mahilig siya sa gulo, lumiliban at hindi nakikinig sa klase ay marami pa rin ang nagkakagusto sa kan'ya. Idagdag pa na mula kami sa maykayang pamilya at kilala ang mga magulang namin bilang isa sa mga may pinaka-malalaking donasyon sa school na 'to kaya halos lahat nagkakandarapa sa atensyon niya. Siempre hindi rin naman nagpapahuli ang dalawa niyang mga barkada kaya nga madalas akong masabihan na maswerte raw ako dahil kapatid ko si Kieran Ryker Silvano dahil bukod sa napakagwapo niya, napapalapit din ako sa mga gwapo niyang kaibigan. Pero malas din daw dahil siempre kapatid ko nga si Kieran Ryker Silavni, hindi ko naman maintindihan kung bakit malas 'yon, siguro ay dahil masyado akong naii-stress dahil sa kan'ya. Nagtaka ako kung bakit sa mismong gate kami ng school dumiretso imbis na sa kotse niya. Dinukot niya sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone at pumindot-pindot at ilang sandali lang ay may kausap na siya. Mukhang ang isa sa mga driver namin. "Papasundo tayo dahil butas ang gulong ng kotse ko." Umigting ang panga niya at nagsalubong ang mga kilay. "Ang tangnang 'yon. Lakas ng loob niyang banggain ako ah." Napailing na lang ako sa kan'ya. Iilan lang naman talaga ang bumabangga sa kan'ya ng harapan dahil bukod sa takot sa kamao niya, alam din nilang wala rin silang magagawa dahil isa ang pamilya namin sa pinakamayaman at kilala rito sa Davao. Hindi naman kinukunsinte ng mga magulang namin si kuya, sadyang singtigas lang talaga ng bato ang utak ng kapatid ko kaya wala silang choice kundi linisin palagi ang kalat nito. Mayamaya pa ay dumating na ang pulang Rolls-Royce Cullinan na isa sa mga service car namin. Bumukas ang pinto at bumaba ang isa sa mga tauhan namin at pinagbuksan kami nito ng pinto. Nauna akong pumasok at sumunod naman kaagad sa 'kin si kuya. Napasimangot na lang ako nang pagkapasok niya ay kaagad niyang hinubad ang suot na sando at bumalandra kaagad ang kaniyang katawan. Dahil hindi pa nakasara ang pinto sa tabi niya ay kitang kita ng mga estudyanteng babae ang nakabalandra niyang likod. Namilog ang kanilang mga mata, may nagtilian at may umakto pang hinimatay. Napailing na lang ako sa exaggerated nilang reaksyon. Dinampot ko ang sando niyang basa pa ng pawis at binato sa kaniyang pagmumukha kaya gulat siyang tumingin sa 'kin. "Para sa'n naman 'yon?" "Isarado mo 'yang pinto! Gustong gusto mo rin talagang pinagpi-pyestahan nila 'yang buto-buto mong katawan noh!" Sandali siyang natigilan bago lumingon at natawa nang makitang marami na nga ang nanonood sa kan'ya. May kung ano siyang ginawa na hindi ko nakita dahil nakatalikod siya pero kitang kita kong bigla na lang kinilig ang mga babae sa labas! Ang landi talaga ng lalaking 'to! Alam na alam niya kasi ang epekto niya sa mga babae kaya sinasamantala niya! Nang hindi na ako makatiis ay umusog na ako palapit saka hinila ang kaniyang buhok kaya napilitan siyang umusog habang dumadaing at tumatawa. Isinara naman kaagad ng driver namin ang pinto ng sasakyan. "Aray ko, sis! Baka mapanot na 'ko niyan!" Tumatawa niyang sabi habang pinipigilan ang kamay ko. Inis ko namang binitawan ang buhok niya at masama siyang timignan. Gustong gusto kong sapukin ang nakangisi niyang mukha! Kung hindi ko lang talaga inaalala ang sugat sa kilay at labi niya ay baka nasapok ko na siya! "Mas gusto kong mapanot ka para mabawasan 'yang kalandian mo!" Muli siyang humalakhak. Ang kaniyang mga mata ay napapapikit pa habang lumilitaw ang dalawang malalalim na dimple sa kaniyang magkabilang pisngi. Gwapo talaga ang kumag na 'to pero gigil na gigil pa rin ako sa kan'ya! "Hindi pwede, wala ng hihilahin ang mga babae pag nasarapan sila." Humahagikhik niyang bulong. Akala niya siguro hindi ko narinig! Lalo akong napasimangot. Mukhang nawala yata sa utak niya na kapatid niya ang kaniyang kausap kaya umandar na naman ang bastos niyang bunganga! Mariin kong nakagat ang aking labi dahil sa pagpipigil na sugurin siya at sakalin. Kaagad ding namula ang aking mga pisngi dahil alam na alam ko kung ano ang tinutukoy niya! Sa dalas ko ba naman silang naririnig na mag usap tungkol sa mga mahahalay na tema! Nang hindi ko na mapigilan ang gigil dahil humahagikhik pa rin siya ay mabilis ko ulit siyang inabot at sinabunutan! Wala akong pakealam kahit maubos ko pa ang buhok ng malanding lalaking 'to! "Walangya ka! Alam mo bang hindi mo dapat sinasabi 'yan sa harap ng kapatid mo! Ang halay mo!" Pero ang walangya tawa lang ng tawa! Hinuli niya rin ang dalawa kong kamay saka mabilis na inilapit ang mukha sa 'kin. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin kaya halos maduling na ako habang nakatingin sa kaniya. Naniningkit ang kaniyang mga mata at magkasalubong ang mga kilay. Mukhang ngayon lang pumasok sa maliit niyang utak kung anong kahalaayan ang sinabi niya sa presensya ng kaniyang kapatid! Ano pa bang aasahan ko sa lalaking 'to?! "H-hoy bata, wala kang narinig at bakit alam mo ang meaning no'n ha?!" Tanong niya at mas inilapit pa ang mukha sa 'kin na halos magdikit na tulog ang mga tungki ng ilong namin. Papalit palit ang tingin niya sa dalawa kong mga mata at alam na alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko siya nabibigyan ng magandang sagot. Napairap ako sa kan'ya. "Eh sa naririnig ko kayo lagi nila kuya Jaxon na nag uusap ng ganiyan sa bahay eh! Kasalanan n'yo! Mahahalay kayo!" Singhal ko. Umawang naman ang mga labi niya at napapikit ng mariin. Sunod sunod siyang napalunok at bumuntong hininga pa. Napasimangot na lang tuloy ako nang tumana sa mukha ko ang mainit niyang hininga. Amoy bubble gum ang bunganga niya pero ayoko pa ring bugahan niya ang mukha ko noh! "Ang mga tangnang 'yon! Gigilitin ko mga leeg nila bukas, Keila!" Inis niyang sigaw. Buti na lang talaga at sanay na ang mga driver namin sa ugali ng kuya ko. Mabilis ko namang tinampal ang kaniyang bunganga. Aba't nanisi pa kasi! Akala mo naman hindi siya ang leader sa kalokohan! "Bakit sila lang sinisisi mo?! Hoy kasalanan mo rin! In fact, ikaw pa nga ang pasimuno!" Inis siyang bumaling sa 'kin. Nakasimangot at masama ang tingin. Ang mapula niyang labi ay lalong namula dahil sa riin ng pagkaka-kagat niya rito. "Kalimutan mo 'yon! Hindi ka rin makikinig sa mga usapan namin! Bawal makisali sa usapan ng matatanda ang mga bata!" Sinuntok ko ang braso niya at humalukipkip. Kung makapagsalita akala mo matanda! Seventeen lang naman siya at napaka-immature pa! Makikipagsagutan pa sana ako sa kan'ya nang may nahagip ako sa labas. Kaagad akong napangiti nang makita ko si Nathan Morales, grade 12, nasa first section at president ng student council, ang aking crush. "Nabaliw ka na? Ba't ngumingiti kang mag isa riyan?" Biglang tanong ni kuya sabay sundot sa pisngi ko pero hindi ko siya pinansin dahil nanatili akong nakatingin kay Nathan. Hindi man siya kasing gwapo ng kapatid kong asungot pero siya ang pinakamamahal ko. "Ano bang tinitignan mo riyan?" "Aray! Ano ba!" Inis kong bulyaw nang basta na lang niyang itinulak ang pagmumukha ko at umusog palapit para rin makasilip. Nakasubsob na tuloy ang mukha ko sa mabango at makinis niyang leeg na medyo basa pa ng pawis. "Iyang asungot ba ang tinitignan mo?" "Anong asungot?! Ang gwapo kaya ni Nathan, mabait at matalino pa." "Tss, sinasabi mo? Anong gwapo eh mukha ngang paa ko lang ang pagmumukha niyan eh. Mabait? Bait baitan lang palibhasa anak ng teacher at anong matalino? Hoy hindi lang ako masipag pero ulats 'yan pagdating sa'kin kung masipag ako!" Napasimangot ako at kinurot ang matigas niyang t'yan! Nakakaasar! Alam kong hindi kasing gwapo niya si Nathan ko at totoo na kung magsisipag siya ay may pag asang maungusan niya ito pero kailangan niya pa bang sabihin 'yon?! Bakit niya kinukumpara si Nathan sa sarili niya?! Pabida rin eh! Bigla niyang hinawakan ang mga balikat ko saka mariing tumingin sa 'kin. "Bakit ka nakatingin sa kan'ya ha?! At bakit hindi ka nagku-kuya sa mokong na 'yon?! Hoy bata, ilang taon ang tanda no'n sa 'yo! Mas matanda pa nga 'yon sa 'kin na kuya mo!" Napairap ako sa kan'ya. Spell OA. "Hoy ka rin kuya! Bakit ako magku-kuya kay Nathan eh 'di ko naman siya kapatid saka age doesn't matter!" Umawang ang mga mapupula niyang labi bago naninkit at tumalim ang mga mata. "H'wag mong sabihing may crush ka ro'n?!" "Pa'no kung oo?!" Nagsisigawan na kami at nagtatalsikan na rin ang mga laway namin sa isa't isa pero walang gustong magpatalo. "Subukan mo Keila Silvano! Subukan mo lang dahil talagang babasagin ko ang pagmumukha ng tanginang 'yon!" Natigilan naman ako at nagdalawang isip kung sasagot pa ba. Kilala ko 'tong lalaking 'to eh. Hindi siya magdadalawang isip na gawin ang banta niya. Inirapan ko na lang siya at itinulak. Humalukipkip ako at hindi na nagsalita. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Rinig ko ang kaniyang marahas na paghinga tanda na galit siya pero hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa subdivision namin at pumasok sa gate ng aming bahay. Bumaba ang aming tauhan at pinagbuksan kami ng pinto at bababa na sana ako nang biglang pumulupot ang mga braso ni kuya sa akin kasunod ng pagsubsob niya sa kaniyang mukha sa aking balikat. "Sorry na. Don't be mad." Mahina niyang bulong. "Nakakaasar ka." "I know and I'm sorry. Ayoko lang na mag isip ka no'ng kung ano ano lalo na kung may kinalaman sa ibang lalaki. Bata ka pa, Kei, dapat pag aaral at paglalaro muna ang iniisip mo." Napanguso ako. Fifteen na 'ko at next month lang ay magsi-sixteen na. Hindi na ako naglalaro. Humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin. "For now, I'm not comfortable with having any guys around you, sis. Ako pa lang ang lalaking pwedeng umaligid sa 'yo." Malambing niyang bulong at sa hindi malamang dahilan, biglang nanikip ang dibdib ko. The Forbidden Love: Rogue Hearts Copyright © theunholymary All rights reserved . 2024

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook