
" Lucky is the MAN who is first LOVE of a WOMAN" But. . . . " Luckier is a WOMAN who is Last LOVE of a MAN "
Akala ng lahat na si Ace wattson ay isang mahirap at pangkaraniwang tao lang. Simple, matangkad, gentleman, tahimik at masipag. Nasa kaniya ang lahat ng magagandang katangian na gugustohin mo sa isang lalaki, ngunit dahil kailangan niyang dumaan sa poverty training para makuha lahat ng mana at ari~arian niya. Kinakailangan niyang malampasan ang pagsubok at hamon ng kaniyang pamilya
na mamuhay mag isa at magsimula sa wala.
Nagtatrabaho siya sa isang convinience store para tustusan ang kaniyang pag-aaral. He studied at Preston University and had 2 years relationship with Katherine. Masaya sila ni katherine at mahal na mahal niya ito, kaya kahit anong luho at gusto nito ay pilit niyang ibinibigay para dito, kahit anong part time job ang pinapasok niya para mabilis na makapag ipon para sa mga pangangailangan ng nobya.
Hindi niya akalain na isang gold digger pala ang kasintahan niya. Sa loob ng dalawang taon ay hindi pa pala niya lubusang kilala ang kasintahan.
One night he had a call from unknown costumer sa isang mamahaling hotel. He ordered for a box of condom, natawa pa siya ng ibaba ng caller ang tawag halata sa tinig nito na nasa kalagitnaan ito ng pagtatalik.
"Sumabak sa giyera ng walang dalang armas" Anang nasa isip ni Ace at umiiling.
Hindi niya alam na sinadya ng lalaki na ipa deliver sa kaniya ang condom para malaman niya na sa girlfriend niya pala ito gagamitin. Muntik na niyang masuntok ang lalaki ngunit ipinagtatanggol ito ni katherine.
Nakipag relsayon si katherine sa isang mayamang lalaki dahil mas natutugunan nito ang mga luho na kaniyang gusto.
Hindi alam ni Ace kung guguho ba ang kaniyang mundo O blessing in disguise ang nangyari ng malaman niya ang kataksilan ng kaniyang Kasintahan.
Lumabas ang totoong ugali ng girlfriend niya minamaliit siya at ina alipusta dahil mahirap lang siya.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay agad nakatanggap ng mensahe si Ace mula sa kanilang abugado. The restriction of his banned account was lifted, makukuha at magagamit na niya ang kaniyang pera at pwede na niyang magamit ang kanilang family influence in all cases. Tapos na ang poverty training niya ng hindi niya namalayan.
Ano kaya ang magiging reaksiyon ng lahat kapag nalaman nilang ang taong inaalipusta at inaapakan nila ay isang secret millionaire at mas mayaman pa pala sa kanilang lahat.

