Kabanta 1- Ayan Kasi Ang Sama Mo!
Nakakabwiset kapag pinanganak kang mayaman! Ang daming nakabuntot sa iyo.Madami ang bawal. Sa madaling salita, kontrolado lahat ng mga kilos at galaw mo. Inaalagaan ang reputasyon ng pamilya mo.
Mahirap din kapag nag iisa kang anak. Kahit na gaano ka pa kayaman, kung nag iisa ka makakaramdam ka ng lungkot at kalinga ng isang kapatid.
Lahat nga kaya mong bilhin, pero ang kaligayahan hinding-hindi mo mabibili. Hindi nga ba sa isang katulad ko?
Sa lahat ng kwento ng mga biatch na mayayaman, sawang sawa na ako kakabasa at kakapanood ng ganitong plot ng istorya. Ano pa nga ba ang bago diba?
Natatamaan kasi ako..feeling ko ako yun..yung babaeng pinanganak na mayaman pero wala namang kwenta sa mga magulang...Well ako nga yon, di ko na kailangan matamaan.
(One message recieved)
Bago ko buksan ang kung sino mang bwisit na umeeksena habang nag momoment ako itutuloy ko muna ang litanya ko sa mga ganitong sitwasyon.
Suki na sa mga writers ang ganitong plot ng story. Ano nga ba ang bago sa akin? Bukod sa pinanganak na nga akong with gold spoon sa bibig, hindi pa naging maganda ang ugali ko.
Sakit ako sa ulo ng mga magulang ko. Kahit na ba mag-isa ako daig pa nila ang naka sampung anak sa ugali ko.
Kinatatakutan ako ng mga maids, bodyguards, mga empleyado sa kompanya, isama mo na ang mga hardinero, tagaluto at kung sinu-sino pang nabibigyan ng sahod na nagtatrabaho sa amin!!!!
Wala namang masama sa ugali ko ah. Para sa self assessment ko wala talaga. Bigyan ko kayo ng example.
Masama bang spray-an ang mukha ng kaklase mo dahil sa sobrang usyoso kung ano ang ginagamit kong make up? Pasalamat nga siya nadikitan ang katawan niya ng mamahaling pabango ko.
Hindi ba dapat lang na pababain mo yung driver at iwanan sa main road dahil hindi marunong sumunod sa traffic lines?
MASAMA NA BA AKO SA LAGAY NA YON?
Kung maghahanap ka man ng apat na M para makaraos sa kahirapan, baka MALAS kapag ako yung nahanap mo. Ibang M ang meron ako. Masungit, Mayabang, Matapobre at higit sa lahat Maldita.
Kung hinde lang naman ako kayang disiplinahin ng mga magulang ko, mas maganda na daw na
MAG ASAWA NALANG AKO. Pinamimigay na nila ako. Well as if naman na dahil lang sa ugali ko. Sa isang katulad ko? Kahit na gaano pa kasagwa, mag-uunahan lahat ng lalaki makuha lang ang kayamanan na mamanahin ko.
Paano kung, Lahat ng mamanahin ko, mapapasa akin lang kung mahahanap ko ang fiancé ko at pakakasal ako sa kanya. Ang tanong, sino at nasaan ang g*g*ng lalaking yon?
Kating-kati na akong mag shopping ano ba!
I am that person who always divert my negative thoughts into expensive things. I'm very lucky to be born filthy rich. Yes I am lucky but not happy. I always seek for attention. And I'm tires of it. Kailan ba na ako naman ang priority?
Maybe in this game. I'm the heroine. I'm still the very lucky girl whom guys will fight just to have me. I'm just an accessory.
I will never have that genuine love.
I'll just check my cart. Sobrang stressed ako ngayon kailangan ko na atang mag check-out sa cart ko.
If people don't want me, neither do I. I am not born to please anybody. I am born to mess with whoever says i'm not pretty.
Bago ang lahat. May kailangan pa pala akong ma add to cart.
Search button- Abby Montelaban's Fiancé
No Result!!!!