bc

One Mistake -R18

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
friends to lovers
drama
twisted
bxg
enimies to lovers
first love
school
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

The Story is about

"Would you still give a second chance to the person who witness how you suffer the trauma from your father , at nangakong hindi nya ito gagawin sayo pero nagawa pa din nya ito sayo?"

"Mapapatawad mo pa ba sya at tatanggapin parin ito sa buhay mo?"

Disclaimer: R-18!!! It contains bad words and not suitable for minors :))

-Please support my very first story here in Dreame. <3

-jbiyaaa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1-
Lia's POV "Woooh!!" Sigaw ng mga tao sa pa-Party ng Friend kong si Yuri nung College. Gusto nya lang daw mag-enjoy at magwaldas ng pera ng asawa nya. Mayroon kasing Business Trip sa Japan ang asawa nyang Milyonaryo at iniwan sya sa pilipinas mag-isa. Malakas na tugtog , sigawan dahil sa enjoy at mga couple na Halikan dito , Halikan doon. "Kaumay" bulong ko sa sarili sabay inom ng wine. "Hoy! Naalala nyo si Josh? yung gwapo sa section natin dati?" Bigla naman nag kwento ni Shane. Apat kame sa isang table. Si Shane , Ako , Maia at si Louise. "Oh? anong meron kay Josh? Crush mo nung college no?" sabat ni Maia. "Gago. Hindi! Slight lang. pero ayon nga Bakla pala yon? sayang lahi nya." sagot ni Shane sabay inom ng wine nya. "Ngayon mo lang nalaman? eh halata na sa galaw nya yun dati e. sobrang pa-girl sya dati" sabi ni Louise. "Hoy. Hindi naman lahat ng malambot gumalaw , eh bakla na." sabat ni shane. sabay ngumisi kameng tatlo ni maia at louise. Maya maya'y biglang nagkumpulan ang mga tao sa isang gilid at panay ang palakpakan at sigawan nito. Kahit hilo na kaming apat , dali dali padin kaming nakichismis kung anong nangyayare. Pagkita namin ay nakikipag-halikan si Yuri sa isang lalaki. Hindi ko masyadong mamukhaan ang kahalikan nya dahil medyo madilim sa pwesto nila at nakatalikod ang lalaki. "O.m.g? si Khyle ba yan?" sigaw ni Maia. tinitigan kong mabuti ang lalaki hanggang sa naghiyawan na ang mga tao at tinulak na ni Yuri yung lalaki kaya napaharap sya sa amin. "Si Khyle nga?" bulong ko sa sarili. "Gago! ex ni yuri yan diba? nako po. pag nalaman talaga ng asawa ni yuri yan , di ko alam kung saang kangkungan dadamputin yan si Yuri" sabi ni Louise sabay ngisi. "Hayaan nyo na. ang importante hindi tayo yung pupulitin sa kangkungan" biro ni Shane at nagtawanan silang tatlo. napansin naman agad nilang di ako nakisabay sa tawa nila kaya kinalabit ako ni Louise. "Ano na te? nagiging seryoso ka bigla dyan?" tanong ni louise. "Hindi. ano lang ahm... nahihilo na kase ako. anong oras na ba? uwi na kaya tayo?" pag iiba ko ng usapan. "Hala! Oo nga. 1am na pala kala ko 11pm palang. sabi ko pa naman sa boyfriend ko sunduin tayo ng 12am. tara na baka umuusok na ilong non kakaantay" pag mamadali samin ni Maia. Paglabas namin ay madami padin dumadating sa party ni yuri na halos lahat ng dumadalo ay nakakotse. Nakakaramdam nako ng hilo at pagkaduwal kaya sila nalang ang naghanap sa pinag parkingan ng boyfriend ni Maia. Maya maya' may biglang huminto na sasakyan sa kinatatayuan ko. Hindi familiar ang sasakyan nya kaya hindi ko nalang ito pinansin. baka wala lang syang maparadahan ng sasakyan nya kaya sa tapat ko nalang. Naglakad ako ng konti palayo sa sasakyan at sakto naman ang pagdating ng kotse ng boyfriend ni Maia. Aktong bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng biglang may humawak ng kamay ko. "Lia?" paglingon ko, nakita ko yung taong nagiwan ng trauma at hirap sa buhay ko maliban pa sa tatay ko. Nagkita muli kami ng Ex ko , si Jay. nanghina ang tuhod ko at agad naman nya akong inalalayan. "Okay ka lang? wala bang masakit sayo?" kita ko ang pag aalala nya sa akin. "Hindi. Bakit sa tingin mo Okay ako? mukha bang walang masakit sakin?" inis kong sabi sakanya. pumiglas ako sa pagkakaalalay nya sakin kaya tinulak ko sya palayo at sumakay nang kotse nila Maia. Pag kasakay ko , pinaandar na agad yung sasakyan. Di ko namalayan na naluha pala ako kaya agad ko itong pinunasan at tumahimik sa gilid. Naging tahimik ang lahat sa kotse at inuna akong ihatid para makapag pahinga na daw ako ng maayos. Nang makarating kami sa bahay , lalabas na sana ako ng bigla akong pigilan ni Louise. "Chat ka sa GC ha. o kaya call ka sakin kung need mo ng kausap ha!" tumango nalang ako at nagpaalam na sakanila. Pag pasok ko ng kwarto. Hinayaan kong bumagsak yung katawan ko sa higaan. sobrang tamlay at aakalain mong pumunta ng date na hindi sinipot at tila niloko pa. Naluluha na ko nang biglang kumatok si mama kaya naman dali dali ko itong pinunasan. lumapit sya at umupo sa gilid ng kama ko. "Kamusta yung party? Nag enjoy kaba?" nakangiti nyang tanong sakin. Ngumisi lang ako at umiling. "Akala ko nga maeenjoy ko ma e. hindi pala! totoo pala talaga no? pag masyado kang nag enjoy , at the end of the day , dobleng sakit yung mararamdaman at babalik sayo kapalit ng saya mo." at hindi na napigilan na tumulo ang luha ko. Lumapit naman si mama at niyakap ako. "Akala ko okay na'ko e. akala ko lang pala yon?" sabay yakap ng mahigpit kay mama. "Balang araw anak , matututunan mo din na magpatawad at tanggapin ang nakatadhana satin. wala tayong choice anak. Eto yung binigay satin e kaya magpakatatag ka lang ha!" sabi ni mama sabay halik sa noo ko. "Hindi naman ganon kadali na magpatawad ma. tanga nalang ang nagpapatawad at gustong bumalik sa mga nanloko sa buhay natin" inis kong sabi. dahan dahan pumiglas si mama sa pagkakayakap ko at pinaharap ako sa kanya "ibig sabihin ba non , Tanga ako kasi gusto kong bumalik ang tatay mo at mas pipiliin na magpatawad kesa magtanim ng galit sakanya? Anak , Tatay mo parin naman yon e. Mahal ko parin naman tatay mo kaya kahit masakit kakayanin ko." palinawag ni mama. Nakita ko na mukhang naluluha na sya pagkatapos nyang sabihin iyon. Tumayo sya at hinalikan muli ako sa noo. "Matulog kana anak. para makapag pahinga kana. wag ko masyadong pagudin ang isip mo sa kakaisip ng mga ganyang bagay." ngumiti at kumaway na sya habang paalis ng kwarto ko. Pag sarado nya ng pinto , agad naman akong tumalikod at pinilit na makatulog. Hindi ko alam kung kaya kong magpatawad sa taong nangakong hindi ako sasaktan pero nagawa parin akong saktan hanggang sa mapapaisip ka nalang na bakit ikaw pa yung napiling saktan at pagdusahin ng tadhana.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook