Chapter 1
Letecia's POV
Nasa washroom ako ngayon ng IT department nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ko ang pregnancy test na binili ko sa may pharmacy sa labas ng university. Binili ko ang PT 12:00 am kanina para walang ibang makakita sa akin, naka hoodie pa ako at mask para walang makakakilala sa akin.
Sinundan ko ang process kung papano ito gamitin at pagkatapos ay pinikit ko ang mga mata ko at buong pusong nagdalangin na sana negative, na sana yong 2 months na delay ko ay dahil stress lang ako sa mga gawain sa school.
Parang tumatambol ang dibdib ko sa kaba habang dahan-dahang binuksan ang aking mga mata.
Flashback: 3 months ago
"Ano ba Letty, halika na.
Hinila na ako ng kaibigan ko na si Eunice papasok sa Men's Hall. Naka lab gown pa ako dahil kakatapos ko lang sa laboratory namin sa Chem 1. Amoy alcohol at chemicals pa ako. Di pa aq nakapag suklay dahil mas inuna ko na makasagot sa mga tanong. At itong si Eunice na hinindian ko na sa pagyayaya nito sa akin ay tinambangan na pala ako sa labas ng Laboratory.
"Ano bang gagawin natin diyan? Event to ng mga boys.
"Meron ding mga girls diyan no? And mostly katulad sa atin mga freshmen, mami meet natin diyan ang mga naggagwapohang seniors. Pa kulo to ng men league, pa welcome sa ating mga minor pa sa kalandian,"tuwang-tuwa na lahad nito.
"Ikaw na lang may report pa ako bukas, at tsaka hoy Eunice! Pinadala tayo dito ng parents natin para mag aral hindi maglandi!,talak ko.
"I celebrate lang naman natin yong pagiging freshmen natin, not the whole life freshmen tayo, kaya wag ka ng mag drama diyan,halika na!, At hinila na ako nito ng malakas papasok sa mens hall.
Hindi na ako nakapiglas dahil ang higpit ng hawak niya sa akin at ang dami na ding tao sa loob. Yong iba nagsipagtulakan pa. Karamihan talaga sa nandon ay mga lalake pero marami ding mga babae.
Naghanap si Eunice ng mauupuan namin, ako naman ay sumunod na lang sa kanya. Malakas ang music sa loob at para na akong nahihilo na parang nasusuka, hindi ako sanay sa ganitong lugar.
May disco din naman sa barangay namin pero hindi ganito kalakas na parang lalabas na yong kaluluwa mo. Kailangan pag may sinasabi ka sa kasama mo..isisigaw mo na.
Sa wakas naka hanap na din kami ni Eunice ng maupuan at round table siya na ang karamihan sa naka upo ay mga lalake. Nag mukhang bar ang Hall. 1:3 ang ratio ng partneran. Isang babae, tatlong lalake ang nananantsing.Bakit kaya pumapayag ang school na may ganito annually? At tsaka ang daming boys..wala ba tong mga girlfriend? At tsaka baka madidisgrasya lang ang mga babae dito, baka ma rape at mabuntis.
Yon ang mga katanungang tumatakbo sa isip ko.
Hinila agad si Eunice ng isang lalake.
Sa akin? Walang humila. Haha.. siguro dahil sa itsura ko, nag mukha akong embalsamador. Malayo sa attire ni Eunice na naka tattered pants at crop top, naka make up pa. Sa akin, alikabok lang ata dumikit sa mukha ko.
Ayon di na ako napansin ni Eunice, tinawag ko siya pero di niya na ako narinig.
Kaya kahit madilim sa loob at nakakahilo yong lights at music ay sinubukan kong maghanap ng daan kung saan ang exit. Sumingit ako sa maraming nagkumpulan na sumasayaw sa gitna.
Iniwan ko na si Eunice, bahala na siya sa buhay niya.
Nasa gitna ako ng hall nang biglang umere ang sweet music, hilaan ng partner ang mga lalake. Napatili din ako nang may humila sa akin. Tinulak ko yong nanghila sa akin, pero mahigpit ang hawak sa akin.Mukhang lasing na ito pero nakuha pa nitong tingnan ako from head to toe.
Nang makita ang itsura ko na malayo sa ibang babae na nandon ay tumalikod ito at iniwan ako.
"Wow! Bastos!," yamot kong sabi at nag martsa na ako palayo sa gitna.
Nag change uli ang music, pumailanlang ang Beautiful in white ng westlife. Tilian ang mga babae, dalang-dala sa music.
May humila na naman sa akin. Feeling ko, tug of war tong napuntahan ko.
Pero yong humila sa akin, deretso akong niyapos. Tinulak ko, pero ang higpit ng yakap.
Mas matangkad sa akin yong lalake nasa may balikat lang ata ako, kaya di ko makita ang mukha.
Para akong sira na sumabay na lang sa indayog niya kasi as in niyapos niya talaga ako ng mahigpit..buti na lang madilim hindi nakakahiya ang ganitong eksena at tsaka di ko naman to kilala.
"Excuse me, hindi na ako makahinga!,"pasigaw kong sabi.
Mabango naman siya pero hindi na talaga ako makahinga ng maayos kaya ang ginawa ko ay kinurot ko na siya sa may tagiliran.
"Awhh!," daing nito at binitiwan ako. "Ang sakit a.
Naamoy ko na ang alak na iniinom nito. Lahat yata dito lasing na.
"Sorry. Excuse me.
Tumalikod na ako, pero hinila ako nong lalake.
"Ano ba!,"sigaw ko at pumiglas ako."Lubayan mo nga ako!
Tatalikod na sana ako ulit, pero walang pasabing hinila ako nito. As in yong hila na marahas.
Kinabahan ako, kaya nagpipiglas ako nagtitili na as in, yong scream at the top of my lungs na talaga, pinagtinginan na kami nang nasa malapit sa amin.
"AAHHHHH TULUNGAN NIYO AKO, MAAWA KAYO..TULONG...,""nanghila pa ako ng mga tao sa hall.
Dahil siguro nagsisigaw na ako ay tumigil yong lalake, at hinarap ako.
Natatamaan na siya ng ilaw kaya aninag ko na ang mukha niya. In fairness... Gwapo. Pero..lasing.
"Will you please shut up?!,"malumanay ang boses niyo pero parang asar na.
"Bakit mo ba kasi ako hinila?," pumiksi ako kaya nabitawan niya ako.
"Sit!,"ininguso nito ang table na bakante."I need a company.
"Uuwi na ako, maghanap ka ng kausap mo,"at tumalikod na ako.
Nagmartsa na ako palabas nang may humila ulit sa akin, akala ko yong lalake pero yong host na pala ng event bitbit nito ang microphone.
"Your name?,"tanong nito.
"Ha?
"Name, pangalan mo.
Inilapit nito, ang mic sa bibig ko naghihintay ito ng sagot ko.
"Letty,"sagot ko.
"Okay we have our last participant on the Body Prize Game, Letty," anunsyo nito. "Let's Go!!
Sigawan ulit ang lahat na nasa loob.
"Ay hindi ako sasali, hindi ako marunong,"tanggi ko.
"Patalinuhan lang to, halika na! At tsaka may premyo!
Kanina pa ako hinila ng hinila kaya sumunod na din ako, okay na tong games kesa hilain ako ng mga di ko kilala.