PROLOGUE
One year ago...
Ang hangin sa Saint Petersburg ay parang libu-libong karayom na tumutusok sa balat. Ngunit para kay Tsarevna Selena Aleksandrova Smirnova, mas malamig ang pakikitungo ng mga taong nasa loob ng Winter Palace kaysa sa naglalakihang tipak ng snow sa labas. Sa loob ng kanyang malawak na silid, tanging ang mabilis na pagbubukas at pagsasara ng mga drawer ang bumabasag sa nakabibinging katahimikan.
“Privet, Selena! Ty deystvitel'no uverena v etom? Ty uezzhaesh' iz Rossii?” (Hey, Selena! Are you really sure about this? Are you leaving Russia?)
Hingal na hingal na pumasok ang kanyang pinsang si Princess Zlata, halos hindi magkandatuto sa paghabol sa kanya.
“You don’t know what the climate is like in the Philippines, Selena! That’s a tropical country! No matter how cold it is here, it’s always scorching hot there. Your skin might not be able to handle the sun!”
Hindi natigil ang mga kamay ni Selena. Inilagay niya sa kanyang backpack ang ilang mahahalagang dokumento, ang kanyang tunay na passport, at ang huling larawan ng kanyang yumaong mamochka—“ina” sa wikang Ruso.
“Ya luchshe s'goryu na solntse v Filippinakh, Zlata, chem pozvolyu svoyemu serdtsu zamerznut' zdes'.” (I’d rather get burned by the sun in the Philippines, Zlata, than let my heart freeze over here.)
Malamig at determinado ang tono ng kanyang sagot.
Lumingon siya sa pinsan. Ang kanyang mga matang kulay abo ay tila isang bagyong paparating.
“S tekh por kak umerla Mamochka, dvorets prevratilsya v ad iz-za Krizel'dy. Eta zhenshchina... ey malo korony moyey materi. Ona khochet kontrolirovat' i moyu zhizn' tozhe.” (Ever since Mamochka died, the palace became hell because of Criselda. That woman... she’s not content with my mother’s crown. She wants to control my life, too.)
Alam ni Zlata ang matagal nang pasakit ng kanyang pinsan. Ang kanilang tiyahing si Criselda ay tila isang anino na laging nakabantay, naghahanap ng bawat pagkakataong mapahiya ang prinsesa sa harap ng Tsar.
Agad na dinampot ni Selena ang kanyang telepono at tinawagan ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan niya sa labas ng pamilya.
“Ralph...” bulong niya nang sagutin ang tawag.
“Don’t worry, Tsarevna. Everything is handled. They are waiting outside the west gate,” seryosong sagot ni Hiroto Minamoto—o mas kilala niya bilang Ralph. Siya ang anak ng isa sa mga pinagkakatiwalaang diplomat ng Japan, at matagal na silang magkaibigan.
Nang matapos ang tawag, hinarap ni Selena ang pinsan. Iniabot niya rito ang kanyang personal na cellphone—ang tanging gadget na maaaring gamitin ng palasyo upang ma-trace ang kanyang lokasyon.
“Pozhaluysta, Zlata. Ya rasschityvayu na tebya. Derzhi eto v sekrete, poka ne pridyot vremya. Skazhi... skazhi, chto ya uyekhala na dachu daleko-daleko.” (Please, Zlata. I’m counting on you. Keep this secret until the right time comes. Say... say I went to the dacha far away.)
“No, Selena. Zavtra tvoy vosemnadtsatyy den rozhdeniya.” (But Selena, tomorrow is your eighteenth birthday.) Nag-aalalang tumingin si Zlata sa kanya. “Your engagement party... the Crown Prince of Spain and his family will arrive tomorrow.”
Napangisi nang mapait si Selena
.
“Exactly. I don’t want to be a gift to a man I’ve never met. I’m not a trophy to be handed over to whoever has a high title. I’d rather live in hardship than be a prisoner of an agreement without love.”
Sa tulong ng dilim at ng pamilyar na mga pasikot-sikot sa likod ng palasyo, matagumpay na nakalabas si Selena. Isang itim na SUV ang naghihintay sa kanya sa ilalim ng mga birch tree. Malaki ang pasasalamat niya sa tadhana dahil tila pinagbigyan siya nito. Ang mga guwardiyang nakatalaga sa west gate ay mga taong madaling mabili sa impluwensiya ni Ralph.
Pagpasok niya sa sasakyan, hindi siya dinala sa main entrance ng Pulkovo Airport. Sa halip, dinala siya sa isang liblib at pribadong hangar sa gilid ng paliparan.
“We’re here, Tsarevna,” saad ng driver.
Pagbaba niya, isang dambuhalang private jet ang bumulaga sa kanya. Sa katawan nito ay nakatatak ang Valentine Airlines.
Napatigil si Selena.
Pamilyar ang pangalan.
Isa ito sa pinakamalaking airline companies sa buong mundo, na pag-aari ng isa sa mga makapangyarihang pamilya sa Majestic Circle.
“Naka-private charter ito sa ilalim ng ibang pangalan, Selena. Walang makaka-trace sa flight manifest mo,” paniniguro sa kanya ni Ralph sa pamamagitan ng burner phone na iniabot ng driver.
Wala nang oras si Selena para mag-usisa.
Pumasok siya sa loob, at sa bawat kilometrong inilalayo ng eroplano mula sa lupain ng Russia, unti-unting lumuluwag ang kanyang paghinga.
Malaya na siya.
Kinaumagahan sa House of Smirnov...
“SHE’S MISSING!”
Ang sigaw ni Tsar Aleksandr Smirnov ay yumanig sa mga dingding ng grand hall. Ang lahat ng mga katulong at guwardiya ay nakayuko, takot na madampian ng nakapapasong galit ng hari.
Napatindig si Stuart—o si Crown Prince Jayson Stuart Velazquez—mula sa kanyang kinauupuan. Kasama niya ang kanyang ama, ang Hari ng Espanya, at narito sila para sa pormal na anunsyo ng kanilang engagement.
Nakasuot siya ng kanyang regal military suit, mukhang perpekto at makapangyarihan, ngunit sa loob ay puno rin siya ng pag-aalinlangan tungkol sa kasal na ito.
“I’m so sorry about this, Your Majesty. Maybe she’s just hiding somewhere. You know how the young ones are—they act fast without thinking,” pilit na pagkumbinsi ni Tsar Aleksandr.
Sa gilid naman ay palihim na nakangiti si Criselda, tila natutuwa sa kahihiyang nararanasan ng kanyang pamangkin.
Ramdam ni Stuart ang tensyon.
Ayon sa kanyang mga source, ngayong araw ang ika-labingwalong kaarawan ng prinsesa. Alam niyang labag din sa loob nito ang kasunduan, dahil kahit siya ay tila sinasakal na ng mga tungkulin ng korona.
Ngunit ang pagtakas nito sa mismong araw ng kanilang engagement?
That was a huge blow to his ego—not only as a man, but also as a crown prince.
“This is an insult to the House of Velazquez!” malamig na saad ng ama ni Stuart. “We’re going home to Spain. And until the princess is found, this alliance will remain suspended.”
Dismayadong umalis ang pamilya Velazquez.
Para kay Stuart, ang pagtakas ng babaeng iyon ay hindi lamang usapin ng politika.
It was a challenge.
Sino ka ba talaga, Selena Smirnova, para talikuran ang isang katulad ko?
Nine Months later...
Ang Moon City ay maingay, mainit, at puno ng buhay—kabaligtaran ng malamig at seryosong Russia.
Doon, nakilala siya bilang si Selene Diola.
Namumuhay siya sa isang maliit na apartment, malayo sa karangyaan, ngunit malaya. Gayunpaman, ang kalayaang iyon ay may kaakibat na pagod at panganib.
Isang gabi, matapos ang isang linggong puno ng pagod sa paghahanap ng trabaho at pakikipagsapalaran sa banyagang bansa, naisipan niyang uminom sa Emerald Green Arborvitae Bar.
Hindi niya alam na sa kabila ng marangyang facade nito, ang bar na iyon ay pugad din ng mga elite at mga taong may madidilim na balak.
Sa loob ng bar, sinalubong siya ng dumadagundong na bass at makukulay na ilaw.
Sa kabilang dako, sa VIP area, naroon si Stuart.
Ilang buwan na ang nakalipas mula nang payagan siyang lumipad patungong Pilipinas upang asikasuhin ang mga negosyo ng pamilya rito. Sa bansang ito, itinatago niya ang kanyang titulo. Siya ay si Stuart Velazquez lamang—isang mayamang negosyante, hindi isang prinsipe.
“Hey! Balita namin engaged ka na? Anong ganap, man? Is she pretty? Sexy?” pangungutya ng kaibigan niyang si Denver Salovara habang inaabutan siya ng beer.
“She didn’t appear,” casual na sagot ni Stuart, ngunit may pait sa kanyang boses.
“Akalain mo ’yun? Sa gwapo mong ’yan, inayawan ka pa?” tawa ni Cloud Avanzado.
Nang mainip at maramdaman ang tama ng alak, nagpasya si Stuart na lumabas muna ng VIP room para makahinga ng sariwang hangin.
Habang naglalakad siya sa madilim na hallway patungo sa exit, isang babaeng mabilis na tumatakbo ang biglang bumangga sa kanyang matigas na dibdib.
“Sh-t!” mura niya habang napahawak sa balikat nito.
Napatingin siya sa babae.
Halos napunit na ang suot nitong dress dahil sa pakikipagbuno. Magulo ang buhok nito, at ang mga mata nitong kulay abo ay puno ng purong takot.
Sa likod nito, narinig ni Stuart ang boses at mabibigat na yabag ng tatlong lalaking tila mga lasing na goons.
“Help me, please...” bulong ng babae.
Kumapit ito sa kanyang braso, nanginginig ang buong katawan.
May kakaiba sa boses na iyon—isang himig na tila narinig na niya noon sa isang panaginip o sa isang lumang memoryang hindi niya matukoy.
Nang makita niyang palapit na ang mga lalaki, mabilis na kumilos ang kanyang instincts bilang isang sinanay na royal guard.
Inihilig niya ang babae sa kanyang dibdib at niyakap ito nang mahigpit upang itago ang mukha nito mula sa mga bastos na tingin.
“Lo siento, hermosa...” (I’m sorry, beautiful) bulong niya.
Sa tindi ng takot, pagod, at tama ng alak na nainom bago pa man mangyari ang habulan, biglang nanghina ang mga tuhod ni Selena.
Bumagsak ang adrenaline sa kanyang katawan, at bago pa man siya makasagot, tuluyan siyang nawalan ng malay sa mga bisig ng lalaki.
Hinarap ni Stuart ang mga goons nang may nakakatakot at nakamamatay na tingin.
“Get lost before I make sure you never walk again,” malamig niyang banta.
Dahil sa awtoridad at dilim ng kanyang aura, mabilis na nagsitakbuhan ang mga ito palayo.
Isinakay ni Stuart ang walang malay na babae sa backseat ng kanyang sasakyan. Balak niya lamang sana itong ihatid sa pinakamalapit na hotel o hintaying magising.
Ngunit habang binabaybay nila ang daan, nagsimulang gumalaw si Selena. Ang alak sa kanyang katawan at ang init ng gabi sa Moon City ay tila nagdulot ng kakaibang epekto.
Nang magmulat ng mata si Selena, ang mukha ni Stuart ang unang bumulaga sa kanya. Sa ilalim ng mga ilaw ng kalsada, Stuart looked like a fallen angel. Ang kanyang modernong gupit at matatalim, tila pinait na panga ay parang magnet na humila sa wisyo ni Selena. Sa gitna ng kalituhan, kalasingan, at matinding pagnanais na makaramdam ng buhay matapos ang ilang buwang pagtatago, si Selena ang unang gumalaw. Hinila niya ang batok ng lalaki at hinalikan ito nang marubdob.
Nagulat si Stuart.
Dapat sana ay ilayo niya ito dahil hindi siya pumapatol sa lasing. Ngunit ang labi ni Selena ay may tamis at panganib na sinabayan ng isang kakaibang pamilyar na pakiramdam. Isang ungol ang kumawala sa kanyang lalamunan nang tuluyan niyang tugunin ang halik. Binuhat niya ang babae at inilipat ito sa mas malawak na espasyo sa backseat, napaliligiran sila ng dilim at init ng gabi.
“Moan my name, darling. It’s Stuart...” bulong niya sa pagitan ng kanilang mabilis na paghinga.
Nawala sa ulirat si Selena sa gitna ng kalasingan at emosyon.Ngunit bago pa tuluyang lumampas ang gabi sa hangganang hindi na maaaring bawiin, biglang napagtanto ni Stuart ang isang bagay—isang malinaw na senyales na nagsabing wala pang karanasang seksuwal ang dalaga.
“Oh, f-ck... Y-you are a v-virgin?!” Napatitig si Stuart sa mukha ni Selena. May isang butil ng luha na pumatak sa pisngi ng dalaga—hindi dahil sa pagsisisi, kundi dahil sa sakit at bigat ng sandaling iyon.
Ang natitirang tama ng alak sa utak ni Stuart ay biglang napalitan ng isang kakaiba at matinding emosyon.
Hinaplos niya ang mukha ng dalaga, dahan-dahan, tila sinusubukang unawain kung sino ang babaeng nasa harapan niya at kung paano sila nauwi sa ganitong sitwasyon.
Sa gabing iyon, sa loob ng isang madilim na sasakyan sa gitna ng Moon City, ang prinsipe at ang prinsesang parehong nagtatago mula sa kanilang kapalaran ay nag-iwan ng isang markang hindi na kailanman mabubura. Hindi nila alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng isang mas malaking gulo.
Dahil sa sinapupunan ni Selena, isang bagong buhay ang magsisimulang mabuo—isang batang magdadala ng dugong Russian at Spanish.
Ang tunay na tagapagmana ng Majestic Circle.