Simula
Kararating ko lang galing sa hospital sa Makati (OJT na kase ako this sem sa kinukuhang Nurse) ng matanaw ko sa kabilang bahay na maraming tao, seems that tito Jake and tita Shiela are here. Naisip ko na baka anjan din sila ate Karen at James kaya. pagkapasok ko sa bahay sinalubong ako ni Nana Encar at kinuha ang dala ko. Tinanong ko siya kung anung meron jan sa kabila.
"Nana Encar, anung meron jan sa kabila sabi ko.
" Ay, Jay Jey sila sir Jake at ma'am Shiela anjan na kakauwi lang. Nag aaya din pala sila dito na dun na daw kayo kakain ng dinner ma'am. Mga six daw iyon ang sabi nila," sagot naman niya.
" Nana, Kasama din ba sila Karen at James diyan ngayon sabi ko din.
" Yun naman ang narinig ko kanina anak sagot niya.
"Ok po,"sabi ko sabay punta ng kwarto.
Yesssss.... sabay hilata sa kama at nagpagulong gulong, sa wakas makikita ko na si James na miss ko siya sobra. Simula kase ng mag OJT na ako di ko na siya nakikita pa ng madalas. Graduating na din siya gaya ko sa kursong Business Management.
James Thompson, a Filipino/German playboy. Secret Billionaire, sa edad na 27 marami na siyang naipundar. Sa kanila ang Thompson Beaches and Resorts na my limang branches around the Philippines at limang branches ng restaurant na my pangalang J' Thompson Cuisine at Resto. Dahil yan sa kasipagan ni James na siyang nag palago dito sa Pilipinas. Alam naman ng lahat na naka base sa Germany ang talagang business nila at ang ate niya ngayon ang humahawak ngayon dun. Ang parents niya naman ang laging nag travel at tumitingin sa iba pang mga business nila sa ibat ibang bansa na may ibat ibang branch na rin. Akalain mo nag aaral pa lang siya pero naka pundar na siya ng ganun. Alam ng tao na super yaman nila kaya ang alam nila laro na lang sa kanya ang pag aaral, hindi nila alam marami siyang mga business na inaasikaso kaya hlos di na niya maharap ang pag aaral. Sabi nga nila perfect daw siya pero super babaero talaga. Kabilaan ang mga babaeng nalilink sa kanya. Parehas sila ng kaibigan niyang mga super babaero pero wala eh, mahal ko talaga siya.
Nagpahinga ako dito sa kwarto, mag papabeauty rest muna ako para mamaya. Namiss ko din sila tita at tito, sobrang bait nila sakin. Sabi nga ni tita ako daw ang gusto niya para kay James pero gang ngayon di ako pinapansin ng tukmol na yun. Ako nga pala si Jay Jey Castillo, 4th year sa UP at kumukuha ng Nursing. Wala na kaming mga magulang, lima kaming magkakapatid at ako ang bunso. Stable na lahat ng mga kapatid ko ako n lang ang hindi. Hindi naman kami mayaman kumbaga sakto lang. Iniwanan lang kami ng konting pera at maliit na business na sakto lang para sa aming magkakapatid. Nagsumikap lang kaming magkakapatid actually mga kapatid ko ay nakapagtapos na at may sarili ng mga trabaho kaya medyo maginhawa n rin ng konti ang aming pamumuhay. Dalawa lang kami ni ate Elizabeth dito sa bahay panganay namin kaso gang ngayun wala pang asawa. Nakalimutan niya na ata dahil sa trabaho niya. Lagi niyang sinasabi na stress siya lagi sa trabaho niya. Naunahan pa siya ng dalawa kong kapatid my kanya kanya nang pamilya. Si kuya Conrad na Mechanical Engineer naka base sa Dubai pati family niya andun na rin. Si ate Cassy nasa Canada na rin pati family niya andun na rin. Si kuya Renz andito lang sa pinas pero sa pad niya nakatira. Ayaw kase na dito tumira lagi siyang pinapagalitan ni ate dahil sa mga babae. Mahilig din sa babae si kuya, napaka babaero din. Naka graduate na siya last year pa natanggap agad sa trabaho dahil magaling, grumaduate siyang Civil Engineer at naka pasa agad with matching flying color p kaya mabilis nakapasok sa De Silva Inc. Ngayon naka pagpatayo na rin siya ng pastries niya. Di niya nga sinsasabi samin pero nalaman din namin dahil biglang sikat ng pastries niya kaya bilib talaga ako sa kuya kung yan. Nagpa hinga ako ng isang oras. Pagkatapos ng isang oras naligo na ako at gumayak, I wear simple dress above the knee. Nag lagay ako ng simpleng make up then I'm done.
" Helllo everybody, I'm done preparing," sabi ko sabay baba ng hagdan. Nakita ko si ate Ligaya nag aayos ng mga flower base dito sa sala.
" Hello ate, maganda ba ang suot ko," tanong ko sa kanya. I am so happy today that is why I am like this greeting everybody.
" Maganda anak" sagot naman niya. Matagal na sila ni Nana Encar sa bahay simula bata ako andiyan na sila. They are our family too kasama nila si kuya Berto na family driver namin at Kuya Nardo na hardinero din namin. Lumaki kami na sila na ang kasama namin dito. Katiwala sila nila mama dati pa. Pagdating ko sa kusina nakita ko si nana Encar, niyakap ko siya dahil naka talikod siya sakin.
"Ayyy kabayo, aniya. Diyos ko kang bata ka malalapirot ko talaga ang singit mo. Bakit ka ba nang gugulat," sabi pa sakin.
Tawa ako ng tawa, Nana na miss lang kita sabi ko sa kanya sabay lambing. Alam nilang ganyan ako pag nag lambing sa kanila.
"Si ate andiyan na ba siya. Anong oras kami pupunta diyan sa kabila? sabi ko.
" Andiyan na ate mo baka nagbibihis lang," sabi din ni Nana Encar. "Mag meryenda ka muna gumawa ako ng biko yung favorite mo". sabi pa niya.
" Ang sweet naman talaga ni Nana Encar talagang love na love ako drama ko," pero totoo yon sa loob ko.
"Sus, ang batang to talaga kumain ka na nga diyan sabay kuha ng platito at siya na rin nagbigay sakin nag lagay din siya ng juice ko. Kaya mahal na mahal namin sila. Pagka kain ko exactly dumating si ate sa kusina.
" Oh, kala ko ba kakain tayo jan sa kabila pano ka pa niyan kakain kung nag meryenda ka na niyan ng ganyan napa ka heavy pa mandin sermon niya.
" Don't worry ate ako pa ba? sabi ko. Ang sarap naman kase ng luto ni Nana Encar. The best siya ate, sabay kindat kay Nana Encar.
Tumatawa tuloy siya sakin "ikaw talagang bata ka" sabi pa sakin sabay iling.