bc

His Substitute Bride

book_age16+
59
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
possessive
love after marriage
dominant
CEO
drama
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nakatulog siya bilang si Kirsten Seth Marquez, ngunit paggising niya, siya na si Mrs. Kirsten Seth Fontanilla. Her memory about last night went blurred pero nang makita niya paggising ang guwapong mukha ni Hunter Fontanilla, who is actually naked and sexy sleeping beside her, nagbalik sa kanyang malinaw na alaala ang nakaraan.

Siya ang sumira sa kasal nito five years ago at ayon dito, pupunan niya ang lahat ng kulang sa buhay nito sa nakalipas na mga taon. There was no way to escape. She just lost her virginity to this man at isa pa, dala-dala na niya ang apelyido nito. Kaya naman, iisa na lamang ang alam niyang paraan para hindi maging miserable ang buhay niya - ang paibigin din ito.

A vulnerable lamb caught in a Hunter's trap. Will she still be able to melt his heart?

***

'For Hunter, Kirsten was his everything. His territory. And no one shall trespass but him. Him alone.'

Hatred stirs up quarrels, but love covers all offenses.

-Proverbs 10:12

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Trapped
MASAYANG diniligan ni Kirsten ang mga bulaklak na nakatanim sa garden ni miss Amelia. Nag-eenjoy naman siya at hindi na nga niya namalayan ang oras. Inilapag niya ang hose at saka pinatay ang gripo. Nagpunas muna siya ng mga kamay bago kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa tabi ng bag na nasa wooden bench. Alas otso na ng umaga. Nine-thirty pa ang pasukan nila kaya okay lang na magtagal muna siya sa piling ng mga magagandang bulaklak na mga ito. She was in her third year of college. Since when did she start to be fascinated by these flowers? Ah that was when she was in her first year of high school. The exact date was February 14. Ice gave her a wild orchid and so her young heart bloomed like a flower. Magmula noon ay dumaraan na siya sa garden ni miss Amelia para mamasdan ang mga magagandang bulaklak nito. Actually ay paalis na sana siya ngunit nakita niya si manong Kiko na nagdidilig ng mga bulaklak. As usual, ibinigay nito sa kanya ang hose ng tubig nang hingiin niya ito rito. She loved flowers. Ang wild orchids ang pinakapaborito niya sa lahat ng mga ito. Pagdating sa mga bulaklak ay magkasundo sila ni miss Amelia. Nakita niyang nagflash sa screen ng cellphone niya ang pangalan ni Lyka. Nagtext ito. Ang tinutukoy nito ay ang terror na propesora ng St. Carmel University. Nireplyan niyang malapit na siya sa campus kahit na ang totoo ay balak niya pang magpakasawa sa mga bulaklak dito sa garden. Ibinalik niya ang cellphone sa bag at daramputin na sana ang hose nang may maalala. Naiwan nga pala niya ang laptop sa kuwarto. Mamaya niya pa sana ito kukunin ngunit baka tuluyan niyang makalimutan kaya napagpasyahan niyang ngayon na lang ito kunin. Inakyat niya ang hagdan. Katabi ng kuwarto niya ang kuwarto ni Phil, anak ni miss Amelia at ang lalaking lihim niyang minamahal. Bago niya matunton ang kuwarto ay nadaanan niyang bahagyang nakaawang ang pinto ng kuwarto ni Phil. Lalagpasan niya na sana ito nang makarinig siya ng mga kalabog. Hindi niya ugaling mag-eavesdrop ngunit nakuha ng atensyon niya ang umiiyak na si Phil habang inaalo ito ni miss Amelia. Palagay niya ay sinaksak ng kutsilyo ang puso niya nang makita ang lungkot sa mga mata ni Phil. "Dammit! I want to kill that bastard." Naggagalaiti si Phil. Galit na galit ito. Nahulaan niya na agad kung ano ang ikinagagalit nito. Phil had a girlfriend – and nobody knows how painful that was for Kirsten. Pero next month ay ikakasal na ang girlfriend ni Phil na si Bianca sa ibang lalaki. Fixed marriage ang nangyari kaya kahit na si Bianca ay wala noong kaalam-alam sa magaganap na kasalan. Ilang taon na palang nakipagkasundo ang mga magulang ni Bianca sa isang napakayamang businessman matapos malugi ang negosyo ng pamilya nito. Ang businessman na iyon ang tumulong na makabangon ang kompanya at kapalit nito ay si Bianca. Kaya naman ngayon ay hindi mapakali si Phil. Naaawa siya kay Phil. Ilang taon ding nakasama nito si Bianca ngunit sa isang kurap lang ay mawawala lahat ng iyon. Naging saksi siya sa mga masasayang araw ng mga ito. Palagi si Bianca noon sa bahay nina Phil. Sa katunayan ay kasama pa nga ni Kirsten ito kung minsang nagdidilig kapag nagpupunta ito doon. Naging magkaibigan sila kahit na nasasaktan siya nito ng lihim. Pero ngayon ay hindi na ito pumupunta roon. Matapos ibalita ng mga magulang ni Bianca ang tungkol sa kasal, ipinadala na ito sa Tagaytay. "Hindi ko mapapalampas ito. Akala niya makukuha niya si Bianca ng ganon ganon na lang? Hah! Damn him!" Hindi pa rin humuhupa ang galit sa boses ni Phil. "Anak calm down. Hindi nadadaan ang problema sa dahas so please don't make yourself a criminal." "Kung 'yon lang ang dahilan para mabawi si Bianca, then I won't hesitate to kill that bastard." Nakatiim-bagang na sabi ni Phil saka sumimsim ng alak sa kopita. "Son, listen. If you want Bianca back, maraming paraan—" "Paraan! Where are those ways Ma?! Wala na akong makitang paraan. What do you expect me to do? Luluhod ako sa harap ng hayup na 'yon at magmamakaawa? Hell no!" "May naisip na akong paraan anak! Kaya will you please listen to me please?!" Napalakas na ang boses ni Amelia kaya medyo kumalma rin si Phil. "What's it?" "Si Kirsten." Nagulat siya nang marinig ang pangalan niya mula sa bibig ni miss Amelia. Siya? Bakit siya? Anong kinalaman niya sa problema ni Phil? Nakita niya ang marahas na paglingon ni Phil kay miss Amelia. "Ha? Si Kirsten? Ano namang kinalaman niya sa naiisip niyong paraan Ma?" Napakunot-noo si Phil. "She can pretend to be Mr. Fontanilla's woman." Natutop niya ang sariling bibig. Kung hindi niya ginawa iyon ay malamang na narinig ng mga ito ang malakas na pagsinghap niya. Nakita niyang nawala ang kunot sa noo ni Phil, ngunit agad ding bumalik. "What?! Are you out of your mind Ma? Si Kirsten?" Muling napataas ang boses ni Phil. "Yes, si Kirsten." "Sa tingin niyo hahayaan kong madamay siya sa problema ko? I won't let that happen Ma. Problema ko 'to kaya walang sino man ang dapat na madamay rito." "But son! Look. Kung gagawa ka ng krimen don't you think hindi ka makukulong? Bale wala 'yon dahil sa kulungan lang din ang bagsak mo. But if we'll go with my plan, hinding-hindi ka makukulong and after that, Bianca will be back to you." "Oo!" Tumalikod si Phil kay miss Amelia at saka dumungaw sa bintana. "Sabihin niyo nang nagtagumpay akong mapabalik si Bianca. Pero paano naman si Kirsten after that? Masisira ang buhay niya Ma." "That won't happen son. Bibigyan natin si Kirsten ng dalawang milyon para magpakalayo-layo pagkatapos non. She can continue her study dahil secured na ang scholarship niya hanggang makapagtapos siya and besides, she's in the legal age now. After that controversy, makakalimutan din ng mga tao ang nangyari. Pwede na siyang bumalik ulit." Hindi niya na pinatapos ang sinabi ni Amelia. Dali-dali niyang kinuha ang laptop sa kuwarto at mabilis na bumaba sa hagdan. Hindi niya na hinintay si Phil. Pumara na siya ng taxi. Si Phil palagi ang naghahatid sa kanya pero ngayon ay hindi niya ito kayang harapin. Halo-halo ang mga isiping naglalaro sa isip niya. Habang nasa taxi siya ay hindi niya mapigilang mapaiyak. Ipapain siya sa kamay ng kaaway. Naaawa siya sa sarili niya. Para siyang dagang basta-basta na lamang gagawing pagkain ng malaking pusa. Pero hindi niya magawang magtanim ng sama ng loob kay Amelia. Utang niya sa babae ang lahat ng kung anong meron siya ngayon. Magmula nang mamatay ang nanay niyang katulong nina Amelia ay kinupkop na siya ng babae. Dinamitan at bibigyan ng magandang buhay. Pinaaral siya sa University na pinag-aaralan ni Phil. Naging close sila ng lalake nang magtrabaho ang nanay niya sa pamilya nito. Palagi silang naglalaro noong mga bata pa sila at sabay din silang lumaki kaya naman napalapit na rin ang loob ni miss Amelia sa kanya. Kaya naman ngayon ay hindi niya alam ang gagawin. Naaawa siya kay Ice at gusto niya rin namang matulungan ito ngunit hindi sa paraan ni miss Amelia. Sinubukan niyang mag-isip ng ibang paraan ngunit sa huli ay sumuko rin siya. Bukod sa pagod siya ay punumpuno siya ng isipin. Pag-uwi niya mamaya ay hindi niya alam kung paano gagalaw sa harap ni miss Amelia at ni Phil. Malamang na mamaya ay kakausapin na siya ng matanda tungkol doon at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tatanggapin niya ba? Napakawalang utang na loob niya naman kung tatanggihan niya. Matapos nang lahat ng ginawa ni miss Amelia sa kanya ay oras na para pagbayaran niya naman ang mga mabubuting bagay na ginawa nito sa kanya. Tama. Hindi niya dapat pairalin ang pagkamakasarili niya sa mga panahong ito. Ngayon din kailangan ni Phil ng tulong niya kaya hindi niya dapat ipagdamot iyon dito. At isa pa, wala talaga siyang mapagpipilian. Isang hamak na pobre lang siya at walang pinanghahawakan. Bigla ay nakaramdam siya ng awa sa sarili niya. Naalala tuloy niya ang nanay niya. Siguro ay hindi magiging ganito kasakit ang lahat kung nabubuhay pa ito ngayon. Masaya siya sa simpleng buhay lang kahit na hindi pa niya nararansan ang karangyaang meron siya ngayon sa piling ng mag-inang Amelia at Phil. Bale wala ang lahat ng iyon kung hindi naman siya masaya. Ngayon niya lang naintindihan ang lahat. Dati kasi ay pinangarap niya ang karangyaan. Noon pang tahimik at payapa ang buhay nila ng nanay niya sa Baguio. Biyuda ito at hindi pa man siya isinilang ay namatay na ang kanyang ama. "Ano namang ginagawa ng prinsesa ko?" Malambing na ani Luna sa anak isang araw. Kagagaling nito sa paglalabandera at nadatnan ang anak na hawak ang pangkulay at ang papel sa ibabaw ng mesa. "Nagdo-drawing po ako ng damit nay." May pagmamalaki sa boses ng batang ipinakita sa ina ang ginawa. Maging si Luna ay napamangha dahil sa murang edad ng anak ay mahusay nang gumuhit. "Napakagaling naman ng anak ko. Patingin nga." Napangiti si Luna. "Panay damit ang mga iginuguhit mo ah. Gusto mo bang maging designer paglaki mo?" "Ano po yon nay?" Napakunot noo ang bata. "Sila ang nagdedesenyo ng mga tinatahing damit anak." Lalong napangiti si Luna sa kislap na naglandas sa mata ng anak. "Gusto ko po yon!" "Kaya mag-aral kang mabuti. Wag kang mag-alala anak, ipinapangako ko pagtatapusin kita sa pag-aaral. Matutupad sayo ang pangarap namin ng tatay mo." Niyakap ni Luna si Kirsten. Kinabukasan nang araw na iyon ay ipinasyal ni Luna si Kirsten sa town, ibinilhan ng mga pangkulay at ipinasyal sa Burnham Park. Doon nakilala ng nanay niya si Lando, ang dating driver nila Phil. Niyaya nito ang nanay niya sa Maynila nang magkaroon ang mga ito ng relasyon at sa Maynila na rin nagpakasal. Namasukan ang nanay niya bilang katulong sa pamilya ni Phil. Dahil stay in ay naging kasakasama siya ng nanay niya sa mga gawain. Naging magkaibigan din sila ni Phil. Hindi ito kagaya ng ibang mga batang pinipili ang kalaro. Sa katunayan ay nagkaroon siya ng lihim na pagtingin sa kababata. Mabait kasi ito at malambing. Hanggang sa isang araw ay dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Kasama ng nanay niya ay sinundo ni Lando sina Amelia at ang asawa nitong si Daniel sa airport. Galing ang mga ito sa Switzerland matapos dumalo sa kasal ng anak ng pinsan ni Daniel. Hindi noon nakasama si Phil dahil nagrereview ito para sa examination day nito kinabukasan. Naghintay silang dalawa sa pagbabalik ng mga ito ngunit mga pulis ang dumating. Ibinalita sa kanilang namatay si Daniel, si Lando, at ang nanay ni Kirsten. Nawalan ng break ang sasakyan kaya aksidenteng nabangga ito. Ang tanging nakaligtas lang ay si Amelia. Labis ang iyak niya noon. Sa murang edad niya ay naisip niyang sana ay si miss Amelia na lang ang namatay at hindi ang nanay niya. Ngunit paglaon ay naintindihan niya naman ang lahat. Marahil ay talagang oras na ng nanay niya ng mga panahong iyon. Sa halip ay naipagpasalamat niya pa ang pagkabuhay ni miss Amelia. Pinag-aral siya nito at itinuring ding parang isang kamag-anak. Nagkaroon siya ng sariling kuwarto sa bahay ni Amelia. Hindi isang servant's quarter ngunit isang marangyang kuwarto. Nagbuhay mayaman siya dahil kay Amelia, ngunit ang sabi niya nga, balewala ang lahat ng iyon kung nagdurusa ka rin lang ngayon dahil sa lungkot. Pinahid niya ang mga luhang naglalandas na naman sa kanyang pisngi. Hindi niya mapigilang magpakawala ng mga hikbi. Napapatingin pa nga ang driver ng taxi mula sa salamin ngunit binalewala niya na lamang. Ilang saglit pa'y natanaw niya na ang campus. "Manong sa tabi na lang po." Aniya sabay abot ng bayad. Habang naglalakad ay hindi niya pa rin maiwasang maalala ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Mapait siyang napangiti sa kawalan sabay pahid sa munting luhang naglandas sa kanyang pisngi. Inilibot niya ang paningin sa mga gusaling nadaraanan niya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gagawin niyang pagpapanggap. Gusto ni miss Amelia na magpanggap siyang babae ng mapapangasawa ni Bianca. That would cause a big controversy kung sakali man. Kahit na sa pangalan niya lang kilala ang fiance ni Bianca ay hindi lingid sa kaalaman niyang muliti-millionaire ang lalaki, hindi basta-bastang tao. Kaya sigurado siyang magiging laman ng peryodiko at maging ng mga news reports ang gagawin niya. Ngayon pa lang ay hindi niya na maiwasang panayuan ng balahibo. Maipapain siya. Magmumukha siyang parang isang dagang kaawa-awa't walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa sa pangil ng isang leon pagkatapos ng gagawin niyang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook