bc

INSATIABLE (erotic romance)

book_age18+
230
FOLLOW
1K
READ
others
drama
heavy
like
intro-logo
Blurb

'No Cheating. Sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo na at pakakawalan kita. I will let you go without hesitation, without batting an eyelash.'

Iyon ang sinabi ni Miyako kay Christian nang makipagrelasyon siya sa binata. Iyon kasi ang rule niya noon pa at napapanindigan niya iyon. Kaya niyang tumalikod nang ganoon na lamang...

Ngunit paano kung subukin ni Christian ang salita niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“ANG pasalubong ko?” agad na tanong ng babaeng pumasok sa opisina ni Miyako. It was Sydney. Sydney was her friend since college days. Magkaklase sila sa kursong Architecture. Nang maka-graduate, pareho silang pinalad na matanggap sa Valencia and Partners Architectural Firm. Ang kumpanya ay nag-o-opisina sa Valencia Tower—a commercial skyscraper na matatagpuan sa pusod ng Makati. Dalawang palapag ang inuukopa nila roon at ang bawat isang Arkitekto ay may kanya-kanyang opisina s***h work room. Miyako rolled her eyes. Maaga siyang pumasok para sana makakuwentuhan ito kaya lang, as usual, late na naman ito. Kinuha niya ang paper bag na nasa gilid ng desk niya at ibinigay iyon rito. “Alam ko na iyan agad ang itatanong mo kaya heto hindi ko nalimutan. May binili rin ako diyan para sa inaanak ko.” Kararating lang niya kagabi galing sa Hong Kong. It was a three day-two night all-expense paid vacation, na napanalunan niya sa raffle draw noong mag-celebrate ng anniversary ang kumpanya nila. “Gee, thanks, gorgeous! You’re so sweet talaga. At dahil diyan, ipagtitimpla kita ng kape!” sabi nito bago tinungo ang percolator na nasa isang tabi at nagtimpla nga ng kape. “Kumusta ang Valencia and Partners? May na-missed ba ako?” tanong niya. Nagkibit-balikat si Sydney. “Oh, of course projects…biddings…the usual. Pero huwag munang trabaho ang pag-usapan natin. Magkuwento ka muna. Kumusta ang bakasyon mo? May nakilala ka bang papa? Guwapong papa na kumuha ng interes mo?” Kumindat-kindat ito sa kanya. She laughed. “Bokya, friend. At saka alam mo naman na may makilala man akong papa na kumuha ng interes ko… well you know my rule. Hindi ako basta-basta pumapatol unless mapatunayan kong walang sabit.” “Yeah, right.” Ibinaba nito sa mesa niya ang tasa ng kape. “Though, I’m curious, what if… what if you meet someone that would blow your mind. I mean, isang lalaki na parang bagyo ang epekto sa ‘yo ng charms at sexuality. Isang lalaki that could make your panties wet in just one hot stare at you. A kind of man that a mere presence has an insanely arousing effect on you. Drop-dead gorgeous, chiselled face, a body to die for, oozing with male virility… An alpha male. Someone with powerful eyes na kayang-kaya kang hipnotismuhin para walang pag-aalinlangan kang tumalon sa kama niya. Ano ang gagawin mo?” pilya nitong tanong. “Girl, alam ko na may sinusunod kang rule. But, as we all know, there was always an exemption to the rule.” “Well, so far, wala pa naman akong nakilala na lalaki na may ganyang epekto sa akin. And in case, mangyari nga na dumating ang ganyang lalaki… well…” Dinampot niya ang tasa ng kape at sumimsim. “Well?” nangingiting gagad nito. “Ano pa? I’ll stick to my rule. No exemption.” “Okay. Sabi mo,” anito. Bagaman ang ekspresyon nito ay nagsasabing, ‘tingnan na lang natin sa sandaling dumating siya.’ Sydney shot a glance at her wristwatch. “O, kailangan ko nang bumalik sa office ko. May appointment ako at eight thirty. Mamaya na tayo magkuwentuhan. Salamat dito.” Dali-dali na itong lumabas ng opisina niya. “You’re welcome,” pahabol niya. Miyako was a modern woman. She was aware of her sexuality and she has an active one. Hindi siya ipokrita, she was practicing pre-marital s*x. Though, may isa siyang rule na sa simula’t-simula pa lang ay pinaninindigan niya. Hindi siya pumapatol sa lalaking may sabit; asawa man o girlfriend. Because she hates cheating. At hindi niya gagawin sa kabaro niya ang isang bagay na ayaw niyang mangyari sa kanya. For her, cheating is a mortal sin. And so far, wala pang lalaki na kayang bumali sa paniniwala niya. Tinitingnan niya ang kanyang organizer nang tumunog ang landline phone sa table niya. The call was from the office of their boss, Roel Valencia. Tinggap niya ang tawag. “Good morning, Miss San Jose.” It was Kier--- Roel’s secretary. “Good morning as well, Kier. Pinagrereport ba ako ng boss natin?” “Actually, yes. Tungkol sa Fuente Royale. The owner is here. It was an impromptu visit but our boss was accommodating him anyway,” Pahapyaw na paliwanag nito. “Okay. I’ll be there right away,” agad na sabi niya. Kinuha lang niya ang organizer niya at agad nang nagtungo sa opisina ni Roel. Sumakay siya ng elevator. Ang Fuente Royale, sa pagkakaalam niya ay isang renovation project. Sa kanya napunta ang proyektong iyon bagama’t pagkalipas ng isang araw ay sinabi sa kanya ni Roel na on-hold na umano ang project. Ii-inform nalang umano siya kung kailan magbibigay ng go-signal ang may ari para sa project na iyon. Nang bumukas ang elevator ay dali-dali na niyang tinungo ang opisina ng boss. Bahagya siyang napangiti nang maisip na makikita niya ang guwapong boss. He was just so charismatic. Oh, Roel was already a family man. Hinahangaan niya ito, though walang kasamang pagnanasa. Napangiti siya sa naisip. Nang makita siya ni Kier ay ini-announce na nito kay Roel ang presensiya niya. Then he immediately sends her in. Pumasok siya. “Good mor—” Natigilan si Miyako. Hindi nag-iisa si Roel sa opisina nito. Nakaupo ito sa couch, sa lugar kung saan tumatanggap ng bisita si Roel. It was so weird because his presence commanded her whole attention. Para itong magnet na hinigop ang charge niya. Nang magtaas ito ng mukha at magtama ang mga mata nila… boy, she was lost.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook