bc

Trinidad Trenta (Free)

book_age16+
40
FOLLOW
1K
READ
possessive
teacherxstudent
dominant
comedy
humorous
office/work place
stubborn
like
intro-logo
Blurb

(Free)

Si Trinidad na malapit ng magpaalam ang edad sa kalendaryo. Isang frustrated na propesora ang siyang makakahanap ng kakaibang romantikong pag-iibigan sa naging estudyante niya noon na si Ryden Lim.

Pero paano kung marami ang hadlang? Estado, ex, karanasan at edad. Makakayanan kaya nilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Part 1: When Kaya
Part One: When Kaya? Trinidad Reyes. IMBYERNA kong pinatay ang alarm clock ko. Nagising na naman ako ng isang umaga na puno ng sama ng loob. Bale ang almusal ko lang ay kapeng walang asukal. Hindi dahil sa wala akong pambili, iyon ay dahil sa nakita ko ang araw na ito. Marso a uno, birthday ko nga pala ngayon, at opo, malapit ng lumagpas sa kalendaryo ang edad ko. Thirty years of age, pero ni hindi man lang biniyayaan ng jowa, kahit man lang kalandian, napakamailap sa buhay ko. Pumunta na ako sa sala ng bahay ko. Wala na akong magulang, pareho na akong inulila na. Namatay ang nanay ko nang college ako, papa ko naman, maagang nag-ibang bahay.  Lumaki ako sa mga lolo at lola ko na sumalangit na nawa ang kanilang mga kaluluwa. Nagta-trabaho ako ngayon bilang propesora sa isang sikat na unibersidad. Kilalang terror ako, alam ko naman ang chismis, dahil daw sa malapit na akong tumandang dalaga. Sarap nilang bigyan ng tres na grades. Bakit nga ba walang jowa ang tulad kong si Trinidad? Dahil ba sa pihikan ako nang high school at college student ako? Study first kasi, ngayon naman ay inip na inip na ako kung kailan nga ba darating ang para sa akin. May kumatok naman sa pinto ng bahay ko. Pagbukas ko ay napatalon ako sa supresa. Nandito ang mga kaibigan kong anak ng dyablo. "Happy birthday Trinidad! Owemji, ang tanda mo na," wika ni Felix sa akin. Baklang kaibigan ko na may jowang Hapon... Oo na, dinaig pa ako na may natural na butas! "Salamat sa pagpapaalala na matanda na ako," bwisit na wika ko. Kahit naman gusto ko silang palayasin sa inis, mga kaibigan ko pa rin sila. Ang kapal nga ng mga mukha nila e. Imagine mo nga naman, sila na ang pumasok sa bahay ko without my consent. "May dala kaming pagkain," sabi ni Carlo sa akin. Straight, gwapo, pero may asawa na iyan. Saka walang patulan ng tropa dito. "Salamat naman," sabi ko sa kanila at saka na ako kumuha ng mga plato at kutsara. Aga nila akong i-surpriss kasi knows naman nila na mamaya ay may pasok na ako sa work. "Oh, ano na? Mag-download ka na kasi ng dating app, Trini, para naman makahakot ka na ng asawa," sulsol ni Sasha sa akin, straight na babaeng kung kani-kanino ako nire-reto, kaya ako, nagkaka-trauma na ako e. "Ay naku, iyung huling reto mo sa akin, may anak at asawa, ano? Naghintay ako ng biyaya mula kay Papa G, tapos magiging kabit lang pala ako. Tigilan mo na ako sa kakareto-reto na iyan," sabi ko sa kanya. Apat kami sa barkada. Sadly, ako ang pinakamatino, ako rin ang walang asawa at jowa. May mga pinapaburan talaga ng Diyos ano? Clearly, hindi ako iyon. "E kailan ka mag-aasawa? Huy, hindi paurong ang edad mo ha? Sinasabi ko sa iyo, need mo ng maghanap ng makakatuwang mo sa buhay," sabi ni bakla sa akin... Naku, Felix, hindi lahat katulad mo na may asim at awra. "Hindi naman siguro required iyan sa buhay. Mag-aalaga na lang ako ng pusa." Charot lang, kahit na mukha akong masungit, mukha akong kumakain ng tao, mukha akong araw-araw na may dalaw, pinangarap ko rin naman na mahanap ang Mr. Right ko ha. "Sinasabi mo lang iyan, ang hirap ng tumatandang malungkot, give your self a chance to explore, malay mo naman hindi ba?" wika ni Sasha. Dumalaw lang ata sila para ipaalala na single ako. "Ay, itigil na natin ang topic na iyan at kumain na lang tayong apat," saway ko sa kanila. Mga pasaway! Kumain na kami ng dala nilang spaghetti na hindi ko malasahan. Ewan ko ba, mapait ata na nagsimula ang araw ko kaya mapait na rin maski panlasa ko... And excuse me! Nag-toothbrush ako ha. Huwag kayong issue diyan. Nang nakita ko na malapit na akong maghanda, force evict ang tatlo sa akin. Sabi ko sa kanila ay sa weekend na ako manlilibre sa tatlong buraot na ito. Masyado akong busy sa buhay. Nag-ayos na ako upang pumasok. Laging black ang damit ko, tiningnan ko naman ang itsura ko sa salamin. Kamukha ko nga si Miss. Minchin, hindi ko masisisi ang iba kung akala nila ay nangunguha ako ng bata at dinadala ko sa balkonahe. Pumasok na ako sa university at binati ako ni manong guard. Bumati naman ako pabalik. Walang may alam sa birthday ko, at ayaw ko ng sinu-surprise ako masyado, kaya naman nadala na sila nang huli akong i-surprise ng klase ko, lahat sila nakatanggap ng surprise quiz. Pagkapasok ko sa klase ay tahimik silang lahat. Nagtuturo ako ng business subject sa mga kabataan na ito. Bunches of hardhead teenagers that acts like a stupid toddlers. Nasanay na lang ako na inaatake ng alta-presyon sa mga batang ito. Mygad! Baka sila pa ang dahilan kung bakit parang ilang dekada na ang itinanda ko sa mundong ito. Dahil hindi naman ganoon kagrabe ang sama ng mood ko, I decided to give them a lecture and assignment, wala munang recitation, dahil baka may lagnatin na naman sa kaba.  Nang nasa faculty na ako ay binati ako ng ibang mga co-worker ko, I just gave them a very save smile. Tinipid kumbaga. After ng klase ko, six din iyon ay papunta na ako sa kotse ko nang lumapit sa akin ang isa sa mga sakit sa ulo ko. "Anong problema mo? Mr. Torres?" ani ko sa kanya dahil nakaharang siya sa pinto ng kotse ko. "Padaanin mo ako o sasapakin kita." Napakamot ulo siya at saka may ipinakita sa akin na isang paper bag, that god knows kung ano na naman ang laman niyan. "Para sa iyo, Ma'am, nalaman ko kasi na birthday mo ngayon." Hindi ko na nga iniisip, pinaalala mo pa! Anak nga naman ng tinapa, oh! "Kung sino man ang nagsabi sa iyo niyan, sana hindi masarap ang ulam niya. At saka ano iyan, suhol? Hindi naman kita estudyante ngayon a?" Last year muntik ko ng ibagsak itong si Ice Torres. Isa siya sa pinakasikat na estudyante sa university na ito. I admit that he looks mature, good looking, he is tall, dark and handsome. I heard how boosted ang kasikatan niya. Pero jusko, ang hirap turuan ng bata na ito. Masyadong pilyo nang estudyante ko pa siya last year. "Hindi naman suhol ito, Ma'am, regalo nga 'di ba? Masyado ka naman mainit, chill ka lang," sabi sa akin ng unggoy na ito na masyadong feeling close. Kinuha ko na ang paper bag, nakita ko naman na may laman itong box of pastries and a gift, a very expensive looking necklace. "Alam ko na mayaman ka, Mr. Torres ano, but you don't have to buy me such things, napakamahal nito, at saka wala ka naman mapapala sa akin kung bibigyan mo ako ng ganito," wika ko. "Basta, Ma'am, tanggapin mo na lang. Basta na, minsan magkita tayo," ani niya na may ngisi. Binatukan ko nga at saka ibinalik ang binigay niya sa akin. "Huwag kang gagawa ng gulo, Ice Torres ha, estudyante ka, prof mo ako, kung may makarinig man sa iyo, don't you think you will put me on another trouble!" sermon ko sa kanya. Pumasok na ako sa kotse ko. I don't want to misinterpret him, and I hope he doesn't meant what he said. Mga kabataan ngayon, ang pupusok. Saka hindi ako pumapatol sa lalaki na ang laki ng age gap namin ano. Ang bata pa non compared sa akin. 22 pa lang ata siya, trenta na ako. Hindi pa siya pinapanganak, naglalaro na ako ng chinese garter at piko! THE next day, masaya ako dahil no work ako ngayon. I am planning to do chilling while watching movies on my house. Relax lang ako nang may tumawag sa akin. "Hello, is this Mrs. Reyes? Trinidad Reyes." Nang-iinsulto ba 'to? Mukha na ba akong Mrs. O may asawa? Bastusan? "I am MISS Reyes, why and who is this?" masungit na wika ko. "Ay sorry po, I am Yvetter Ocampo from Lim Corporation, my boss asked po if available po kayo for today." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lim? As in ang mga Lim na nagma-may-ari ng malaking real estate business here? Of course, kilala ko sila! I am a business professor, duh. "Ahm, bakit daw" Tanong ko habang hindi pa rin nakaka-recover. "May ginawa ba akong something?" "No po, they are just asking for your presence, kasi po may o-offer silang sideline job," wika nito sa akin. "Well, I am free this afternoon, just private message me the location and time if possible," wika ko. "Noted po." Nang namatay pa lang ang tawag, doon pa lang nag-sink in lahat mga bakla! Grabe, as in Lim? Naalala ko lang 'yung anak ng Lim na iyon, si Ryden Lim, kung ako lang, top one noon 'yung bata na iyon sa katigasan ng ulo! Para bang pareho na pareho sila ng hilitsa ng bituka ni Mr. Torres. Nakakainit ng dugo. But I am not stupid para tanggihan ko ang proposal na ito ano. Huwag tatanggi sa grasya. Na akala ko lang pala. (Hi po, Lake is here. Free book po itong hanggang sa huli! Wala po itong kontrata. Bilang pasasalamat ko na rin sa mga readers ko. Hindi naman po sapilitan, but anyone can freely give me tips or donation on my Gcash acc: 09154616655 (Romualdo H.) And you can also add me on my f******k Account: Ronie Mejia Hipolito. I love you guysss.)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook