bc

His Vengeful Kiss

book_age18+
2.9K
FOLLOW
17.4K
READ
billionaire
possessive
dominant
drama
office/work place
wife
seductive
like
intro-logo
Blurb

Revenge is best served hot, like his kisses.

Armea clearly sees the signs when Gabriel comes into her life. He’s the type of man with whom she wanted to spend the rest of her life. In fact, she only sees herself marrying no other man but him. Besides he’s caring, gentleman, and responsible—he’s also one of the most after-sought bachelors in town.

Just when she thought everything is starting to fall into place, she wakes up to the painful news that she needed a huge amount to save her mother's life. As timely as it is, Gabriel's mother gets in her way bribing her to leave her son.

Armea knows Gabriel has some reservations and asking help from him would be lethal for their so-called relationship. She finds herself accepting the money with the belief that their paths will never cross again.

However, after a few years, fate brings her back to the past tagging along with her little secret. No matter how much she tries to avoid Gabriel, she seems to be caught up in his arms again, and what was once passionate turns into vengeful kisses.

---

Written in TagLish.

Cover Design by Jean Stephanie Calinog.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
KANINA pa ako hindi mapakali sa aking kinauupuan. Nanlalamig at namamawis ang aking mga palad dahil sa matalim na pares ng mga matang nakamasid sa akin. I thought I was prepared enough to meet my boyfriend’s parents but it feels like I want to run away and hide from his mother’s scrutinizing eyes. “You okay, baby?” Bahagya akong pinisil ni Gabriel sa aking braso habang nakaakbay siya sa aking kinauupuan. He brought me to a fancy restaurant which made me more conscious about my looks. Nakasuot lang ako ng simpleng puting blouse na pinaresan ng fitted jeans. “Ayos lang.” I faked a smile. Hindi nakatakas sa aking paningin ang bahagyang panlalaki ng mga mata ng kanyang mommy. Nakita ko rin ang lihim niyang pag-irap. “Does this mean we are gonna be hearing the church bells, soon?” Muntik na akong mabilaukan ng sarili kong laway dahil sa biglang itinanong ng daddy ni Gabriel. Ang mommy naman niya ay ibinaba ang hawak na kubyertos. Mababanaag ang disgusto sa kanyang mukha. “Hindi kaya masyadong mabilis, Gael? Hindi pa nga nag-iisang taon ang relasyon nila. Baka mamaya katulad din ‘yan Gladys na pera lang ang—” “Mommy!” Napadiin ang pagkakagat ko ng aking ibabang labi nang biglang tumaas ang boses ni Gabriel. Awtomatikong lumingon ako sa paligid. Mabuti na lamang at medyo malayo kami sa ibang mga customer kaya hindi kami nakaagaw ng atensyon. “Violeta, magdahan-dahan ka sa pananalita mo.” Bagama’t malumanay ay may awtoridad ang boses ni Tito Gael. Napayuko na lamang ako. Ramdam ko ang pagdaan ng matinding kurot sa aking dibdib. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ayaw ako ng mommy ni Gabriel. Binalaan na ako noon pa ng pinsan kong si Yuri nang malaman niyang sinagot ko na si Gabriel. Hindi nga siya nagkamali, hindi ako makaliligtas sa panghuhusga ng pamilya ni Gabriel. Malayung-malayo ang estado ng aming buhay. Kahit na naisip ko na rin dati na para akong sumusuntok sa buwan ay pinapasok ko pa rin siya sa buhay ko dahil mahal ko siya. Alam ko rin na maaari kong danasin ito sa kanyang pamilya at kaibigan ngunit hindi ko akalain na ganito pala kasakit kapag nasa sitwasyon na. “Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. Ang akin lang naman ay sana mag-ingat si Gabriel sa pagpili ng babaeng pakakasalan niya. Baka maulit ang nangyari katulad ng ginawa ni Gladys—” “Mom, stop it.” Ginagap ni Gabriel ang aking kamay sa ilalim ng lamesa. Masuyo niya akong tiningnan. Ngumiti lang ako nang pilit. “Mom, atleast respect my girlfriend. Dinala ko siya rito para ipakilala sa inyo. Hindi para insultuhin n’yo. Can you please stop talking about Gladys? Tapos na ‘yon. I love my girlfriend, and that’s what matters.” Napangiwi ako. Batid ko ang tungkol sa nakaraan nila ni Gladys. Ang first girlfriend niya na iniwan siya dahil sumama sa ibang lalaki. Parang gusto ko na lang matunaw dahil sa tensyong namumuo sa pagitan namin ng kanyang ina. Hindi ko napigilang manliit sa sarili ko. Hindi ko naman siya masisisi kung gano’n nga ang iniisip niya sa akin dahil para lang akong langaw na dumapo sa likod ng kalabaw. “A—Ayos lang ‘yon, Gabriel.” Tumayo ako saka tipid na ngumiti sa kanyang mga magulang. Tito Gael stared at me apologetically. Si Tita Violeta naman ay matapang pa rin ang kanyang mukha. “Restroom lang ako,” paalam ko. “Samahan na kita.” “Huwag na. Mabilis lang naman ako,” dagli kong pigil kay Gabriel nang tumayo rin siya. “You sure?” may pag-aalangang tanong niya. Ginawaran ko siya ng magaang ngiti para kumbinsihin siyang ayos lang ako. “Saglit lang talaga ako,” muling sabi ko. Sumusukong bumuntonghininga siya. Bago pa ako tuluyang makaalis ay pinisil niya ang aking kamay. Mabilis kong tinungo ang restroom. Nang tuluyan akong makapasok ay napasandal ako sa gilid ng sink. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil ramdam kong nag-iinit ang bawat sulok ng mga ito. Napahawak ako sa aking dibdib saka bumuga ng hangin. Having Gabriel’s parents around was suffocating. Pakiramdam ko’y nasa harap ako ng husgado at hinahatulan. Ang masaklap ay wala akong kalaban-laban. Dahil kahit saang anggulo tingnan ay hindi ako bagay sa isang katulad ni Gabriel. Nagkamali ba ako ng desisyong sagutin siya? Hindi ko alam. Ngayon pa lamang ay naguguluhan na ako kung ano ang gagawin ko. I took a deep breath for the nth time. Akmang lalabas na ako’y biglang bumukas ang pinto. Napatda ako nang pumasok ang hindi ko inaasahang tao. Umatras ako para bigyan siya ng espasyo, kahit na ilang hakbang pa ang distansya niya sa akin. Pakiramdam ko’y ang sikip-sikip ng napakalaking banyo na ito nang dahil sa presensya ng mommy ni Gabriel. She looked at me from head to toe. “Uhm, mauna na ho ako.” “Bakit mukha kang nagmamadali?” Napatigil ako sa paghakbang. Yumuko ako para iwasan ang mapanuri niyang tingin. “Magkano?” biglang tanong niya na ikinakunot ng aking noo. “Po?” “Dalawang milyon. Layuan mo ang anak ko. Sapat na ba ‘yon?” Nanlaki ang aking mga mata sa tinuran ni Tita Violeta. Tama ba ang aking narinig? Inaalok niya ako ng dalawang milyon? “T—Tita, mawalang galang na po, pero hindi ko po maintindihan ang gusto ninyong mangyari.” Nakagat ko ang aking ibabang labi at ipinagsalikop ang aking mga kamay. I can feel my palms sweating. Tinaasan niya ako ng kilay saka humalikipkip. Kumikinang pa ang kanyang leeg dahil sa mamahaling kuwentas na nakasabit doon. Maging ang kanyang palapulsuhan ay may nakadekorang mga alahas na kahit habang-buhay ko yata pagtatrabahuhan ay hindi ko kayang bilhin. Nandito kami sa restroom ng mamahaling restaurant na pinagdalhan sa akin ni Gabriel. Hindi ko naman akalaing ipapakilala pala niya ako sa kanyang mga magulang. Dati ko na silang kilala ngunit iba ang araw na ito dahil ipinakilala niya ako bilang pormal na kasintahan. “Oh, dear. Let’s drop the pretention. I know your intention kaya ka nakipagrelasyon sa anak ko.” She looked at me from head to toe. Lalo akong nanliit sa aking suot na simpleng skinny jeans at fitted blouse. “Alam kong pera lang ang habol sa anak ko.” Pakiramdam ko’y napugto ang aking hininga dahil sa aking narinig mula sa kanya. I bit my lower lip to calm myself. Ngunit hindi ko napigilan ang pagtubig ng aking mga mata. “Mawalang galang na ho, Tita. Alam kong wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng nakapalibot kay Gabriel. Pero mahal ko siya dahil mahal ko siya, hindi sa kung ano pa man.” She smiled at me mischievously. “Oh, really? What if I will double my offer? Hindi mo pa rin ba siya iiwan?” Nanikip ang aking dibdib. Hindi ko akalaing gano’n pala kababa ang tingin nila sa akin. Mahal ko si Gabriel, at walang perang katumbas ang pagmamahal na iyon. Huminga ako nang malalim saka pasimpleng pinahid ang aking mga luha. Hinarap ko siya nang buong tapang. “Kahit maglatag pa ho kayo ng ilang kahong ginto sa harapan ko, hinding-hindi ko ho ipagpapalit si Gabriel sa kahit na anuman. Kung wala na po kayong sasabihin, mauna ho ako.” Magalang akong yumukod saka nagmartsa patungo sa pinto. Walang lingun-lingon akong lumabas sa restroom. Lumunok ako nang ilang beses saka tinanaw ang kinaruruonan ni Gabriel at ng kanyang ama. Napangiti ako nang mapait. Ito ang kapalit ng pagmamahal ko sa isang lalaking langit ang pagitan ng estado ng buhay sa akin. Kapag nagmahal ka ng lalaking mayaman, tingin sa ‘yo ng karamihan ay gold-digger ka. Ang masakit pa’y ina pa niya ang unang nanghusga sa akin. Bago pa man ako humakbang papalapit sa puwesto nila ay naramdaman ko ang aking cellphone na nag-vibrate. Nakita ko ang pangalan ng aking pinsan na rumihestro. Agad ko iyong sinagot. “Oh, Yuri? Ano’ng nangyari?” Kinabahan ako sapagkat narinig ko ang pagsinghot niya sa kabilang linya. “Insan, kailangan na kailangan nang maoperahan ng nanay mo mamayang gabi. Hindi na raw makapaghintay sabi ng doktor. Kailangan na niya ng transplant.” Nanikip ang aking dibdib. Napaestatwa ako sa aking kinatatayuan. “Insan…” “May nahanap ka na bang paraan?” Naipikit ko ang aking mga mata. Kagagaling ko lang ng trabaho ko kahit na rest day ko sana ay pumasok ako para may pandagdag sa gastos sa pagpapa-ospital kay Nanay. Ngunit kahit sampung trabaho pa yata ang pasukin ko’y hindi pa rin iyon sapat sa kanyang mga gamot at bayad sa doktor. “O—Oo, insan. May nahanap na akong paraan. Pupunta na ako riyan.” Halos mapugto ang aking hininga. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Ang alam ko lang ay kailangang maagapan si Nanay. “S—Sige, insan.” Nang maibaba ko ang tawag ay nanghina ang aking mga tuhod. Bumaling ako sa kinauupuan ni Gabriel. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya ngunit natatakot ako na baka kung ano rin ang isipin niya. Isa pa, nagsisimula pa lamang siya. Ayaw kong pati ang kalagayan ng Nanay ko ay iisipin pa niya. Bumaling ako sa pinto nilabasan ko kanina. Kagat-kagat ang labing humakbang ako pabalik ng restroom. Bahala na. . . ©GREATFAIRY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.4K
bc

His Obsession

read
69.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook