Chapter 1
Clarence POV
School is boring.
Binuksan ko ang pintuan ng bahay ko at pumunta agad sa kwarto. How can life become so boring in an instant?
Dahil wala akong magawa, binuksan ko ang loptap at naghanap ng mapapakinabangan
I keep scrolling on f*******: to find something new pero wala. Nagchat ako sa kambal kong kaibigan at tinanong kung anong ginagawa nila, gusto ko mang itanong kung pwede ba kong pumunta pumunta dyan pero sariling paa ko na ang nag give-up at nagpahilata sakin sa kama. Tiningnan ko ang chats nila
Joshmar:Nagigitara ako pre, gusto mo turuan kita. Bumili ka ng guitara mo
JohnMark:Ang ganda ng nilalaro ko ngayon, download nyo rin. Laban tayo sa school
Joshmar:Gusto ko ulit bumili ng guitara. Kaso kailangan ko magipon gawa ng dates
Dates?
Dating sounds fine. Im already seventeen pero ngayon ko lang naisipan ang word na yun. Am i that weird and lonely? Baka dahil ata sa mga babaeng naghahabol sakin kaya hindi man lang sumagi sa isip ko ang dates
I scroll on f*******: to find someone to chat then bingo
Name: Candy Gonsalez
Maganda ang mga dp nya kasi naka make-up. Testing ko munang kausapin lang sya tapos iba naman. Hindi naman ako magpapafall pero testing ko lang magchat ng babae.
I send a friend request and its already confirmed. Mas bumilog ang mata ko nung nagchat din sya sakin. Napabuntong-hininga ako
Akala ko naman hindi nya ko kilala, yun pala crush nya ko. How do i know? Ang chat nya kasi sakin ay hi crush, natuwa ata toh nung nag friend request ako, kapogian mo kasi Clarence Santos. Ibaba mo muna.
I think chatting this girl right now will be boring but might as well try, ang magagawa ng walang makachat pero andaming naghahabol sa school, hays.
Lets start the conversation then.
[Candy: Hi crushh!!!:)]
Its already annoying even seeing it with my own eye
*seen*
[Candy: Si crush ang snobber naman ohh]
[Me: what do you want?!]
[Candy: what do i want???]
[Me: ??]
[Candy: you]
[Candy: I want you]
This is creepy, is this how girls flirt?
*seen*
[Candy: Wag mo naman akong iseen:]
*Candy has left the conversation*
Yun na yon. Akala ko naman exciting ang mangyayare sa first convo. Para syang obsessed fan na hindi pa ko nakikita.
Makahanap na nga lang ng iba kachat
I tried to chat at least 5 girls but there also have no fun
Habang nakahiga ako sa kama at nagbuntong hininga, biglang tumunog ang cellphone ko at kinuha ko yun
[Candy: Busy ka?]
[Me: Hindi]
[Candy: Tara, tayo na]
Palihim akong napatawa sa chat nya at nagtuloy tuloy na yun
Habang nasa kalagitnaan kami nang chat, bigla nanaman syang nagsabi ng babye. Medyo naguluhan ako. Syempre di ko naman pwedeng sabihin na magchat pa kami ng ilang oras baka maweirduhan. Masyado pa kasing maaga
Ano nang nangyayari sayo Clarence? Nakausap mo lang. Gusto mo pa ichat.
I can't be a playboy though. Im a lighthearted person kaya makita ko lang na may nasasaktan dahil sakin. Binibigyan ko yun ng pake
I tried to stalk her pero puro sharedpost ito. But while im stalking her. Napachat ulit sya.
"Ayun" Sabi ko habang nakangiting kinlick ang chatbox namin. Sa una, naweirduhan ako kasi ang bilis kong pindutin yung chatbox nya pero nagkibit-balikat nalang ako. Dahil nga sa wala akong kachat
[Candy: You up?]
[Me: Anong kailangan mo?]
[Candy: Kailangan ko ng bakasyon:(]
[Candy: At sampung buwan na vacation]
[Me: Wag ka nang mag-aral]
[Me: You must be tired]
[Candy: I got work again! Goodbyee~]
Nawala ulit sya. Isang minuto ba ang break nya? Tama na toh, baka pag tumagal pa. Hanap hanapin ko na sya. Like a friend okay? Im easy to get friends with.
Habang piling ko ay hinihintay ko ang text nya. Naisip ko naman sya. She said na isa syang kaklase ko edi isa sya sa mga babae na laging tumitingin sakin. Sino kaya sya dun? Hindi sa mahangin pero lahat na ng kaklase kong babae, nakaramdam na ng titig sa pogi kong mukha. Ang swerte talaga ng nga classmates ko at may kaklase silang gwapo, tsk. Okay back to her.
She looks like a nice person so why not talk to her even more pati na rin sa reyalidad. Tumango tangu ako sa kawalan..
Kumain na ko at ginawa ang night excercise routines ko nang makita ko ulit syang nagchat. I smiled when she said she's done at work
[Candy: Lets get to know each other, starting from the favorites, game?]
[Me: Food?]
[Candy: Sisig]
[Me: Chicken]
[Candy: Color?]
[Me: Red]
[Candy: Pink]
[Me: Too girly]
[Candy: Hey!]
Napatawa naman ako at hindi na namalayan ang oras habang magkachat kami,she's also funny and interesting cause she's telling me many things. Sana man lang, hindi ko lang sya kapuyatan. Sayang yung oras na dapat. Ikinatulog ko nalang
The next day
Si Juliana. Nakatingin sakin si Juliana
I know its her. Kanina pa sya natingin sakin.
"Ms.Bautista, alam mo namang exam tapos nagkokopyahan kayo ni Mr.Santos! Tumayo ka!!" Ayan na nga. Tumayo naman si Juliana. See, natingin talaga sya sakin and im positive na sya yung kachat ko kahapon
Tapos na ang exam at nagsilabasan na sila. Nakaupo lang si Juliana sa table at parang may sinusulat kaya nilapitan ko sya
"Is it you?" Tumingin sya sakin at umupo ako sa harapan nya
"Are you Candy?" Tanong ko na ikinunot nya
"Kilala mo naman ako, hindi Candy ang pangalan ko" Sabi nito habang may sinusulat parin.
"May kaklase ba tayong Candy?"
"Aba'y oo! Halatang hindi mo kilala yung kaibigan ko. Anyway, pwede pakibigay toh sa kaybigan mo naman. Kay Joshmar" Sabi nya at naglabas din ng chocolate. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang chocolate
Pero kung kaklase ko ito. Bakit hindi ko pa nakikita ang mukha nya. Andaming Candy sa mundo para makita kung anong mukha ang gusto kong makita. Sino ba talaga sya?
"Kung itatanong mo kung nasan si Candy, isang linggo na syang absent" Lumaki naman ang mata ko. Hindi kaya't wala na si Candy tapos multo nalang ang kachat ko o kaya naman ibang tao yun. Grabe pala ako magover think
"N-nasan sya?" Utal kong sabi
"Nagtatrabaho"
"Buhay pa ba sya?" Namamawis kong tanong sa kanya
"May nagtatrabaho bang patay. Sa bagay, yung grim reaper" Bumuntong hininga ako. Akala ko nagkatotoo ang iniisip ko
Akmang tatayo na sana sya nang hawakan ko ang kamay nya
"Pwede pakilala mo ko sa kanya?" Tumawa muna sya bago magsalita
"Your really persistant! Pano nya kaya nagawa toh sayo?" Sabi nya at may kinuha sa bulsa. Isa itong picture at binigay nya ito sakin.
Picture sya ng isang babaeng maganda ang likod at nakacostume na pangmaid, mukha syang magseserve dito sa picture na parang nasa restaurant. Tama ba?
"Maid sya?" Takang tanong ko
"Maid sya pero hindi sa bahay, waitress sya sa cafe"
"Ang weird ng costume" Puro ganto yung cafe sa paligid ng school namin. Yung isa dog cafe pero pusang costumes ang suot. Yung cafe na master choo choo kung magserve tapos yung cafe na andaming ewan na pagkain. Appetizer nga nila. Chocolate na mainit. Pero masarap naman
Tatanungin ko pa sana kung san sya nagtatrabaho pero wala na yung taong kinakausap ko kanina. Nilagay ko nalang sa wallet yung picture bago ako lumabas ng classroom
End of Clarence's POV
Meanwhile,
"Oh" Batong bigay ang ginawa ni Juliana sa chocolate na binibigay nya kay Joshmar
Tiningnan nya muna ito bago itapon ang chocolate sa basurahan, harap harapan pa kay Juliana at tinitigan ito ng masama
"Didn't i reject you an hour ago?"
"Naguumpisa palang ako, madami pa kong ibibigay say--"
"Forget it. Nagsasayang ka lang" Huling sabi ni Joshmar bago umalis sa harapan ni Juliana at naglakad palayo
Pumunta ito sa nakatayong kaibigan nya na si Clarence at sa kakambal nya na si John Mark
"Pre" Tawag ni Clarence kay Joshmar
"Pinamimigay ni Juliana" Sabi ni Clarence at binigay ang chocolate kay Joshmar
"Tsk" Umiling-iling ito at hindi na nagdalwang isip na itapon ulit nya yung chocolate sa basurahan
"Uy pre, ang mahal kaya nun" Ani John Mark na tiningnan pa sa basurahan yung chocolate
"Edi kainin mo" Sabi nalang nito
Nasa canteen na sila at magoorder. Kinuha ni Clarence ang wallet nya sa bulsa at bumungad agad ang picture ng babaeng nakatalikod.
"Sino yan?" Tanong ni John Mark habang nakatiitig sa picture
"Basta" Lumapit din si Joshmar at tumitig rin na para silang nageembistiga kung sino ang nasa picture
"Parang pamilyar sya"
"Oo. Para syang si Candy. Tingnan mo yung likod ng kamay, ang payat"
"Oo. Sya yung nerd natin ah" Agad namang namilog yung mata ni Clarence
"Sya si Nerd?!"