bc

Three Month Agreement

book_age18+
67.9K
FOLLOW
1.1M
READ
billionaire
possessive
sex
arrogant
dominant
CEO
drama
bxg
city
punishment
like
intro-logo
Blurb

“Tatlong buwan na kasunduan sa isang Aroganteng Bilyonaryo.”

WARNING Mature Content. Read at your own risk.

---

Dalawang bagay lang ang mahalaga kay Zehra: ang kapatid niya at pera. Sa murang edad ay namulat na siya sa hirap ng buhay kaya naman wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho nang magtrabaho upang matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Ngunit isang dagok ang siyang susubok sa kaniyang katatagan—nagkaroon ng malubhang sakit ang kaniyang minamahal na kapatid. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang mga oras na iyon; wala siyang malapitan at wala rin siyang ideya kung saan kukuha ng malaking halaga.

Sa gitna ng kaniyang pakikipagsapalaran, isang kilalang tao ang lumapit sa kaniya sa pinagtatrabahuhan niyang bar. Ito ay si Thauce Arzen Alessandro Cervelli. Isang bilyonaryong negosyante.

In-offer-an siya nito ng limang milyon kapalit ng tatlong buwan. Kailangan niyang kuhanin ang atensyon at mapaibig ang pinsan nito na si Errol sapagkat ito ang napupusuan ng babaeng minamahal ni Thauce.

Ngunit sa loob ng tatlong buwan na kasunduan, aayon kaya ang lahat sa plano? Mapapaibig nga kaya ni Zehra si Errol o sisingit ang mapaglarong tadhana at iba ang mahuhulog sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Prologue
SA MGA NEW READERS PO. IF NAKITA NINYO NA FREE UNTIL THE END SA PROMOTION SA GROUPS ITONG TMA, LAST YEAR SEPTEMBER PA PO NAG-ANNOUNCE AKO NA MAG LALOCK NA ITONG STORY AT HINDI NA PO FREE. MARAMING SALAMAT PO. WARNING mature content. This story is specifically for adults and therefore may be unsuitable for children under 17. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Detailed narration. If hindi ninyo po tipo ang madedetalyeng story skip this na lang po. Read at your own risk. PLAGIARISM IS A CRIME. RESPECT AUTHORS. STOP STEALING STORIES. NO TO SOFT COPIES. CHARACTERS' name pronunciation Zehra Clarabelle Mineses ** Zeh-ra Cla-ra-belle Mi-ne-ses Thauce Arzen Alessandro Cervelli **Toss Ar-zen A-les-sandro- Cer-vel-li Three Month Agreement by: Pennieee Zehra Clarabelle Mineses Ang kasabihan, hindi mo kasalanan na ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo na kung mamamatay kang mahirap. Pero sa mga taong katulad namin? isang kahig isang tuka? kung hindi mangangalakal araw-araw ay walang maipang bibili ng pagkain. "Ilang kilo ang sa akin, Tonyo?" tanong ko sa nagbabantay sa junkshop. Nakatingin ako sa kaniya habang nagbibilang siya ng barya. Kailangan ko nang bilisan, dumidilim na ang paligid. Siguradong malakas na ulan ang darating. "Walong kilo na plastic, dalawang kilo sa mga lata," sagot ni Tonyo. Napabuntong hininga ako. Sapat kaya 'yon hanggang bukas? "Ito, Zehra," inabot niya sa akin ang dalawang isang daan na buo at tatlong bente. Pagkatapos ay iba ay puro barya na. Binilang ko iyon bago ako umalis. "Wala ka atang mga papel, Zehra? hindi ka gumagawi sa mga paaralan para kumuha?" tanong niya sa akin. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil abala ako sa pagbibilang ng mga barya. "Maulan, mababasa lang rin, wala namang silong ang bisekleta ko," sagot ko. Nang masiguro ko na tama ang ibinigay niya ay kinuha ko ang mga sako na pinaglagyan ng mga nakalakal ko. "Bukas ulit kung papalarin na makakuha. Salamat ulit, Tonyo," sabi ko. Nag-thumbs up siya sa akin. Ako naman ay sumakay na sa aking bisekleta. Para sa dalawampung taong gulang na katulad ko, dapat tapos na ako ng kolehiyo. Pero ito, nangangalakal pa rin. "Bwisit, uulan pa nga." Binilisan ko ang pagpedal nang malalaking patak na ang nararamdaman kong bumabagsak sa akin. Kapag minamalas ka nga naman. Buong araw na napakainit tapos sa hapon ay bubuhos ang malakas na ulan. Nang lumakas ang bagsak ng ulan ay tumigil ako sa gilid ng isang estabilishimento. Padilim na, kaunti na lang ang mga tao. Ang ilan ay nakasakay na upang umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Pinunasan ko ang aking sarili ng tuyong dami na baon ko. Sa ganitong panahon, kahit tag-araw, hindi ako nagpapawala ng extra na damit. Madalas kasing umulan. Ewan ko ba sa panahon ngayon. Iyon pa ang dahilan kaya't madalas magkasakit ang mga tao. "Yosi, yosi, yosi." Napatingin ako sa mama na dumaan sa harapan ko. Kinakatok niya ang kaha na taban habang nag-aalok ng yosi sa iilang mga tao na nadaraanan niya. Ang hirap ng buhay. Para sa mga katulad namin, kapag hindi kami nag-isip ng paaraan para kumita tiyak na mamamatay kaming dilat dahil sa gutom. Napakamot ako sa aking ilong nang mangati iyon. Hindi naman sana ako aabutin ng gabi kung hindi lang dahil sa paghihintay na magtapon ng basura iyong madalas kong pagtambayan na kumpanya ng toy shop malapit sa plaza. Kalapit ko na kasi iyong nasa canteen. Palagi sa aking ibinibigay ang mga bote ng plastic na itinatapon ng mga empleyado. Malaking tulong iyon sa akin at sa kapatid ko. "Hinihintay na ako ng mga anak ko, ayaw pang tumigil ng ulan. Mukhang aabutin pa ng kalahating oras." Napalingon ako sa babaeng nagsalita 'di kalayuan sa akin. Bigla kong naalala si Seya, ang kapatid ko at kaisa-isang pamilya na mayroon ako. "Baks, tatawagan ko lang si nanay, tiyak na nag-aalala na sa akin 'yon." Rinig ko naman na sabi ng isang babae na tiyak kong estudyante dahil sa uniporme nito. Nang matagal ang pagkakatingin ko sa kaniya ay nilingon ako nito. Nahihiya na yumuko ako at ngumiti. Mabuti pa ang mga katulad nila, nakakapag-aral, may naghihintay na magulang pag-uwi. Huminga ako ng malalim at marahas ang naging pagbuntong hininga. Ang saklap ng buhay. Hindi bale, Zehra Clarabelle, sabi nga hindi kasalanan ang ipanganak na mahirap ang kasalanan ay iyong mamamatay kang mahirap. Nagsisikap naman ako, dalawampung taong gulang na ako, hindi man nakapag-aral pero masipag magtrabaho. Kaso, mali rin iyong dahilan na kasalanan kung mamamatay kang mahirap. Dahil hindi naman lahat ng tao may magandang oportunidad na dumadating sa buhay nila. Parang sa akin, imbis na nag-aaral ako, ito at nangangalakal. Ilang taon na ito ang trabaho ko dahil walang tumatanggap sa akin. Sino ba ang tatanggap? elementarya lang ang natapos ko. Pero, Valedictorian ako. Iyon nga lang, nang mamatay sa bagyo ang nanay at tatay walang kumupkop sa amin ni Seya. Napilitan akong tumigil sa pag-aaral at buhayin ang kaisa-isa kong kapatid. Siya ngayon ang pinagsisikapan kong makatapos. Labing limang taong gulang na siya. Sa awa ng Diyos, mabait at masipag mag-aral. Matalino rin at nakakuha kami ng skolar. "Tara na! tumila na!" Umangat ang tingin ko sa langit, madilim na, pero oo nga... tumila na ang ulan. Hindi ko napansin dahil sa pag-iisip sa nakaraan. Lumapit ako sa bisikleta ko at tinungo na ang daan pauwi. Isang oras na pagpapadyak pa bago ako makarating sa ilalim ng tulay. Araw-araw ganito ang buhay ko. Minsan nga gusto ko nang sumuko, naisip ko nang tumalon na lang sa tulay pero pag nakikita ko iyong kapatid ko na nagsisikap sa pag-aaral kahit wala kaming ilaw at kahit na wala siyang baon doon ako nagkakaroon ng lakas ng loob na mas lumaban. "Buti na lang tumila na ang ulan," sambit ko at binilisan ang pagpapadyak. Ngunit hindi ko namalayan ang isang sasakyan dahil sa mabilis nitong pagliko. Kaagad kong sinubukan na pumreno at iniliko ko ang manibela kaya't tumama ito sa poste. Tumba ang biskleta ko pati na ako. "Aray ko..." sabi ko habang hinihimas ang pwet na nasaktan. Nang maalala ko ang sasakyan na bigla na lang sumulpot ay marahas ko itong tinitigan. "Mayaman." May iba talagang mayayaman na walang pakialam sa daan. Tapos kapag kami pa ang may kasalanan pag may nangyari sa kanilang sasakyan. "Kid, are you okay?" Umangat ang tingin ko sa nagtanong. Hindi ako nakapagsalita. "Let me help you." Tinulungan akong tumayo noong lalake. Matangkad siya, gwapo, may hikaw sa isang tainga. Nakasuot siya ng puting polo. Ang gwapo! parang artista. "Nasaktan ka ba? Pasensiya na, hindi kasi kita napansin. Masyadong madilim sa parte na ito ng daan," sabi niya pagkatapos ay nilingon ang bisikleta ko. Nilapitan niya iyon at pagkatapos ay itinayong muli. Ibinalik rin niya ang mga sako at iba pang gamit na nalaglag. "N-Naku, huwag na, ako na. Madudumihan ka pa," sagot ko sa lalake. "I am really sorry. Wala bang masakit sa 'yo? let's go to the hospital." Umiling ako ng sunod-sunod. Nakahawak ako sa manibela ng bisikleta ko. "Maayos po ako, wala pong masakit. Tumama lang po ang pang-upo ko pero bukod doon ay okay naman ako," sagot ko sa kaniya. "Errol, what took you so long? just give the kid money." Napatingin ako sa likod ng lalake nang may magsalita. Isang naka-itim na polo na lalake ang aking nakita. Salubong ang kilay nito at nakatingin sa amin. "Wait, Thauce! I am making sure that the kid is fine!" sigaw ng lalake sa aking harap. "Are you sure? but if ever you feel something this is my calling card. Call me," sabi ng lalake at may iniabot sa aking maliit na card, "and also, please take this. I am so sorry, again." Nagulat ako nang abutan ako ng limang libo ng lalake. "I'll go now, be safe!" Hindi na ako nakapagsalita, nais ko sanang ibalik ang apat na libo dahil sobra-sobra ang ibinigay sa akin ngunit nakatalikod na ito at nasa sasakyan na. Nang tumingin ako sa lalakeng tumawag sa kaniya ay nakahalukipkip ito at nakatingin sa akin. Ang lalake ay masungit. Ngunit iyong nagbigay sa akin ng card at ng pera ay mabait. Thauce? Errol? Pero, may mayayaman pa rin talagang may busilak na puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.5K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
35.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.7K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.2K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
31.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook