
Ang kwento nina Jong Yu at Kecha Woon, nagsisimula sa isang pag-ibig na 'crush' to 'lovers' ngunit naging masakit dahil sa isang pagkalokong desisyon—isang pustahan na winasak ang tiwala nila sa isa't isa. Si Jong, tahimik ngunit matapang, unang nagmahal kay Kecha nang buong puso. Si Kecha naman, masayahin ngunit marupok sa sakit, minahal siya nang higit pa sa alam niya. Ngunit nang malaman niyang bahagi siya ng isang biro at tuksuhan, naputol ang dalawa sa pinakamapait na paraan.
Hindi na nasabi ni Kecha na nagdadalang-tao siya at nang lisanin siya ni Jong nang walang pasintabi, napilitan siyang itago ang pagbubuntis at palakihin ang anak nilang si Keith Jin Woon sa piling ng kanyang magulang at mga kaibigan sina Jia, Chie ang nag-iisang pamilya niyang matatawag.
Apat na taon ang lumipas. Si Kecha, dala ang kanyang lihim, namuhay nang tahimik sa Pilipinas. Samantala si Jong, walang kaalam-alam na may anak siya, patuloy na tinatakasan ang masakit na nakaraan. Hanggang sa dumating siyang muli sa Pilipinas hindi niya alam, ang pagbalik niyang 'yon ang magbubukas ng pinto para sa pinakamalaking sorpresa ng buhay niya.
Sa isang napaka-ordinaryong araw, nagtagpo ang mag-ama, Nagkatinginan, Nagtaka, Nagdikit ang puso ng hindi nila alam kung bakit — isang koneksyong hindi mo maipapaliwanag ngunit ramdam sa kaluluwa. Nang malaman ito ng pamilya at mga kaibigan ni Kecha, hindi nila pinigilan ang ugnayan nina Jong at Keith. Hinayaan nilang mabuo ang matagal nang dapat nagkaroon ng pagkakataon.
Ngunit habang papalapit sila sa katotohanan, dumating ang ina ni Jong mula China — nagmamakaawa ng pera, dala ang bagong tensyon at sakit. Mas lalo lamang nitong pinatingkad ang katotohanang kailangan nang harapin ng dalawa ang nakaraan nila.
Muling nagkita sina Jong at Kecha sa mall, at doon sa gitna ng ordinaryong araw tuluyang bumigay ang lihim. Umamin si Kecha at sinabi niya na anak ni Jong si Keith. Dapat magalit si Jong dapat siyang masaktan pero hindi dahil sa totoo lang, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya kay Kecha at sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nakita niya sa mga mata ni Kecha ang parehong sakit na hindi niya kailanman binigyang boses.
Iniwan niya ang girlfriend inamin dito na hindi niya kailanman minahal ito nang buong buo. Pero mahirap ang nakaraan ang lalaking pinakilala ni Kecha bilang boyfriend, si Jonathan George, hindi basta kaibigan siya ang kababata ni Kecha sa Korea, at ang taong lihim na umiibig kay Kecha nang malaman niyang nagbalikan sina Jong at Kecha, tuluyang nagdilim ang isip niya.
Sa pag-uwi nina Jong, Kecha, at Keith mula sa ospital matapos dalawin ang anak ni Chie bigla silang sinalubong ng kapahamakan. Dinakip ni George ang bata naghabulan, nag-away at sa desperasyon, binaril niya si Jong, halos ikamatay nito. Pinakulong siya ng pamilya ni Kecha, at doon tuluyang nawala ang kabataang kilala nila noon. Ang kababatang naging halimaw sa mata ni Kecha na minahal niya.
Habang nagpapagaling si Jong sa ospital, doon sinabi ni Kecha ang pinakamalaking balita buntis siya sa pangalawa nilang anak. Sa gitna ng lahat ng chaos, ito ang nagpatibay sa kanilang relasyon. Hinawakan ni Jong ang kamay niya at alam nilang dalawa hindi na sila muling maghihiwalay.
Paglabas ng ospital, dinala niya si Kecha sa ibang bansa. Ang akala niya simpleng bakasyon, pero ang hindi alam ni Kecha 'yon ang civil wedding nila. Nilagay ni Jong ang singsing sa daliri niya at sinabing hindi na siya papayagang mawala siya ulit. Pag-uwi nila sa Pilipinas, nag-propose pa siya sa taas ng Ferris Wheel sa Enchanted Kingdom, kasama ang pamilya at mga kaibigan nila. Sina Keith at Jia ang pinakaunang nagyakap sa kanila.
Nang ipinanganak si Jon Kerie Woon Yu noong 2017, naging mas buo ang pamilya. Kasabay pa silang nanganak ng kaibigan niya. Ang dating kaaway ay naging kaibigan. Ang dating walang tiwala naging business partner.
Ang pamilya lumawak, lumalim, at tumatag.
Hanggang dumating ang 2029–2035. Pagsubok. Pag-amin. Pagkilala sa pagkukulang. Pagpapatawad. Pagpanaw ng mga kaibigang mahal nila. At sa huli, ang pagharap sa katotohanan na lahat ng relasyon unti-unting nagbabago sa paglipas ng panahon.
At sa huling taon, 2040, sa huling sandali, magkasama silang dalawa. Magkahawak-kamay. Magkasabay na huminga. Na parang unang araw lang muli nilang nakilala ang isa't isa.

