bc

Chain Me

book_age18+
7.2K
FOLLOW
32.8K
READ
dark
drama
comedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Alvin Matthias Altaraza, the ruthless and cunning when it comes to his business. Featured as one of the most succesful CEO and bachelor in town.

In his stand on the society, women would easily flocked in their feet just to get his precious attention. But fate was really joking with him when he first laid his eyes on a beautiful but simple woman named Elena. The woman was fearless and fiesty not to mention, very witty. Alvin would definitely do everything to get her. By hook or by crook!

chap-preview
Free preview
EPISODE 1 - SIMULA
Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nang paa niya. Kanina pa siya palakad lakad sa gilid nang kalsada, nag hahanap kasi siya nang trabaho sa Maynila. Halos mag iisang araw na siyang nag aaply sa mga kompanya pero hindi talaga sya natatanggap, kung hindi college graduate ang hanap, ay dapat atleast two years daw sa koliheyo. Eh anong magagawa niya kung high school lang natapos niya? Sa Probinsya kasi siya galing at dalawang linggo na sya sa manila. Kung hindi ba naman siya tanga e naniwala siyang pag aabroad ang aaplayan niya dito, yon kasi ang sabi nang kumuha sa kanya. Ang siste ay pag bibenta pala nang aliw ang magiging trabaho niya dito, buti nalang nakatakas siya doon sa mahaderang babaeng nagdala sa kanya dito. Kaya pala pagdating nila ay binigyan siya agad nang mga sexy at halos kita ang kaluluwa na mga damit. At pinag-practice pa siyang maglakad na naka heels, akala niya model ang trabaho niya sa ibang bansa at nagsasanay sila. Model pala talaga! Model nang mga pokpok! Nyetaa. Kaya heto siya bitbit ang mga gamit niya, at pawis na pawis na kakahanap nang mapapasukan, iyong stay in sana para hindi na niya kelangan maghanap nang matutulugan. Kelangan na talaga niya makahanap ngayon at baka sa kalsada siya matutulog ngayong gabi. Kahit anong trabaho pa iyan. Kumislap ang mga mata niya nang makakita sa harap nang Plakada. Wanted diswasher/Serbidora Dali-dali siyang pumasok sa isang medyo hindi kalakihang kainan na pinangalanang Sally Eatery. "Ate? Hiring padin kayo? Baka pwedeng mag apply?". Tanong niya agad sa babaeng nagbabantay sa labas nang karenderya na may hawak na pamagpag nang langaw. Nakataas ang kilaw itong tumingin sa kanya pababa. "Sure ka na dishwasher ang aaplayan mo neng? Wala kaming etra service dito." sabi pa nito sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Hindi din lingid sa kanya na may itsura talaga siya. Maputi ang balat at walang gasgas. Maliit ang mukha at cute ang matangos na ilong. Thanks sa kanyang amang dayuhan na binuntis ang nanay niya at iniwan. Kaya akala siguro nito ay iba ang trabahong gusto niya. "Ay opo naghahanap po kasi ako nang trabaho kahit ano po kahit ilang plato ang huhugasan kayang kaya ko iyan." Lihim siyang nagdasal na sana matanggap na siya dito. "Asan biodata mo? "Ito po oh." sabay lahad niya sa papel na naglalaman nang pangalan niya. Binasa nito iyon at bumalik ang tingin sa kanya. "Oh siya sige pumasok kana don at maghugas.Mukhang hindi ka naman masamang tao. Maraming costumer ngayon, ayoko nang makupad ha! Bawal landiin ang mga customer. Magserbidora ka rin kung kinakailangan." Mahabang litanya nito sa kanya. Halos mapatalon siya sa labis na tuwa! May trabaho na sya ! Sa wakas. " Opo! Maraming salamat po. " "Ate Sally. Iyan ang tawag sa'kin dito. sabihin mo sa kasamahan mo diyan sa loob na ngayon ka magsisimula. May mga kwarto diyan sa likod doon kayo matutulog, masikip pero libre kaya pagtiisan mo na." "Sige po ate Sally. Walang pagsidlan ang tuwa niya dahil may trabaho na siya. Hindi na siya magugutom at may matutulugan pa siya. Naisip niyang tawagan ang pamilya niya sa probinya pagkatapos nang trabaho para hindi ang mga ito mag-alala. Ang kailangan lang niyang gawin ay maging masipag para hindi siya paalisin ni ate Sally. Pagod at masakit ang likod niya habang nakahiga sa kanyang katre. Alas otso na nang gabi at kakasara lang nang karenderya. Halos wala siyang pahinga kanina dahil deretcho na ang trabaho niya nang matanggap agad. Luminga siya sa baba at nakita nya ang kasamahang si ate Jelay na tulog na tulog at naghihilik pa. Tumitig nalang ang tingin niya sa bobong at nag isip nang ano-ano. Marami siyang naiisip tulad nalang nang paano siya makakaahon sa hirap at makakabalik sa pag aaral. Bente kwatro na siya at high school lang ang natapos, wala kasi silang pera at hindi kakayanin nang nanay at lola niya na pag aralin siya sa kolehiyo. Mananahi ang lola niya sa probinya at nagtitinda sa palengke ang nanay niya. Sa kanila din nakapisan ang mga anak nang tiyahin niya na parang biik lang dahil iniwan at hindi na binalikan ang mga anak. Tumutulong siya sa nanay niya sa palengke noon at sapat lang ang kinikita nila para sa pagkain araw araw at bills sa bahay. Kaya nga desidido siyang sumama sa kakilala niyang nag alok nang trabaho sa ibang bansa kuno. Iyon pala magiging mariposa siya nang mga parokyano sa isang strip club. Nagpasya siyang ipikit ang mata at baka kahit sa panaginip ay yumaman siya. Bakit? Walang masamang mangarap diba? Iginupo na sya nang antok at nakatulog agad. Kinabukasan ay maraming customer ang karenderya ni ate sally kaya sobrang busy nila. Hindi na sila magkamayaw sa pag kuha nang orders at pag serve. Okopado lahat nang mesa at medyo mainit sa loob dahil dalawang wall fan lang ang nakasabit sa dingding. "2 kanin, isang kaldereta at dalawang tortang talong. " inulit niya ang inorder nang customer sa harap niya. Nakakunot ang noo nito na parang hindi makapaniwala sa kanya. "Yes. and please make it quick, Im really starving miss." May diin din nitong sambit. Napatingin siya dito at napataas ang kilay. Umiinglesh pa tong isang to ha. Pero in feirnes hindi mukhang pilit. Hindi kita masyado ang mukha nang lalaki dahil may suot itong cap. Na natatabingan ang halos kalahati nang mukha nito.Tiningnan niya ang damit nito. Kupas na pantalon at T-shirt na hapit sa katawan. Naglabasan ang mga muscles nito sa braso dahil sa suot. Malapad din ang balikat at amoy niya ang pabango nito kahit pawis. Alam niyang matangkad ito dahil agaw pansin ito kanina nang pumasok sa karenderya nila. Kahit simple lang ang suot nito ay para parin itong modelo kanina. Ang lakas nang dating. Lahat nga nang kumakain ay napatingin dito. Sayang at hindi ito mayaman at baka ma target lock ito sa kanya dahil aakitin niya ito hehe charoot lang!. Bumalik siya sa kamalayan nang may pumitik na daliri sa harap niya. "Alam kong gwapo ako miss. Pero gutom na talaga ako kaya mamaya mo na ako pagpantasyahan. ". May kayabangang sambit nito sa kanya. Napataas na talaga ang kilay niya. Gwapo nga mayabang naman! Medyo nahiya siya konti! Pero hindi siya papayag na mapahiya. Binigyan niya ito nang pang Ms. Universe na ngiti at ito naman ang napatigil. Sige makuha ka sa ngiti ! "Sorry sir, 'yon lang po ba order niyo? Kukunin ko lang po ha." tumalikod na sya at umirap sa lalaki. Hindi pa rin talaga kumukupas ang killer smile niya. Lumingon siya bahagya at nakita niya itong umiling iling habang nakataas ang sulok nang labi. Hmp! Antipatikong tipaklong! At sumipol pa talaga ito habang naka tingin sa pang upo niya. Inirapan niya ang lalaki at sinamaan ng tingin. Ang bastos!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook