
---*SA MUNDO NG PANAGINIP NI INAY* Akala niya pagod lang siya. Pero sa tuwing natutulog si Inay — umaalis ang kaluluwa niya. Gabi-gabi, may karugtong ang panaginip niya. Hindi siya nananaginip lang. Nangongolekta siya. Hanggang sa isang gabi sa loob ng punong balete, may humarang sa kanya — isang higanteng ahas na kulay berde, kasing laki ng anaconda."Wag kang matakot. Ako si Luna, ang kakambal mong engkantong ahas. Sabay tayong isinilang. Mula 3 years old ka pa lang na nakaupo mag-isa sa bangko sa Samar, hanggang sa nakaupo ka sa gilid ng Jollibee sa QC yakap ang kambal mo — palagi mo akong katabi."Ito ang kwento ng isang nanay na akala buong buhay nag-iisa. Pero may kakambal pala siyang nagbabantay — hindi tao.Isang kwento ng pag-ibig ng ina, nag aastral travel, at ng pamilyang engkanto na naghihintay sa kanya sa Samar.*Mula sa may-akda ni :"CHONA GAJILA" Original na kwento ng isang nanay mula Quezon City. Isinulat para sa kambal ko. Bawat kabanata ay may dalang Baon ng pag-asa.© 2026 Original Story ni Inay. All Rights Reserved.Bawal kopyahin nang walang pahintulot.#Fantasy #FamilyDrama #Engkanto #NanayStory #FilipinoFantasy #SiLuna---

