bc

The Hired Mistress for Her Husband

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
forbidden
dominant
manipulative
self-improved
drama
comedy
bxg
realistic earth
affair
wild
like
intro-logo
Blurb

Achievements? Marami niyan si Samantha pagdating sa kanyang pag-aaral. Ngayon na matatapos na siya ng kolehiyo at kinakailangan niya ng malaking halaga ay lumapit siyang muli sa dating nagpapaaral sa kanya na si Mrs. Soledad Garcia. Pinaaaral siya nito noong nasa elementary siya hanggang highschool, isa siya masuwerteng nabigyan noon ng scholarship ng mall na pag-aari nito. Alam niyang sa daan-daang estudyanteng pinag-aral nito'y hindi na siya nito maaalala pero kailangan niyang maglakas loob. Pinaunlakan nito ang pakikipagkita sa kanya, at sa kung anong dahilan ay gusto nito ng pribadong usapan. Sa kanilang pag-uusap ay marami itong tanong na personal at hindi tungkol sa kanyang pag-aaral. Sa ikalawang pagkikita nila'y may iniaalok ito sa kanyang napakahirap tanggihan, aminado si Samantha na gustong-gusto niyang yumaman nang mabilisan, nasilaw siya sa pera, at mga pangako nito pero ang kapalit ay maging mistress siya ng asawa nito na siyang company C.E.O. ng isang Steel Fabrication na si Mr. Damian Garcia, hindi na masama, sa edad nitong almost fourty ay sobrang guwapo pa rin nito at ganda ng katawan, mahilig rin siya sa mga babasahin sa pocketbook, at isa ito sa katuparan ng mga hitsurang kanyang pinapangarap kahit pa nga twenty years ang pagitan ng edad nila. Pero ano nga bang rason ni Mrs. Garcia para gawin iyong lahat?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Maraming nagsasabi sa 'kin na may hitsura't katawan ako na kababaliwan ng kalalakihan at marahil totoo 'yon. Maraming nanligaw sa 'kin simula highschool, may ilang umangat at muntikan ko ng sagutin pero napanatili ko pa rin ang pangako sa sarili ko na hindi pa tamang panahon. Habang nadaragdagan ang edad ko, maraming materyal na bagay ang sumisilaw sa 'kin kaya gusto kong magsumikap para hindi ko na kailangan malungkot at mainggit na wala ako ng mga bagay na 'yon. Kaya naman para mas maabot ko ang mga pangarap ko ay nagsusumikap akong mag-aral. Nakakuha ako ng scholarship sa isang kilalang University, half, kinakaya naman ng magulang ko at ng online selling business ko ang pagbabayad ng kalahati, iyon lamang biglaang nangyari ang pagka-hospital ni lolo dahilan para ang ipon namin at ang puhunan ko ay mabawasan. Ngayon, malapit na ang graduation ko, natutuwa ang karamihan pero ako ay hindi ko malaman saan ako hahanap ng malaking pera. "Malaki na ang balance mo, ga-graduate ka pero wala ang diploma mo sa loob. Graduation fee lang ang kailangan mo munang bayaran at ang diploma mo ay ibibigay kapag nakabayad ka na ng remaining balance mo." Hawak ko sa 'king kamay ang graduation fee na five thousand, kung kani-kanino ko pa ito hiniram. "Magkano po ang balance ko, ma'am?" Tanong ko sa cashier. Tiningnan niya 'yon sa computer. "Fifty-six thousand, hindi halos gumalaw ang payment mo this year. Iyong ibang year mo like first to send ay may naiiwanan ka palaging five to ten thousand." Nanlalamig ang pakiramdam ko. Paano ako makakapagtrabaho ayon sa natapos ko kung hindi ko makukuha ang diploma ko? Kung ga-graduate ako pero walang laman ang iaabot nila sa 'kin, para saan pa at gugustuhin kong umakyat sa stage? Marami nga 'kong awards, ganoon din ang utang. Tumabi ako pansamantala dahil may ibang nakapila. Naupo ako sa mahabang upuan sa tabi ng cashier. Tiningnan ko ang hawak kong five thousand pesos, para mabuo ito ay anim na tao pa ang hiniraman ko at inabot pa 'ko ng dalawang araw para mabuo ito. Ang online business ko ay natengga dahil sa gamot ni lolo at takot na rin na baka bigla niya ulit kailanganin isugod sa hospital. "Totoo ba? May branch na ang clothing line na SYJ sa VZ Mall?" tanong ng babaeng dumaan sa 'king harapan kasama ang classmate niya siguro. "Oo, excited nga 'ko! Sila 'yong papalit sa part ng dating cellphone store," sagot ng isa pa. Napatayo ako bigla. Wala akong pakialam sa SYJ na clothing line dahil hindi ko naman gusto ang fashion ng mga ito na nauuso. Pero parang isang pahiwatig iyon ng Diyos sa 'kin, dahil ang VZ Mall ang nagpaaral sa 'kin sa magandang private school mula elementary hanggang highschool, ang foundation ng mall ang tumulong sa 'kin. Maaaring makahingi ako ng tulong sa kanila, baka iyong pagiging magna c*m laude ko ay maging instrumento para tulungan nila 'kong muli! "Samantha!" Hindi ko na muna pinansin ang tawag sa 'kin ng suitor ko na si Lucas dahil matatagalan na naman ako dahil matagal siyang makipag-usap at nahihirapan akong takasan siya dahil parang hindi siya nauubusan ng sasabihin. Kailangan kong kapalan ang mukha ko. Okay lang naman sa 'kin na gumraduate na walang diploma, pero kailangan ko iyong makuha kaagad dahil paano ako makakapagtrabaho kung hindi ko 'yon makukuha. Kailangan kong kapalan ang mukha ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook