EPISODE 1

3590 Words
Zia POV “Nay!” Napasigaw ako sa gulat nang biglang sumakit ang aking puson at parang naihi ako bigla. “Ano’ng nangyari anak?” Mabilis na tumakbo si Nanay Tin. “May dugo po ang aking panty, ‘Nay.” Halos napaiyak ang aking ina. “Dalaga na ang anak ko, dali at magpalit ka, huwag ka nang magso-short, ha?” Kinabahan ako, dalaga na pala ako ibig sabihin ba nito ay puwede na akong magkaroon ng boyfriend?  Hay, Zia, ano ka ba 18 ka pa lang. Parang timang kong kinakausap ang aking sarili. Solong  anak ako nina Nanay Tin at Tatay Greg. Usap-usapan din sa aming lugar na hindi ako tunay na anak ni Tatay Greg. At nabuntis lang daw ang nanay ko ng isang mayaman na guest dito sa resort. Hindi na big deal ang mga ganoong usapin sa akin. Dahil pati sa eskuwelahan ay ganoon din. Marahil naiiba ang itsura ko sa kanila. Medyo may pagka-dark blonde ang kulay ng aking buhok, matangos ang ilong. Minsan napaisip ako kung  totoo  ang mga usap-usap lalo na at  hindi kami masyadong magkasundo ni Tatay Greg. Hindi rin kami magkamukha kayumanggi ang kulay ng balat ni Tatay Greg at hindi katangkaran halos matangkad pa ako sa kaniya. Busy siya sa trabaho bihira kaming magkita sa loob ng isang linggo araw-araw rin kasi ang trabaho ni tatay, siya ang sumusundo sa mga ibang guest na galing sa kabilang isla. Ang Nanay TIn ko naman ay isang kusinera sa hotel dito sa resort. Maganda si Nanay Tin maputi at makinis parehas kami ng kutis. Nagtatrabaho ako bilang isang room attendant sa hotel, nag-iippn ako ng pantustos para sa kolehiyo, balak ko rin kasing sa Maynila mag-aral.   “Hay, thank you, Lord,” pasasalamat kong dasal, sa Diyos. Napakasaya ng araw na ito ngayon sa aking buhay, sa wakas graduate na ako ng high school, ilang buwan na lang ay mag-aaral  na ako sa kolehiyo. Balak kong mag-doktor, ewan ko ba pero gustong-gusto kong maging doktor. Halos minsan hindi ako nakatulog kai-imagine na maging isang doktor at makapagtrabaho sa ospital.   “Zia, tara na ano pa ang hinihintay mo riyan!” pasigaw na bungad ng kaibigan kong si Joan. “Ay, oo nga pala teka lang, susunod na ako,” sagot ko kay Joan.   Nawala sa isip ko na may mga guest na pala na dumating at halos nasa 40 katao ang nag-book sa amin ngayon kaya hindi ako halos magkandaugaga sa pag-assist sam ga guest.   “Good day! Ma’am/Sir,welcome!” sabay-sabay na bati namin, sa bagong dating na mga guest.   Bumalik ako sa restaurant kung saan kusinera ang aking Nanay Tin. Ako naman ay patulong-tulong kumbaga all around ako rito sa resort.   “Nay, ako na po mag-aayos ng mga lamesa at upuan dito magpahinga ka naman, mamaya magkasakit ka na naman,” mungkahi  ko sa aking Nanay Tin.   “Zia, anak, ikaw ang magpahinga hindi ba katatapos mo lang doon sa reception?” turan ni Nanay Tin.   “Nay, tatapusin ko lang po ito at hihintayin ko si tatay, marami siguro ang sinundo ng tatay roon, kaya ang tagal niya,” sagot ko kay Nanay Tin.  Walang nagawa si nanay, pgkatapos kong naghugas, lumabas ako para hintayin si tatay na dumating. Medyo nahiya ako dahil bigla akong nakarinig na naghaharutan sa pool at halos walang humpay ang kasiyahan nila. Napalingon ako ng may tumawag sa akin, “Miss, ano’ng pangalan mo? May kasama ka?”  Isang baritonong boses ang aking narinig. Nilingon ko ito nakatitig at para bang tinutunaw ako sa tingin.   “Hi Sir,  I’m Zia may kailangan po kayo?” mabilis kong sagot.   “Hi Zia, I’m Mark Cortez,” pagpapakilala ng lalaki sa akin.   Actually may itsura naman siya. Malaki ang katawan at chinito matangkad halos maglaway ang ibang mga babae sa resort kakatitig sa kaniya.   ”Ay Sir Mark, may kailangan po ba kayo?” tanong ko ulit dito.   “Bakit may ‘sir’ pa, Mark na lang,” aniya.   “Naku,  Sir Mark, Hindi po puwede dahil baka mawalan ako ng trabaho kung hindi po ako gagalang sa inyo,” paliwanag  ko sa lalaki.   ”What? Are you one of the staff here?” gulat niyang pagkumpirma.   “Staff? Opo, rito po ako nagtatrabaho,”  sagot ko kay Sir Mark.   “But you look like one of the guest here,” dagdag na komento ni Sir Mark.   “Naku, sir, hindi po, may kailangan po ba kayo kasi kung wala po ay aalis na ako,” magalang na sabi ko sa bisita.   “Never mind nice to meet Zia,” sagot niya sa akin, na may ngiting parang inaakit ako.   Sa nangyari na pagtatanong sa akin ni Sir Mark ay halos nahiya akong dumaan sa maraming tao. Maraming guest doon  at halatang mayayaman ang gaganda at ang guwapo ng mga naliligo at silang lahat ay naka- swimsuit. Hindi ko alam pero para silang nagpapaligsahan ng katawan.   Natanaw ko ang isang lalaki na nakaupo at mukhang malayo ang tingin. Para bang hinihila ako papunta sa kaniya.   “Zia, ano ba? Tatayo ka lang ba diyan?  Nandito na ang ibang mga guest samahan mo na sila sa reception!” sigaw ng isa sa kasama ko sa trabaho.     Bakit iba ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Para bang hinahatak ako papalapit sa kaniya. Habang nakaupo ako sa labas sa ilalim ng puno hindi naalis sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina. Love ba ito? Crush? Puppy love? Gusto ko siya ulit makita o kahit man lang pangalan niya ay gusto kong malaman. Lumalim na ang gabi at halos napagod din ako sa rami ng ginawa ko, linis dito, serve ng pagkain sa kabila, napabuntong-hininga  ako dahil sa pagod, napaupo ako at napasandal nandito ako garden napakahangin dito at talagang nakagagaan ng pakiramdam.   “Finally, I found you.”  Isang boses na kakaiba sa aking pandinig boses na nagbigay ng kakaibang sensasyon sa  katawan ko.   “Jusko! Santisima!”napasigaw ako ng may biglang nagsalita sa aking likuran.   Isang boses na bumighani sa akin. Napalingon ako at halos hindi nakapagsalita. Shit! Ang guwapo.  Inaamin kong iba talaga ang dating ng lalaking ito sa akin. Ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan halos hindi ako nakapagsalita, ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko, at ang hirap ipaliwanag o pangalanan. Hindi ko nakalimutan ang kanyang amoy ang bango niya sobra. Kakaiba sa mga guest naming narito o baka anak siya ng may ari? Hindi kaya? Halos nabaliw ako sa kaiisip. Lord, siya iyong kanina eh, jusko! Ang guwapo niya.  Tinitigan koi to, ang ganda ng kulay ng kanyang mata kulay blue at ang kulay ng kanyang buhok light brown din ang tangos ng kanyang ilong at ang pula ng kanyang mga labi. “Huh? Sir, may kailangan po kayo?” natataranta kong tanong bigla.   “Ikaw iyong babae kanina na naupo sa may ilalim ng puno hindi ba?” tanong niya.   “Ah… Ganoon po ba,” nahihiyang turan ko.    Kinakabahan ako, lalo na sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Ano ba ito? Hindi ko maigalaw ang katawan ko at mas lalo naman hindi ako makatingin sa kaniya.   “Hi, my name is Dave Khaulfman,”pagpapakila niya. Ang haba ng buhok mo Zia.   “Hi, Sir Dave, I’m zia.”Agad kong inabot ang kaniyang kamay, napakalambot at halatang hindi sanay sa hirap. Zia, huwag kang mangarap, hindi ka magugustuhan ng isang katulad niya.   “Wow! What a beautiful name,” puri ng lalaki sa malambing at nakakait niyang boses. Bakit ganito hindi ako makagalaw, kinakabahan ako, ung puso ko.   “Naku, sir hindi naman, bolero po pala kayo,” pakipot kong sagot. Tinititigan niya ako kanina pa may rumi ba ako sa mukha naalala ko, kumain pala ako kanina ng popcorn. Mabilis na pinagpag ko ang aking  mukha  at damit. Napatingin ako suot kong relo, alas-otso na ng gabi.   “Sir, Maiwan na kita ha? Enjoy po,”paalam ko.   “When will I see you again?” sigaw niyang tanong. Hindi ko naiintindihan iyong pakiramdam ko, na masaya ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling. Iyong tiyan ko para bang may mga paru-paro. Ano’ng sabi niya? When will I see you again? Ako? Jusko! Ano ba ito Lord gusto ko siyang balikan doon. Para  humingi ng paumanhin dahil iniwan ko siya roon nang biglaan. Hindi ko na siya nilingon at agad na akong nagmadali, lagot na naman ako kay Tatay Greg nito, sermon na naman ang aabutin ko nito mamaya. Mabilis akong naglakad para makauwi ng bahay. Halos magkanda-dapa ako sa pagmamadali dala na rin ng kaba. Mabilis na nakarating ako sa aming bahay agad akong dumiretso sa aking kuwarto.   “Zia! Ikaw ba iyan? Nakauwi ka na ba?” seryosong tanong ni Tatay Greg.   “Opo, ‘Tay kararating ko lang po, nagpahinga lang po ako saglit sa may garden at hindo kasi namalayan ang oras,” palaiwanag ko kay Tatay Greg.   “Sa susunod kaysa kung saan-saan ka pumunta ay tumulong ka sa ibang gawain!” galit na sigaw ni Tatay Greg. “Greg, ano ba? Huwag mo naman sigawan ang anak ko, babae ‘yan at hindi lalaki,” biglang singit ni Nanay Tin, na halatang galit ang boses.   “Pasensya na po kayo Nanay Tin, Tatay Greg, hindi na po mauulit,” maluha-luha kong sabi.   “Hindi na talaga mauulit iyon dahil mas maigi pa na roon ka sa kabilang isla  muna tumira. Sa mga tiyahin mo!” bulyaw  ni Tatay Greg.   Napatulala ako at sobrang sakit na para bang ipinagtatabuyan ako, napaiyak na lamang ako dahil sa sakit at sama ng loob, nakatulugan ko ang pag-iyak. Naalimpungatan ako nang naririnig ko ang tilaok ng manok alas-kuwatro na pala ng umaga. Agad akong tumayo para mag-igib ng tubig at maligo, napatigil ako nang  naririnig kong nagtatalo sina Nanay Tin at Tatay Greg.   “Alam mo naman Tin na matagal na akong nagtitiis dahil mahal kita pero hindi ko kayang makita at makasama ang anak mo sa lalaking iyon.” Nagpipigil na boses ni Tatay Greg. Isang malakas na hampas ang narinig ko kung kaya napasilip ako sa kanila at nakita ko ang Nanay Tin ko na halos mangiyak-ngiyak dahil sa pagsampal niya sa mukha ni Tatay Greg.   “Ano? Greg? Hanggang ngayon ba? Walang alam si Zia tungkol sa kanyang ama, hindi ko akalain na sasabihin mo ‘yan. Tama ang aking mga magulang na sana hindi na lang ako nakisama sa iyo. Dahil kahit pa noong bago tayo magsama ay alam mong buntis na ako at hinihintay ko siyang bumalik. Pero mas pinili kong  kalimutan siya dahil gusto kong pagbigyan ang pagmamahal mo sa akin, nagkamali pala ako.” Umiiyak na boses ng aking Nanay Tin.   “Tin, tinanggap kita, kahit may iba kang gusto umaasa ako na mamahalin mo rin ako at mabibigyan ng sariling anak dahil mahal na mahal kita. Akala ko noong ako ang pinili mo ay magiging okay na ang lahat at matatanggap ko siya bilang sarili kong anak, hindi pala,” paliwanag ni Tatay Greg.   Nagulat silang dalawa nang bigla akong lumabas na para bang wala kong narinig at hindi ko sila nakita. Mabilis akong naglakad palabas at doon humagulhol sa sakit, totoo pala ang sabi-sabi na hindi ako anak ni Tatay Greg.  Tama sila,  nabuhay ako sa kasinungalingan, ang sakit sa dibdib. Habang naliligo ako, siya ring pagbuhos ng luha ko, gusto kong umalis pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. May kaunting ipon ako pero hindi sapat iyon para mabuhay ako sa Maynila wala pa naman ako kakilala roon.     Alas-otso na ng umaga. Nagsimula akong nag-akyat ng mga pagkain sa mga guest. Umagang-umaga hindi maipinta ang mukha ko, dahil sa mga nangyari. Ganoon pa man. Hindi ko maiwasang mag-isip na gusto ko na lang magpakalayo-layo.   “Hoy! Zia, ano pang hinihintay mo? Iakyat mo na ‘yan sa 3rd floor, room 302-305-307 ‘yan ang mga order nila at agad kang bumalik dito,” masungit na utos sa akin ni Chef Jen. Hindi na ako nagsalita at agad kong dinala at hinatid ito sa taas. Habang ako ay paakyat biglang bumukas ang elevator at nanlaki ang aking mata ng pumasok  si Dave. Ang bango at parang  aadik ako sa amoy niya at pakiramdaman ko nawawala na naman ako  sa sarili. Ang mga titig niya sa akin na para bang inaangkin niya ako.   “Hi, Zia. I’m waiting for you kagabi kasu hindi ka na bumalik,” nakangiti turan ni Dave sa akin. Heto na naman ako hindi na naman ako makagalaw ano ba itong nararamdaman ko?   “Ah, pasensya na po kayo kasi umuwi na ako, napagod din kasi ako sa trabaho rito kahapon, sige po  Sir Dave maghahatid pa ako ng mga pagkain ng guest,” sagot ko kay Dave.   “I can’t believe that you are one of the staff here,” saad ni Dave.   Hindi maalis ang tingin ko sa kanya na para bang maski ako nagugulat sa  nagiging reaksyon ko. Napakaguwapong lalaki. Hanggang pangarap na lang siguro na mahawakan ko ang mukha niya.   “Nagtatrabaho po ako rito, all around ako rito sa hotel,”sagot ko sa kay Dave. Halos pare-pareho lang sila ng mga sinasabi, kaya parang hindi na bago sa akin ang naging reaksyon nila, tuwing sasabihin kong nagtatrabaho ako rito sa hotel. “Sa ganda mong ‘yan hindi dapat pinagtatrabaho ang mga makikinis mong kamay,” tugon ni Dave. Nagulat ako kaya napahinto ako ng lakad. Never in my life na may nagsabi sa sa akin ng ganoon para bang binabalot ng kaba ang dibdib ko at halos gusto kong sumigaw at tumili sa kilig. Nang nai-deliverko na ang mga pagkain sa guest 302, 305 ay sa 307 naman nakasunod pa rin si Dave sa akin. Tumigil ako sa tapat ng room 307 at nag- door bell, nagulat ako nang binuksan ni Dave ang naturang kuwarto. “What are you looking at pasok ka,” aniya.  Pagkatapos kong naibaba ang mga  pagkain, nagmamadali akong lumabas, at nabigla ako nang hinawakan ni Dave ang aking kamay. “Sir, bakit po?” natatarantang tanong ko, na kinakabahan. “So, Zia, can you show me all the beautiful places in this resort,” pakiusap ni Dave. Nakahinga naman ako nang maluwag. “Sure, sir. Tapusin ko lang po itong ginagawa ko mga before lunch po tapos na ako,” imporma ko sa kaniya. Binitiwan niya ang kamay ko, sabay inilapit niya ang sarili sa  sa mukha ko, seryoso ang tingin niya na para bang akit na akit siya sa akin halos hindi ako nakagalaw. “You’re beautiful, where have you been all this time?” Namumula na yata ako sa mga salitang binitiwan niya at halos hindi na akonakapagsalita. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at agad lumabas. Nagulat ako nang may nakasalubong akong isang lalaki sa labas at basang-basa pa ang katawan, umiwas na ako ng tingin at narinig kong nagsalita ito. “Bro, nandiyan na ba iyong breakfast? I already ordered kanina bago akonag-swimming. Nagmadali na akong bumaba dahil sa kaba na nararamdaman ko. Nagulat ako sa mga nangyari first time kasi sa akin lahat ng ito ang nag-approach sa akin ng ganito at guest pa namin sa resort. Nang natapos ang gawain ko sa paghatid ng pagkain ay agad akong pumunta sa locker at nagpalit ng damit. Nag-shower na rin ako at nag-ayos, medyo kabado ako kasi si Sir Dave ang nagpapasama sa akin libutin itong resort. Ang gwapo ni Sir Dave  talaga, iyong tipo niya kasi para bang si Captain America. Infairness. Kinilig  ko habang nag-aayos. Ito na lang siguro ang damit na isusuot ko palda na abot hanggang paa at long sleeve. Lumabas ako ng hotel at nakita ko si Sir Dave, naka-short at nakasando na gray. Ang braso niya para bang may pandesal ito at ang ganda pagmasdan ng katawan, nang nakita niya ako, ito na naman ang titig niya hindi na naman ako makagalaw. “Are you ready?” tanong ni Sir Dave. “Yes, sir, follow me please,” magalang na sabi ko kay Sir Dave. “So tell me something about you, Zia, if you don’t mind,” panimula ni Sir Dave. “Ah, ako po?” paninigurado ko. “Yes, please how old are you? Are you still studying?” excited na tanong ni Sir Dave. “Ah, eh, 18 po, Sir Dave. Kaga-graduate ko lang po ng high school at magkokolehiyo narin po sa, Maynila,” pgkukuwento ko. “Woah? What? 18? Hindi ko akalain na 18 ka lang,” manghang komento ni Sir Dave. “Haha! Naku, sir, hindi na po bago sa akin kung magtaka po kayo. Hanggang kalian po kayo rito?” tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin at iniwasan ang tanong ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. “Sir Dave this is the Fountain of Love they said this fountain is sacred,” pagbibigay alam ko. “Okay, so, tell me something about this Fountain of Love,” turan ni Sir Dave. “Ang kwento po sa akin ng Nanay Tin ko ito raw po ay sagrado. Dahil kapag humiling po ang magkasintahan o mag-asawa na nagmamahalan sa fountain na ito ay nagkakatotoo. “Really? So have you wish here before?” tanong ni Sir Dave. “No, sir hindi pa po kasi hindi pa naman po ako na-in love at wala pa, ho akong nagiging nobyo,” sagot ko sa kaniya. “That’s good to hear na wala ka pang nagiging boyfriend,” bulong ni Dave. “Ah, ano po iyon,sir?” tanong ko rito. Naglakad ako para sundan niya ako kung saan dadalhin ko naman siya sa paradise of Love. “Sir Dave here they called it, Paradise of love,” ani ko. Alam ko naman na nakarating na siya rito kagabi. Dito nga kami unang nagkakilala. “Paradise of love? Hmm… para sa mga magnobyo pala ang lugar na ito,” komento ni Dave. “Opo, Sir Dave ganoon na nga po kaya halos lahat din po ng mga guest namin ay rito ang honeymoon place,” imporma ko kay Sir Dave. “Dapat pala maging masaya ako kasi ikaw ang nakasama ko sa lugar na ito,” aniya. “Sir, malay ninyo po rito mo makita ang babaeng papakasalan ninyo. Sabi po kasi nila kung hindi pa dumarating ang taong para sa iyo isulat mo sa papel at isabit mo sa puno na iyan magkakatotoo ang hiling mo kung ito ay makuha ng taong inilaan para sa iyo,” paliwanag ko kay Sir Dave. Napatitig na naman siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin. “Sir Dave mauuna na po dahil may trabaho pa po ako sa restaurant, sana po ay nag-enjoy kayo thank you, sir,” paalam ko sa kanya at akmang aalis na ako. “Zia, thank you, kailan kita ulit makikita?” pahabol na tanong ni Sir Dave. “Welcome sir, have a nice day,” sagot ko at ngmadaling umalis. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang  reaksyon ng mukha niya habang pinapakita ko sa kanya ang mga lugar dito sa resort.  Hindi ba siya naniniwala sa love? Ewan ko sa itsura niya kasi mukha naman siyang may nobya at marami din naman siguro siyang nagugustuhan nakalimutan kong itanong ang kanya edad marahil nasa 20+ na siguro siya ewan ko pero mukha siyang bata. Nang nakarating ako sa restaurant ay agad akong nagpalit ng damit. Nakita ko si Nanay Tin at bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan halos madurog ang puso ko nang  nakikita siyang ganoon. Namumugto ang kanyang mata at halos galing lang sa iyak agad niya akong nilapitan at niyakap. “Anak patawarin mo ako, ha?Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa mga maling desisyon ko kung bakit ka nahihirapan,” hinging-paumanhin ni Nanay Tin sa akin. “Nay ano’ng sinasabi mo? Hindi ko maintindihan, kung dahil ito kagabi, ‘Nay, sorry po,” pahayag ko. Umiling siya sa akin at lumabas kami, nag-usap  dahil wala pa naman tao sa restaurant. “Anak hindi ko na kayang tustusan ang iyong pag-aaral dahil ayaw rin ng Tatay Greg mo, may edad na rin kami anak sana ay maintindihan mo,” sabi ni Nanay.. “Nay ako na po bahala sa pag-aaral ko bago po magpasukan ay luluwas ako ng Maynila mag-aaral po ako,” umiiyak kong sabi sa kanya. “Anak hindi ganoon kadali ang buhay sa Maynila, hindi mo kakayanin mag-isa nagdesisyon na  kami ng Tatay Greg mo na roon ka muna sa mga tiyahin mo sa kabilang isla,” pinal na sabi ni Nanay Tin. “Nay naman hindi ko naman po kayo hinihingan para makapag-aral ako ano pong sinasabi ninyo? Pabigat na ba ako sa inyo ni tatay? Ano po bang nagawa ko?” tanong ko kay Nanay.  “Zia anak makinig ka sa tamang panahon sasabihin ko rin sa iyo marahil hindi pa ito ang tamang pagkakataon.” Niyakap ako ng  Nanay Tin, ko at pumatak ang kanyang mga luha. “Nay alam ko na po narinig ko kayo ni Tatay Greg, kaninang umaga, hindi ko siya tunay na ama,”  nauutal kong sabi sa kanya. Nanlaki ang mata ng aking Nanay Tin at humagulgol siya sa akin. “Zia, anak patawarin mo ako.” May binigay siya sa akin na papel doon,nakalagay ang pangalan ng aking ama, si John Smith.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD