Chapter 07

952 Words
-Sofia- “Can I ask you a question?” tanong ko sa kanya pagbaba namin ng kotse niya sa parking lot. “Yeah, sure.” bumalik na naman siya sa matipid na pagsagot. “You said that you’re moving on? Is it a girl or a guy?” sabay kaming naglalakad papunta sa entrance, pero bigla itong napahinto. “What do you mean?” kunot ang noong tanong niya. “Yung ex mo. Babae ba o lalaki?” Ayaw pa ng english. Gusto pa talaga ulitin ko sa tagalog. At bumalik na naman po siya sa pagiging masungit. Bigla ba naman nagwalk-out at iniwan ako. “Hey, wait!” binilisan ko ang paglalakad at hinabol ko siya. Ano na naman ba ang nasabi kong mali? “Hey, I was asking you. Kung ayaw mong sagutin, eh di huwag! Bakit ba basta ka na lang nang-iiwan?” “I’m a straight guy!” That was all he said before walking away from me once again. Nakahinga naman ako ng maluwag. So, lalaki pala talaga. May pag-asa! Kumuha na ito ng cart, at saka nagsimulang magtingin-tingin ng mga groceries. Habang tumitingin siya sa mga fruits and veggies section ay naglagay ako ng three cartons of fresh milk sa cart. Napatingin siya sa mga inilagay ko. “Ang laki-laki mo na naggagatas ka pa?” Hindi ko siya pinansin. Pati nga senior citizen naggagatas pa. Baliw ba ‘tong lalaking ‘to? Ang sumunod kong kinuha ay two boxes of cereals. Napailing ito, at saka naglagay ng iba’t ibang klase ng gulay at prutas sa cart. “Sa dry market dapat ako bibili ng mga ito para fresh and mas mura, pero wala na akong time. Sigurado namang wala kang alam sa pamimili sa palengke.” Ngumiti lang ako sa kanya. Mabuti alam niya. Nag-ikot-ikot pa kami, at halos mapuno na namin ang shopping cart after ng ilang minuto lang. I couldn’t help but wonder how much all of this would cost. Makikihati na lang ako sa bayad para wala siyang masabi. I can't believe that this man was a goddamn devil when it comes to shopping. He was thoroughly enjoying this, whereas I was considering kicking his sexy ass. Pagod na ako, pero hindi pa siya tapos mamili. “Are you tired?” nakataas ang kilay na tanong niya. Tumango ako habang laylay ang mga balikat. Pwede bang magpabuhat sa kanya? “My brother used to carry me on his back whenever I am too tired to walk.” itinaas ko ang mga kamay ko pero tinampal niya lang ang mga ito. Napasimangot naman ako. Sungit! Papabuhat lang eh! “Sorry, but I’m not your brother.” he said, pushing the shopping cart towards the cashier. Hay, finally! Magbabayad na rin. Jusko ang dami ba namang pinamili! Daig pa ang babae! “Hati na lang tayo sa bayad.” nag-abot ako ng five thousand pesos sa kanya. “No, keep it.” sabi niya at saka naglabas ng card. Okay, sabi mo eh! Akala niya siguro wala akong pera. After he paid, we headed back to his car. “Pwede na ba akong mag-drive?” I asked again as I watched him carefully placing our groceries in the trunk. Buti pa sa mga groceries, maingat siya. Eh yung luggage ko, basta basta na lang ibinalibag. “No.” he answered shortly, and I rolled my eyes at him. Nagpapadyak na sumakay ako sa kotse niya, at nagtulug-tulugan na lang. I felt him hop in and get behind the wheel before he drove off. “What’s your last name, Sofia?” hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng tuluyan, pero mga ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagtanong si Josh. Hininaan pa nito ang music para marinig ko siya. “I’m sleepy, Josh.” nabubulol na sabi ko habang nakalaylay ang ulo ko. “And hungry too. Gusto ko nang kumain.” “Let’s just hit the drive-thru.” “Okay. Ano nga ulit ‘yung tanong mo?” napainat ako sabay hikab. Grabe ang antok ko. Pero kakain kami kaya kailangan kong gumising. Ayokong matulog nang gutom. “I was asking you kung anong last name mo.” pag-uulit niya sa tanong niya kanina. "Bingi-bingi naman." “Oh, my last name? Avery.” sabi ko at muntik na akong mapasubsob nang bigla itong pumreno. “Oh my God! Marunong ka ba talagang mag-drive? You’re going to kill us both!” tinampal ko siya sa braso. “Sinabi ko nang ako na ang magdadrive eh.” Mabuti na lang at walang sasakyan sa likod, kung hindi ay baka nabangga kami. Ang careless, nakakainis! “What did you say?” tanong ulit nito na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin. “Ang sabi ko, ako na ang magdadrive!” hinawakan ko ulit siya sa braso at bahagyang pinisil ang muscle nya. Sh!t! Ang tigas! “Not that. Pakiulit kung anong last name mo.” sabi niya sabay tampal ng kamay ko. Akala ko hindi niya nahalata. “Avery nga. Bakit ba? Kilala mo kami dahil sa company namin na number one sa bansa?” sabi ko habang pinapaikot ko ang aking mga mata. Ganyan naman sila. Kilala lang kami dahil sa sikat na apilyedo namin. “So, your brother’s name is…” “Vaughn! Vaughn Avery!” nagkakamot ng ulong sagot ko. “Ang dami mo namang tanong. Magdrive ka na nga ulit, gutom na ako.” “Yes of course, my princess.” sabi nito, at napatingin ako sa kanya. Aba, bumait ang loko! Nalaman niya lang ang last name ko, nag-iba na ang tono ng pananalita. Eh kung siya naman kaya ang pasunurin ko sa mga gusto ko ngayon, ha?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD