-Sofia- “Who are you?” nakahalukipkip na tanong ni Mr. Torres kay Josh, pagkuway tumingin siya sa akin. “Is he your boyfriend?” “No–” “Eh ano naman sa’yo kung ako ang boyfriend niya?” matalim pa rin ang tingin ni Josh kay Mr. Torres, at nanlalaki ang mga matang tinitigan ko siya habang tumatalon sa tuwa ang puso ko. Wait, boyfriend ko na ba siya? “Bitiwan mo siya.” nakalimutan kong hawak pa rin pala ni Mr. Torres ang kamay ko. Sa galit na nakikita ko sa mga mata ni Josh, agad na iwinaksi ko ang kamay ng guro. “Don’t talk to me like that, boy! Baka nakakalimutan mo, isa akong professor sa school na ‘to.” kuyom ang mga palad na sambit nito kay Josh. “Estudyante ka lang!” Sa pagkagulat ko, bigla na lang dinamba ni Josh si Mr. Torres, at sa isang iglap ay hawak na nito ang kuwelyo ng n

