-Sofia- Pumasok na kami sa loob ng gate at sa pagtataka ko ay binuksan ni Josh ang pinto ng kotse niya na nakaparada sa garahe, imbes na ang pinto ng bahay. “Get in.” he told me, and I shot him a questioning look. “Dito tayo mag-uusap.” “Okay.” I shrugged my shoulders as I got inside his car. Umupo ako sa passenger seat, at siya naman ay umikot sa driver seat at umupo dito. May pinindot siya para bumaba ang bubong ng sasakyan. And then he played a soft music in the car stereo. “Sofia…” he pulled me in a tight embrace again. “I’m sorry. Alam kong natakot ka kanina. Hindi na ito mauulit, I promise.” Napangiti na naman ako. Ilang beses na siyang nagsorry sa akin, na dapat ako ang gumagawa dahil ako naman talaga ang may kasalanan. “I’m sorry, Josh. I just did that to make you feel jealou

