-Sofia- “Who’s that girl?” tanong ko kay Kimberly habang papalapit si Josh at ang babaeng kasama nito sa amin. “Oh, she’s Clara. Sa pagkakaalam ko, magkababata silang dalawa, tapos nagkita ulit dito sa Cebu nung lumipat si Josh. Pero si Josh, noong high school lang namin siya naging kaibigan. Dito siya nag-fourth year high school tapos lumipat na ulit ng Manila.” bulong niya sa akin. “Wait, you only asked about Clara. Don’t tell me kilala mo na si Josh?” Napakagat-labi ako. Ano bang isasagot ko sa kanya? "Si Clara, matagal nang may gusto 'yan kay Josh, at dahil malaki ang utang na loob ni Josh sa kanya, hindi niya ito maiwan. I mean, lahat ng gusto ni Clara sinusunod niya. Ewan ko ba kung bakit bumalik pa si Josh dito sa Cebu. Alam naman niya na ganyan ang ugali ni Clara dati pa." big

