-Sofia- “Anong lahat ng lalaki? Pinagsasabi mo diyan!” galit na sinuntok ko siya sa dibdib, pero hindi naman ito kalakasan, kaya hindi halos siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Tumayo ako at hinamon ko siya ng titigan. Mukhang nagseselos siya kay Miguel. Hmm… nagseselos nga ba talaga? Tignan natin. “Wala kang pakialam kung sinong gusto kong kausapin. Di ba tenant mo lang ako? Makaasta ka diyan, akala mo syota kita!” galit-galitang bulyaw ko dito. “Sofia, please! Don’t fvck up with me! Concern lang ako sa’yo! Huwag na huwag kang makikipag-usap kahit kanino lalo na sa lalaking ‘yon because he’s a fvcking player!” sigaw niya, and this time, he closed up the space between us. Nakadikit na ang katawan niya sa katawan ko at pinanlalambutan na ako ng mga tuhod. Tumitig ako sa gwapo niyang

