-Sofia-
Nagpapahid pa lamang ako ng lotion sa katawan ko nang marinig ko ang sunod-sunod at malalakas na pagkatok sa pinto ng kuwarto ko.
“What do you want?” tanong ko sa lalaking guwapong manyak. Siya lang naman ang kasama ko dito sa bahay kaya alam kong siya lang ang kakatok sa pinto ko.
Hindi ito sumagot at patuloy pa rin ito sa pagkatok ng malakas na parang nang-aasar.
Nagtapis ulit ako ng tuwalya at saka ko padabog na binuksan ang pinto. “What? Can’t you wait? Why are you so makulit?!” malakas na sigaw ko sa kanya at ngumisi lang siya ng nakakaloko habang nakatingin sa mukha ko.
Pero bigla siyang sumeryoso nang makitang nakatapis pa rin ako ng tuwalya. “Hindi ka pa rin bihis? God, what the hell are you doing? Ano bang pinaglalalagay mo sa katawan mo, bat ang tagal mo? I told you, bilisan mo dahil mag-uusap tayo, di ba?”
“Ano bang pakialam mo, eh katawan ko ‘to! Hindi ka ba marunong maghintay?” nakairap na sagot ko dito.
“Ako ang may-ari ng bahay na ito, kaya huwag mo akong pag-antayin kung ayaw mong palayasin kita!” sabi nito na nakaturo pa ang daliri sa mukha ko.
I slapped his finger away. “Hindi mo ako pwedeng palayasin! I already paid for my rent, at sobra-sobra pa ang ibinayad ko!” And then my eyes widened when I realized what he just said. “Wait, bahay mo ‘to?”
Ibig sabihin, siya ang pamangkin ni Mr. Lawrence? Lalaki ang magiging ka-roommate ko?
No way!
No f*****g way!
“Oo, bahay ko ‘to, kaya wala kang karapatang tarayan ako!”
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay. Ngayon ko lang napansin na nakasuot lang siya ng shorts at walang pangtaas. He was just wearing an apron. Maybe he was cooking in the kitchen like he said earlier.
Biglang nangati ang mga palad kong hilahin ang apron na suot niya para makita ko kung gaano kaganda ang katawan ng bugok na ‘to. Para makita ko din kung may maipagmamayabang talaga siya. Baka puro salita lang.
“Pwede pakipunasan ‘yang laway sa gilid ng bibig mo. Nakakadiri!” biglang sabi nito at nanlalaki ang mga matang napapahid ako sa gilid ng bibig ko, pero wala naman akong naramdamang basa.
“Are you making fun of me?!”
“Eh kanina ka pa nakatitig sa akin eh! Oo na, alam kong guwapo ako, pero hindi kita type! Bilisan mong magbihis. Dami-dami mong arte sa katawan!” sabi nito, at saka tumalikod na.
Now, I catch sight of his bare, broad back and strong shoulders, and I swallowed hard. Likod pa lang, ang ganda na ng katawan niya, what more sa harap?
Dahan-dahan kong isinarado ang pinto, pero bago ito lumapat ay lumingon pa ulit siya, at nahuli niya akong nakatitig pa rin sa kanya.
Namumula ang mukhang ibinalibag ko ang pinto at saka nagmamadaling nagbihis. I put on a pink spaghetti-strap housedress that ended at mid-thigh and blow-dried my light brown hair. I made sure na wala akong muta sa mga mata, at kulay pink ang mga cheeks ko. Nagpahid na rin ako ng konting lip gloss.
Paglabas ko ng kuwarto ay nandun na siya sa living room at naghihintay sa akin. He was already wearing a white t-shirt at hindi ko mapigilang madismaya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka siya seryosong tumitig sa mukha ko. Bakit ganun siya makatingin? Am I not beautiful enough in his eyes? Ang sungit ha!
“Sit down.” malamig na utos nito.
I took a seat in front of him, at hindi sinasadyang tumaas ang laylayan ng dress ko. Dahan-dahan ko itong hinila pababa, at kitang-kita ko kung paano siya napalunok.
He made fun of me earlier, so now it was my turn to return the favor. Ibinuka ko pa ang mga legs ko, at narinig kong napamura siya ng mahina.
“So, what are we going to talk about?” tanong ko sa kanya, at bumalik ang mga mata niya sa mukha ko.
“Close your legs baka pasukin ng langaw. Hindi ako interesado diyan!"
What? Hindi siya interesado sa bilat? Ano siya bading?
Dismayadong pinagdikit ko ulit ang mga legs ko. Sayang, bading pala. So, hindi siya pervert dahil lalaki ang gusto niya.
"What’s your name?” tanong nito.
“Sofia.” maikling sagot ko. Baka pag nalaman niya na Avery ang apilyedo ko, bigla akong palayasin. Not to brag or anything, but my last name is pretty well-known across the country since we own the leading company at the moment, all thanks to my kuya Vaughn who works hard behind this success.
Siyempre, mayaman ang family ko, tapos nandito ako sa apartment niya nakikisiksik? Eh anong magagawa ko, gusto ko dito, malapit lang sa school.
“Sofia what? Sofia the explorer?” nakataas ang kilay na tanong nito.
Is he f*cking serious? That’s Dora!
“Haha! So funny.” I rolled my eyes at him. “Eh ikaw, what’s your name? Let me guess…” at kunwari ay nag-isip ako. “Boots?”
“Where the hell did that come from?” kunot ang noong tanong nito.
Nag search ako sa phone ko at ipinakita sa kanya ang kasama ni Dora. “This is Boots, and he looks like you. Di ba, magkamukha kayo.” kinikilig na saad ko, at naningkit ang mga mata niya sa galit.
“Mukha ba akong unggoy!” he exclaimed, pointing at his handsome face. Pulang-pula na ang mukha niya sa galit. “‘Tong mukhang ‘to, unggoy sa tingin mo? Eh kanina nga lang naglalaway ka sa akin.”
“Excuse me?” ako naman ngayon ang namumula ang mukha. “I won’t fantasize a man like you, no! Mabuti sana kung mas guwapo ka sa kuya ko.”
“Kuya mo? Bakit sino bang kuya mo? Si Piolo Pascual? Eh mas pogi naman ako dun!”
He was right though. Walang makakapantay sa kapogian niya. At hindi rin totoo na mas pogi ang kuya ko. I think, it’s a tie.
Inirapan ko lang siya. “Akala ko ba mag-uusap tayo. Ano ba kasing sasabihin mo?”
“I want you to know na nandito ako ngayon sa Cebu dahil gusto kong mag-isip isip. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong magmove-on.”
Move on? Did he just come from a breakup? The question lingered in my mind as I studied him from across the room.
Now, I could see the heaviness in the way he carried himself, like a weight pressing down on his shoulders, na para bang ang laki-laki ng problema niya.
Kaya pala ang shallow ng tawa niya, and when he smiled, it didn’t quite reach his eyes. Bigla tuloy akong nakonsensiya.
“What do you want me to do, then?” ayokong ipakita na naaawa ako sa kanya. Baka mas lalo lang siyang mainis sa akin.
As far as I know, ayaw ng mga lalaki na kinakaawaan sila.
“I want you to move out. Ayoko ng may kasama dito.”