-Sofia-
“What?” malalaki ang mga matang tumitig ako sa kanya, but he avoided eye contact with me, and I hate him for that! “But I already paid for it. You can ask Mr. Lawrence for my payment. Kunin mo sa kanya kung gusto mo.”
“Yeah, he already told me about it. Ibabalik ko na lang sa’yo ang pera mo.” he said in a serious tone.
No!
Hindi pwede!
Ayoko nang maghanap ng ibang apartment. Sobrang hassle. At ang daming need iconsider.
Biglang lumambot ang mukha ko. Nawala ang pagtataray. Nawala ang pang-aasar. Nawala ang pag-aangas. Feeling ko nga parang maiiyak na ako.
“Please, huwag mo akong paalisin. I need this apartment. Ayoko nang lumipat sa iba.” halos magmakaawa na ako sa kanya.
But to my disappointment, he shook his head.
“I also need this. At mas may karapatan naman siguro ako dito dahil akin ang apartment na ‘to. I’m sorry, Sofia.” tumayo ito mula sa pagkakaupo at saka may kinuha sa ibabaw ng center table. Isang white small envelope. “This is the money you paid to Uncle Lawrence. Pwede ka nang umalis anytime, pero sana huwag mo nang paabutin kinabukasan.”
I quickly glanced at the wall clock, the sudden movement fueled by a wave of anxiety. It was already five in the afternoon. Saan pa ako makakahanap ng apartment sa ganitong oras? At saka baka abutin ako ng gabi sa daan. Oh, no!
“Pwede bang bukas na lang? It’s already late.” kagat-labing sabi ko habang nakayuko. Wala akong gaanong alam dito sa Cebu. “Promise, maagang-maaga ako aalis.”
Pero start na ng classes bukas.
“Maaga pa.” sabi nito at saka tumingin sa kanyang wristwatch. “Marami ka pang mahahanap na apartment dito malapit sa school.”
I shook my head. “Please, I’ll do anything. Everything. Basta payagan mo lang akong tumira dito. Please!”
Pero matigas siya sa pagtanggi. “I’m sorry, Sofia.” sabi nito at saka inilapag sa harap ko ang small envelope bago siya tumalikod at iniwan na akong mag-isa.
He's so heartless talaga! Wala siyang awa sa isang student na katulad ko!
Nagdadabog na pumasok ulit ako sa loob ng kuwarto at saka muling ibinalik sa maleta ko ang kanina ay inayos ko nang mga gamit.
Nakakainis kang lalake ka! Wala kang puso! Wala kang awa!
Nagsuot lang ako ng maong shorts at black sleeveless croptop, at hila-hila ang luggage ko na lumabas ako ng kuwarto.
Narinig kong may kumakalampag sa kusina, kaya naglakad ako patungo dito. Nakita ko si Boots na naghuhugas ng mga kitchenwares sa may lababo.
“I’m leaving. Salamat sa pagpapalayas mo sa akin. Goodbye, Boots.” hinintay kong humarap siya sa akin, pero nanatili siyang nakatayo doon at hindi gumagalaw.
Tumalikod na ako, at saka naglakad patungo sa living room. Muli kong hinila ang luggage ko, at napahinto nang makita ang dalawa pang maleta sa may pinto.
Oh my God! Ang dami nito, hindi ko sila kayang dalhin lahat!
“Hey, Boots! Babalikan ko na lang ‘tong ibang maleta ko. Hindi ko sila madadala lahat!” sigaw ko mula sa living room.
Hindi pa rin ito sumagot, at nagkibit lang ako ng mga balikat at lumabas na ng apartment.
Hindi pa masyadong madilim, so safe pang maglakad-lakad sa labas. Paglabas ko ng gate, nakita ko kaagad ang school na papasukan ko.
Ang paalam ko kay kuya Vaughn ay nandito ako sa Cebu para gumawa ng thesis, pero ang hindi niya alam, I flew here from Spain dahil hindi ko naipasa ang ilang subjects ko. It should be my last year in college at gagraduate na sana ako, pero nagka-aberya dahil sa pambubulakbol ko at pakikipagbarkada.
And I couldn’t help but cry when I remember Asher. My ex-boyfriend. Siya din ang dahilan kung bakit ako umalis. Nagiging bad influence na siya sa akin, kaya kailangan ko nang lumayo para sa ikabubuti ko.
I wanted to study in Manila dahil mas magaganda daw ang mga school doon, but I wanted to be independent as well. Ayoko ding napepressure ako dahil nakikita ko si kuya at si daddy.
Sabi ng daddy ko, kung gusto ko daw tumulong sa pagpapalago ng negosyo, gayahin ko daw si kuya na nakapagtapos na Summa c*m Laude. Alam kong nagbibiro lang si daddy, but I took it seriously. Kaya lang, hindi ako kasing-talino ni kuya, so paano na?
I didn’t want to disappoint them, pero nandito na ako. Wala nang atrasan pa. Sana lang, when the time comes na malaman nila ang totoo, they won’t judge me. They won’t hate me.
Nagsimula na akong maglakad palayo sa apartment, at nagtanong-tanong sa ilang mga tao doon kung may alam pa silang bakanteng apartment na pwedeng upahan. Pero dahil pasukan na bukas, all of the apartments they know are already occupied.
Halos dalawang oras na akong naglalakad at madilim na ang kalangitan, pero wala pa rin akong nahahanap na apartment. Pagod na pagod na ako, at basang-basa na rin ako sa pawis.
Naiiyak na naman ako. What if wala akong mahanap ngayon na matutuluyan? Saan ako matutulog?
Alam kong may mga hotels dito, pero sabi ng nakausap ko kanina, medyo malayo daw. Ayoko nang bumiyahe. Gusto ko na lang talagang magpahinga. But if wala nang choice, wala na akong magagawa kung hindi ang bumiyahe, at babalik ulit dito bukas para papasok sa school.
God, so tiring!
I saw a close establishment, and I decided to rest for a while. Naupo ako saglit sa harap at saka chineck sa phone ko ang location ko, nang bigla itong nagring.
It’s kuya Vaughn!
Hindi ko ito sinagot. Kapag narinig niya na nasa labas pa ako sa ganitong oras, siguradong mag-aalala ‘yun, at masesermunan ako. I ignored his call and then wiped away the tears in my eyes. I didn’t realize that I was crying again.
Bwisit kasi ang lalaking ‘yun! Walang puso! Walang konsensiya!
Humagulgol ako ng malakas at saka yumukyok sa mga braso ko. Ano nang gagawin ko ngayon? Saan ako mag-istay?
Kapag sa hotel, ang layo nito sa school. Ang tagal ko pa namang mag-ayos. Siguradong malelate ako lagi nito.
Patuloy pa rin akong humahagulgol, hindi alintana ang mga taong dumadaan at nagtatakang nakatingin sa akin.
“Nganong naghilak man ang babaye?” (Bakit umiiyak 'yung babae?)
"Ambot, basin gibawagan sa uyab." (Ewan, baka iniwan ng boyfriend.)
Mas lalo akong umatungal ng iyak dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.
Waaaah! Ayoko na talaga! Ayoko na dito! Gusto ko nang bumalik sa Spain!
“Hey, stop being so dramatic!” bigla akong napatigil sa pag-iyak.
Kilala ko ang boses na ‘yun.
“Get up there! Umuwi na tayo!”
Pag-angat ko ng tingin, agad na nagliwanag ang mukha ko.
Si Boots!
Nandito si Boots!
“Oh my God! You’re my hero! You really look for me?” Sa sobrang tuwa ay tumayo ako at saka ko siya niyakap ng mahigpit. “Thank you, Boots! Thank you, so so much! Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh!”
He froze for a little while, but then I felt him push me away. “Huwag kang OA. Halika na!”
"Wait, nakamove on ka na kaagad?" Tuwang-tuwang hinila ko ang luggage ko at saka sumunod sa kotse niyang naka-park sa harap ng establishment.
He sent me a murderous gaze, and I just smiled sweetly at him.