PROLOGUE

999 Words
WARNING: RATED SPG This novel contains mature themes, strong language, violence, crime-related activities, emotional trauma, and romantic scenes intended for mature readers only. This is a work of fiction. All characters, events, organizations, and places are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Reader discretion is advised. This story is intended for readers aged 18 and above. ------ BGC, Pasig-Taguig border May mga hangganang hindi dapat tawirin, at may mga linyang minsan nang ginuhit ng tadhana na pilit ding binubura ng init ng gabi. Para sa mundo, si Ma.Kiara Valdez ay isang tanyag at mahusay na arkitekto—matalino, elegante, at may sariling tayog. Ngunit sa loob ng kanyang condo unit sa BGC, ang lahat ng propesyonalismo ay natutunaw sa isang simpleng katotohanan: siya ay babaeng uhaw na uhaw sa atensyon ng nag-iisa niyang tahanan sa Maynila. At ang tahanang iyon ay walang iba kundi si Dr. Terence Vincent Malvar. Magkatabi ang kanilang mga unit. Magkasalo sila sa mga simpleng hapunan kapag pareho silang pagod sa kani-kanilang mundo. Magkayakap silang natutulog sa iisang kama, nagpapalitan ng mga halik sa labi na may kasamang matatamis na ngiti—mga bagay na pilit nilang binabalutan ng depensang “walang malisya.” Ngunit sino ang niloloko nila? Sa bawat haplos ni Terence, sa bawat pagdikit ng kanilang mga balat sa dilim, nag-iinit ang dugong pilit kinakalma ni Kira. Hanggang sa isang gabi, napuno na ang salop. Ang simpleng biro at pang-aakit ay nauwi sa isang mapanganib na kasunduan: s3x lang. Walang feelings. Magkaibigan lang tayo. -------- “Wala?” pag-uulit ni Terence habang mas hinigpitan pa ang pagkakapulupot ng mga braso sa hubad na katawan ni Kira para hindi na ito makaligalig pa. “Ano yung tinetext mo sa akin kanina? Buntis ka na ba at tinatanong mo kung puwede kitang i-IE? Nababaliw ka na naman ba, Kira? Alam mo namang hindi ako OB-GYN at surgeon ako!” Natawa nang malakas si Kira, sabay bahagyang lumayo kay Terence. Kahit may kadiliman sa silid, hindi man lang nito tinangkang takpan o itago ang magkabilaang hubad na dibdib na hayagang nakalantad sa harap ng binata. “Itinatanong ko lang naman kasi kung marunong ka,” natatawang depensa ni Kira habang nakangiti nang pagkatamisan-tamisan. Kumunot ang noo ni Terence; ang mga mata ay madilim at seryosong nakatutok sa hubad na katawan nito. “Kira, doktor ako, malamang marunong akong mag-IE. Pero kapag ako ang nag-IE sa'yo… tatlo ang gamit ko.” Napatigil sa pagtawa si Kira. Sumandal siya sa headboard ng kama, at saka lamang ipinatong ang mga braso at kamay sa kanyang dibdib upang takpan ang hubad na katawan. “Ha?” gulat na tanong ni Kira. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng binata. “Anong tatlo?” Agad ding bumangon si Terence, umusog papalapit kay Kira habang seryoso ang mukha, pero may mapang-akit na kislap sa mga mata. Dahan-dahan siyang lumapit sa tainga nito at ibinaba ang boses sa isang impit at mababang bulong. “Una… daliri ko,” simula ni Terence, sabay sulyap sa mga labi nito. “Pangalawa... dila ko. Pangatlo... ‘yung sandata ko.” Isang segundo ang katahimikan bago tuluyang sumabog ang malakas at humahalakhak na tawa ni Kira. Agad nitong hinampas nang pagkalakas-lakas ang braso ng binata habang pilit na kinakagat ang labi para pigilan ang sarili. “Ang manyak mo, Ter!” wika ni Kira habang natatawang napapailing. Ramdam na ramdam niya ang pamumula ng mukha kahit madilim sa loob ng silid. Tumagilid si Terence at bahagyang isinandal ang isang braso sa headboard. Madilim man ang kwarto, kitang-kita pa rin ang mapang-akit na kislap sa mga mata ng binata. “Manyak agad?” nakangising tanong ni Terence, mababa at seryoso ang boses habang dahan-dahang inilapit ang mukha kay Kira. “Tinanong mo kung anong gamit ko, ‘di ba? Sinagot ko lang nang tapat bilang isang propesyonal na doktor.” Napaatras nang kaunti ang likod ni Kira sa pader, bagama’t nanatili ang mga braso na nakatakip sa dibdib. Kahit pilit nitong pinapanatili ang tapang at ang pilyang ngiti sa mga labi, hindi mapigilan ang mabilis na pagkabog ng dibdib sa presensya ng binata. “Meaning, lahat ng i-IE mo, ganoon ang gagawin mo?” wika ni Kira habang nakataas ang kilay, pilit na tinatago ang kaba. “Ang manyak mo talaga, Doc Terence!” Natawa nang mahina si Terence, isang malalim at baritonong tunog na lalong nagpainit sa hangin sa pagitan nilang dalawa. “Siraulo. Sa mga pasyente ko, may suot akong sterile gloves at sinusunod ko ang tamang medical protocol,” sagot ng binata, sabay dahan-dahang ibinaba ang tingin sa mga braso ni Kira na nakatakip sa hubad na dibdib. “Pero sa ‘yo… iba ang kaso. Special patient ka, kaya special din ang treatment.” Napakagat si Kira sa labi sa naging sagot ng binata. Ang kaba sa dibdib ay mabilis na napalitan ng isang mapangahas na silakbo ng damdamin. “Special treatment, ha?” mahinang wika ni Kira habang dahan-dahang binababa ang mga braso palayo sa dibdib, hinahayaan muling malantad sa paningin ng binata ang hubad at maputi nitong katawan sa dilim. “Try natin, you want, Ter?” ------- Isang kasunduang akala nila ay magpapalaya sa kanilang mga pagnanasa, ngunit ang hindi nila alam ay ito pala ang simula ng dahan-dahang pagguho ng kanilang mundo. Dahil ang apoy, kapag paulit-ulit na sinindihan, ay hindi na basta-basta mapapatay ng simpleng salitang "kaibigan." Isang gabi ng pag-iibigan bago ang isang trahedya ng hiwalayan at paglisan. Isang sikretong ibinaon sa limang taon ng katahimikan. At ngayon, limang taon ang lumipas… sa gitna ng mataong supermarket, ang hangin ay biglang titigil. Isang maliit na batang lalaki na may mga matang saksi sa mukha ni Terence ang hahawak sa kamay ni Kira at hihingi ng atensyon sa pamamagitan ng isang salitang babasag sa lahat: "Mommy..." At sa sandaling iyon, ang nakaraan ay babalik upang singilin ang lahat ng sumpaan ng dalawang magkaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD