PROLOGUE
WARNING: RATED SPG
This novel contains mature themes, strong language, violence, crime-related activities, emotional trauma, and romantic scenes intended for mature readers only.
This is a work of fiction. All characters, events, organizations, and places are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Reader discretion is advised. This story is intended for readers aged 18 and above.
------
BGC, Pasig-Taguig border
May mga hangganang hindi dapat tawirin, at may mga linyang minsan nang ginuhit ng tadhana na pilit ding binubura ng init ng gabi.
Para sa mundo, si Ma. Si Kiara Valdez ay isang tanyag at mahusay na arkitekto—matalino, elegante, at may sariling tayog. Ngunit sa loob ng kanyang condo unit sa BGC, ang lahat ng propesyonalismo ay natutunaw sa isang simpleng katotohanan: siya ay babaeng uhaw na uhaw sa atensyon ng nag-iisa niyang tahanan sa Maynila. At ang tahanang iyon ay walang iba kundi si Dr. Terence Vincent Malvar.
Magkatabi ang kanilang mga unit. Magkasalo sila sa mga simpleng hapunan kapag pareho silang pagod sa kani-kanilang mundo. Magkayakap silang natutulog sa iisang kama, nagpapalitan ng mga halik sa labi na may kasamang matatamis na ngiti—mga bagay na pilit nilang binabalutan ng depensang “walang malisya.”
Ngunit sino ang niloloko nila?
Sa bawat haplos ni Terence, sa bawat pagdikit ng kanilang mga balat sa dilim, nag-iinit ang dugong pilit kinakalma ni Kira. Hanggang sa isang gabi, napuno na ang salop. Ang simpleng biro at pang-aakit ay nauwi sa isang mapanganib na kasunduan: s3x lang. Walang feelings. Magkaibigan lang tayo.
--------
“Wala?” pag-uulit ni Terence habang mas hinigpitan pa ang pagkakapulupot ng mga braso sa hubad na katawan ko para hindi na ako makaligalig pa. “Ano yung tinetext mo sa akin kanina? Buntis ka na ba at tinatanong mo kung puwede kitang i-IE? Alam mo namang hindi ako OB-GYN at surgeon ako!”
Natawa nang malakas ako, sabay bahagyang lumayo kay Terence. Kahit may kadiliman sa silid, hindi man lang ako nagtangkang takpan o itago ang magkabilaang dibdib ko na hayagang nakalantad sa harap ng binata.
“Itinatanong ko lang naman kasi kung marunong ka,” natatawang depensa ko habang nakangiti nang pagkatamisan-tamisan.
Kumunot ang noo ni Terence; ang mga mata ay madilim at seryosong nakatutok sa hubad na katawan ko. “Kira, doktor ako, malamang marunong akong mag-IE. Pero kapag ako ang nag-IE… tatlo ang gamit ko.”
Napatigil ako sa pagtawa. Dito na ako bahagyang natauhan, kaya mabilis akong naupo, sumandal sa headboard ng kama, at saka lamang ipinatong ang mga braso at kamay ko upang takpan ang hubad kong dibdib.
“Ha?” gulat na tanong ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng binata. “Anong tatlo?”
Agad ding bumangon si Terence, umusog papalapit sa akin habang seryoso ang mukha, pero may mapang-akit na kislap sa mga mata. Dahan-dahan siyang lumapit sa tainga ko at ibinaba ang boses sa isang impit at mababang bulong.
“Una… daliri ko,” simula ni Terence, sabay sulyap sa mga labi ko. “Pangalawa... dila ko. Pangatlo... ‘yung sandata ko.”
Isang segundo ang katahimikan bago tuluyang sumabog ang malakas at humahalakhak na tawa ko. Agad kong hinampas nang pagkalakas-lakas ang braso ng binata habang pilit kong kinakagat ang labi ko para pigilan ang sarili ko.
“Ang manyak mo, Ter!” wika kong natatawa habang napapailing. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kahit madilim sa loob ng silid.
Tumagilid si Terence at bahagyang isinandal ang isang braso sa headboard. Madilim man ang kwarto, kitang-kita ko pa rin ang mapang-akit na kislap sa mga mata ng binata.
“Manyak agad?” nakangising tanong ni Terence, mababa at seryoso ang boses habang dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin. “Tinanong mo kung anong gamit ko, ‘di ba? Sinagot ko lang nang tapat bilang isang propesyonal na doktor.”
Napaatras nang kaunti ang likod ko sa pader, bagama’t nanatili ang mga braso ko na nakatakip sa dibdib ko. Kahit pilit kong pinapanatili ang tapang at ang pilyang ngiti sa mga labi ko, hindi ko mapigilan ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko sa presensya ng binata.
“Meaning, lahat ng i-IE mo, ganoon ang gagawin mo?” wika ko habang nakataas ang kilay, pilit na tinatago ang kaba ko. “Ang manyak mo talaga, Ter!”
Natawa nang mahina si Terence, isang malalim at baritonong tunog na lalong nagpainit sa hangin sa pagitan naming dalawa. “Siraulo. Sa mga pasyente ko, may suot akong sterile gloves at sinusunod ko ang tamang medical protocol,” sagot ng binata, sabay dahan-dahang ibinaba ang tingin sa mga braso ko na nakatakip sa hubad kong dibdib. “Pero sa ‘yo… iba ang kaso. Special patient ka, kaya special din ang treatment.”
Napakagat ako sa labi sa naging sagot ng binata. Ang kaba sa dibdib ko ay mabilis na napalitan ng isang mapangahas na silakbo ng damdamin.
“Special treatment, ha?” mahinang wika ko habang dahan-dahang binababa ang mga braso palayo sa dibdib ko, hinahayaan muling malantad sa paningin ng binata ang hubad at maputi kong katawan sa dilim. “Try natin, you want, Ter?”
-------
Isang kasunduang akala nila ay magpapalaya sa kanilang mga pagnanasa, ngunit ang hindi nila alam ay ito pala ang simula ng dahan-dahang pagguho ng kanilang mundo. Dahil ang apoy, kapag paulit-ulit na sinindihan, ay hindi na basta-basta mapapatay ng simpleng salitang "kaibigan."
Isang gabi ng pag-iibigan bago ang isang trahedya ng hiwalayan at paglisan. Isang sikretong ibinaon sa limang taon ng katahimikan.
At ngayon, limang taon ang lumipas… sa gitna ng mataong supermarket, ang hangin ay biglang titigil. Isang maliit na batang lalaki na may mga matang saksi sa mukha ni Terence ang hahawak sa kamay ni Kira at hihingi ng atensyon sa pamamagitan ng isang salitang babasag sa lahat:
"Mommy..."
At sa sandaling iyon, ang nakaraan ay babalik upang singilin ang lahat ng sumpaan ng dalawang magkaibigan.