Chapter 3 (KC)

1457 Words
MARAHAN kong idinilat ang mga mata ko. Naalala kong nasa bahay pala ako ni Aila. Naparami rin ang pag-inom ko ng wine kagabi. Nang tingnan ko ang wristwatch ko ay pasado alas-nuwebe na ng umaga. Nanlaki ang mga mata ko dahil tinanghali na ako. “Tsk!” Bumalikwas ako nang bangon at binalingan ng tingin si Aila na natutulog pa rin hanggang ngayon. Sinubukan kong gisingin si Aila dahil kailangan ko nang umalis. May usapan kami ni Mommy na makikipag-usap ako kay Dad. Baka naghihintay na rin sila sa ‘kin. “Aila! Wake up! Hey, gising na.” Nakadapa si Aila at mukhang walang balak na bumangon. Napailing ako at nagmadaling tumayo. Inapuhap ng mga mata ko ang cellphone ko at nakalapag iyon sa side table sa tabi ng kama ni Aila. “Aila, I'm leaving, and I'll leave you here.” “Hmmm… h’wag ka munang umuwi, KC…” namamaos na sagot ni Aila habang nakapikit pa rin ang mga mata. “No, I’m leaving now. Mag-uusap pa kami ni Dad. Balitaan na lang kita, okay?” Tinungo ko ang salamin at inayos ang magulo kong buhok. Dinukot ko rin ang lipstick sa bag ko at inilapat sa labi ko ang mapulang kulay niyon. Nilingon ko si Aila at inilang hakbang ko ang kinahihigaan niya. Gumuhit ang hilaw na ngiti sa aking labi at bahagyang yumuko. “Thank you so much, Aila…” mahina kong bulong sa kanang tainga niya. Hinalikan ko siya sa pisngi niya at tumuwid sa pagkakatayo. Kailangan kong umuwi dahil baka kung ano ang isipin ni Daddy. Sana ay hindi mainit ang ulo niya para naman makapag-usap kami nang maayos. Paglabas ko ng bahay ni Aila at tinungo ko ang aking kotse. Naroon ang kasambahay ni Aila na abala sa paglilinis ng garden. “Good morning, Ma’am KC. Aalis na, po, kayo?” magiliw na tanong nito. “Y-Yeah. I’m going now. Pakisabi na lang, po, kay Aila na nauna na ‘ko. Humihilik pa kasi,” tatawa-tawang sabi ko. “Walang problema, po, Ma’am KC. Teka, bubuksan ko ang gate.” Binuksan ng kasambahay ang gate at pumasok na ako sa kotse ko. Nang makalabas sa gate ay binaba ko ang salamin ng bintana ko at dumungaw. “Thank you!” pasasalamat ko sa kasambahay ni Aila. “Ingat, po, Ma’am ganda!” nakangiting sambit nito at kumaway. Habang binabaybay ko ang kalsada ay nag-text si Dexter sa ‘kin. Kinukumusta ako at nasaan daw ako ngayon. Tinawagan ko siya at kaagad niyang sinagot. “Good morning, couz,” bati ko. “Hey, where are you? Ayos ka lang ba?” nag-aalang tanong ni Dexter. Pinsan ko si Dexter at nag-iisang anak din ng kapatid ng aking ama. Mabait si Dexter at masasabi kong naging close kami dahil malapit sa isa’t isa ang mga pamilya namin. “Actually, I'm on my way home now. Nasaan ka ngayon?” usisa ko. “I'm here in Alice's office,” tipid niyang sagot. Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa pagkakaalam ko ay may gusto si Alice kay Dexter. Paminsan-minsan ay napag-uusapan naming si Alice ngunit masyadong loyal ang pinsan ko kay Karen— ang babaeng napupusuan ni Ethan. “Mukhang nag-e-enjoy ka naman? Gimik naman tayo next week. Masyado akong na-stress.” “Hmmm… let me think.” “Bakit naman? Kailangan pa bang pag-isipan ‘yan?” nagtatampo kong sabi. “I’m not sure.” “Bakit naman hindi? Sige ka, magtatampo ako sa ‘yo.” “Alright. I’ll text you, okay? Ayusin mo muna ang hindi ninyo pagkakaunawaan ni Uncle.” “Okay, okay, fine. Wala naman akong magagawa. Sige na, at nasa byahe ako.” “Balitaan mo ‘ko,” sabi niya. Nagpaalam na ako at ibinaba ang tawag niya. Habang papalapit na ako sa Vista Verde Village kung saan kami nakatira ay lalo pang tumindi ang kaba ko sa ‘king dibdib. Pagdating ko sa mansion ay mabilis akong bumaba ng kotse ko. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng kasambahay naming si Yaya Tina. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. “Ma’am KC. Mabuti naman at umuwi ka na.” “Si Mom?” “Nasa opisina, ho, Ma’am KC.” Tinungo ko ang hagdan at aakyat na sana ko ngunit pinigilan ako ni Yaya Annie sa aking braso. Nilingon ko siya at malungkot ang mukha nito. “Y-Yaya?” “Ma’am KC, galit na galit, po, si Sir kahapon pag-alis mo. Nag-away sila ni Ma’am Alexa.” Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking narinig. Alam kong nag-aalala rin si Yaya Annie sa ‘kin. Alam niya kung paano magalit si Daddy. Napalunok ako ng aking laway bago nagsalita. “Salamat, po, Yaya Annie. Kailangan kong harapin ang galit ni Dad. Hindi sa lahat ng oras ay aalis ako. Kailangan ko siyang makumbinsi.” “Mag-iingat ka parati, Ma’am KC. Kapag kailangan mo ng kausap ay narito lang ako…” Hinaplos ko si Yaya Annie sa kamay niya at ngumiti ako upang ipakita sa kaniya na maayos lang ako at huwag siyang mag-alala sa ‘kin. “I’m fine, huwag kang mag-alala, Yaya. Thank you for being always here.” Umakyat ako at tinungo ang opisina ni Mom. Kumatok ako nang marahan at narinig kong nagsalita si Mommy. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at bumukas ang pinto. Nagtama ang mga titig naming ni Mommy sa isa’t isa. Tumayo kaagad si Mom at naglakad patungo sa ‘kin. Habang ako ay isinarado ko ang pinto nang dahan-dahan. “Mom, I’m so sorry for leaving you, yesterday. I’m just— you know… mahirap din ang pinagdaraanan ko.” Niyakap ako ni Mommy nang mahigpit at nang kumawala siya sa pagkakayakap sa akin ay marahan niya akong inakay patungo sa may couch. “Hija, KC, maupo ka muna. Let’s talk, okay? Hindi mo na maaring gawin iyon ulit. Paano natin maayos ang mga bagay-bagay kung ganiyan ka parati?” “Mom, all I want is for— Daddy and me to get along and forgive Ethan. Ethan loves Karen, and I can't do anything if the man you chose to marry me doesn't want me.” Napayuko si Mommy dahil alam niyang ipagpipilitan ko ang gusto ko. Sana ay hayaan na lang ni Daddy si Ethan at mga magulang nito. Wala naman akong magagawa kung ayaw sa ‘kin ng tao. Mahal niya si Karen at bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko kung magmumukha lamang akong tanga. “Anak, let me clear these things to you.” Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko. Nagsasawa na akong paulit-ulit akong nagpapaliwanag. Kapag nagpatuloy pa ay baka isipin kong mas mahalaga sa kanila ang kompanya kaysa sa kaligayahan ng nag-iisang anak nila. “Susubukan kong kausapin si Daddy mo. I know, mahirap ang pinagdaraanan mo. Hindi pa naman kasal si Ethan at ang katulong nilang iyon.” Hindi ko nagustuhan ang sinabing iyon ni Mommy dahil pakiramdam ko ay minamaliit niya si Karen. Hindi ko man naging gaanong close si Karen ay masasabi kong mabait siya at matino. “Mom, she is not just a housemaid. She was the woman Ethan loved dearly. Why would I even deny that to them, Mom? Ipagkakait ko pa ba sa kanila ang bagay na iyon kung alam kong hindi naman ako magiging masaya sa piling ni Ethan kung alam kong— nakasakit ako ng kapwa babae ko?” naiiyak kong paliwanag. “Anak, hindi lang ang sarili mo ang pinag-uusapan natin. Sa iyo rin nakasalalay ang future ng kompanya.” Tumayo ako at umiling-iling dahil malinaw na sa ‘kin ang gusto nila. Hindi nila iniisip ang magiging kaligayahan ko. “Mom, sorry—” Biglang dumating si Daddy at mukhang mainit pa ang ulo nito. Bahagya akong nakaramdam ng takot. Iba magalit si Daddy at ayaw magpatalo. Nagmadaling tumayo si Mommy at pinuntahan si Dad. “Richard, mag-usap kayo nang masinsinan.” “Get out!” sigaw ni Dad kay Mom. Naalala ko ang sinabi ni Yaya Annie na nag-away sina Mommy pag-alis ko kahapon. Napatda ako noong sumigaw si Dad at ikinagulat iyon ni Mom. “Richard, we talked about this. Mag-usap kayo ng anak mo. Anak natin siya at kailangan din natin siyang pakinggan.” “I’m done! Ako ang masusunod at matutuloy ang kasal nilang dalawa ni Ethan!” bulyaw ni Daddy kay Mom. I can’t believe this! Bakit gano’n si Dad? Hindi ba niya talaga ako bibigyan ng impostansya? Akala ko ay mahal niya ako ngunit bakit siya galit na galit! Hindi ko napigilan ang maiyak. “Daddy, let me explain, please…” pagmamakaawa ko. “You, KC! You’re grounded at hindi ka lalabas ng mansion!” “W-What?!” bulalas ko at napasapo ako sa aking dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD