Chapter 2 (KC)

1736 Words
KAUSAP ko sa kabilang linya si Aila habang nagmamaneho ng kotse ko. Doon muna ako mang-aabala sa kaniyang bahay. Bestfriend ko si Aila noong college pa lang kami. Magkasing-edad din kami at naninirahan na siyang mag-isa. Ang mga magulang niya ay nasa abroad at may magandang posisyon si Aila sa isang kompanya na pinagtatrabahuan niya. “Hello, Besty! Bakit napatawag ka?” “Pupuntahan kita, gusto kong uminom.” Iniliko ko ang kotse ko papasok ng village kung saan nakatira si Aila. Hinarang ako ng guard at tinanong kung saan ako pupunta. Hindi yata ako nakilala ng guard at nang titigan ko siya ay napagtanto kong bago lang pala. “Kay Aila Sanchez, sa block seven, lot twenty-two, phase three,” sabi ko sa guard. “Pakilabas na lang po ang valid identification card mo, Ma’am?” magalang nitong pakiusap. “Sandali lang, Aila. I’m on my way na sa bahay mo,” sambit ko kay Aila na nasa kabilang linya pa rin at kinuha ko ang wallet ko sa aking bag. Dinukot ko ang isa sa valid ID ko at ipinakita kay sa guard. Sinuri muna nito ang hawak niyang card at binasa habang nakakunot ang noo. “Kate Cassey Hermosa, kaapelyido mo pala ang may-ari nitong Silvestre Village, Ma’am!” magiliw nitong sabi sa akin habang nakangiti. “Yes po, anak po ako ng owner,” nakangiti kong sagot. Namilog ang mga mata nito na nakatitig sa akin at hindi magkanda-ugaga sa pagbalik ng card ko. Napangiti na lamang ako dahil sa pagkagulat nito. Ako kasi ang tipo ng tao na ayaw ipaglandakan na mayaman kami at nagmamay-ari kami ng maraming pabahay. May lumapit na isa pang guard at tinapik siya sa braso nito. Laking gulat nito dahil hindi pa rin ako pinapapasok ng kaniyang kasamahan. “Buddy, si Ma’am KC ‘yan. Ma’am KC, pasensya na po at bago lang po kasi itong kasama ko,” paliwag ng isa pang guard. “It’s alright. Sumusunod lang siya sa policy and good job,” mahinahon kong sabi. “Sorry po, Ma’am KC,” paghingi nito ng pasensya sa ‘kin. Nang mawala ang harang sa aking harapan ay inarangkada ko nang paabante ang aking kotse at binalikan si Aila sa kabilang linya. “Are you alright, KC?” nag-aalalang tanong ni Aila sa ‘kin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil maalalahanin talaga itong kaibigan ko. Sa t’wing nagpapasaklolo ako sa kan’ya ay hindi ito tumatanggi na tulungan ako hangga’t makakaya niya. Strict ang parents ko to the point na hindi ako basta-basta nakalalabas kapag gusto kong gumimik noon. Then, they want me to marry Ethan for their own sake. I’m exhausted and tired. Gusto ko rin na gumawa ng sarili kong desisyon na hindi nila ako pipigilan. Pagdating ko sa bahay ni Aila na isang bungalow type ay pabalya akong naupo sa couch niya. Bitbit ni Aila ang isang botelya ng wine at inilapag sa glass round table sa aking harapan kasama ang isang kopita. Sinalinan agad ito ni Aila at inabot sa akin. “What’s happening, KC? Bakit napasugod ka?” nag-aalala niyang tanong at umupo sa aking tabi. Nilagok ko ang laman ng wine at napasandal sa kinauupuan. Sapo ang aking noo at napapikit nang mariin upang pigilang maiyak. “Besty, kung lagukin mo ‘yang wine— ano, magpapakalasing ka ba? Ginawa mong tubig ‘yan.” Kinuha niya nang marahan ang hawak kong kopita at inilapag sa table. “Ilang araw na akong hindi mapalagay.” “Nag-away na naman ba kayo ng daddy mo?” Bakas sa mukha ni Aila ang pag-aalala dahil alam niya ang lahat-lahat. Wala akong ibang mapagsabihan bukod sa kaniya at siya lang ang nakakaintindi sa ‘kin ngayon. “Hindi lang si Daddy… pati si Mom.” “OMG, ano na ang binabalak mo?” “I-I still don’t know… kukumbinsihin ko sina Mom at Dad na intindihin ako. Malaki na ako at hindi na ako bata. Siguro naman— p’wede akong mamili at magdesisyon,” sagot ko. Sinalinan ko ang kopita ng wine at uminom muli. “Hey, dahan-dahan naman, KC. Hindi ba p’wedeng bawiin ni Ethan ang desisyon?” “No. He can’t. Pumayag na ako ‘di ba. Mahal na mahal niya si Karen.” Si Karen ang katulong sa mansyon nila Ethan at ang dalagang ‘yon ang bumihag ng puso niya noon pa man. “Mabait si Karen. Alam kong mahal na mahal niya rin si Ethan. Nagmamahalan silang dalawa. Hindi ko kayang makita siyang lugmok dahil sa ‘kin.” “Paano kung ayaw pumayag ng daddy mo? Paano kung magalit siya— alisin ang investment sa kompanya ng Sandoval?” “That’s not gonna happen,” matipid kong sagot. Ngunit sa kaloob-looban ko ay kinakabahan ako kung sakaling mangyari ang bagay na ‘yon. Kilala ko si Dad at gagawin nito ang lahat basta masunod lang ang plano nito. “Basta, I’m here to support you. Kung ano man ang desisyon mo ay sasamahan kita. Ang hirap na maging anak mayaman. Pasalamat na rin ako… heto kami, kahit papa’no ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Pauuwiin ko na sina Mama at Papa rito sa Pilipinas. Gusto ko na silang magpahinga.” Sa mga sandaling iyon ay para akong kinurot ng pinong-pino sa puso ko. Para akong naiinggit kay Aila dahil pinakikinggan ito ng kaniyang mga magulang. Samantalang ako, tinuturing pa ring isang bata na hindi makatayo sa sariling mga paa. May dalawa akong beauty shop na tinataguyod dahil hilig ko ang mga cosmetic at magpaganda. Para nga raw akong isang anghel na bumaba sa lupa dahil sa maputi at makinis kong balat na mala-porcelaine. Noong una ay tutol si Daddy sa pagtatayo ko ng sariling negosyo dahil baka hindi ko raw matutukan ang negosyo nila. Pero gusto ko ring kumita ng sarili kong pera at patunayang kaya ko rin. “Mabuti ka pa at masaya kayo. Mayaman nga kami, solo ko ang lahat pero, hindi ako masaya.” Itinuloy naming dalawa ang pag-inom at mabuti na lang ay naka-leave itong si Aila ng one-week sa trabaho niya. Uuwi siya sa katapusan ng buwan sa Bicol. Doon ay may mga kamag-anak siya at kapatid na nag-aaral. Minsan nga ay sinasama niya ako roon pero wala akong time dahil kailangan kong unahin ang negosyo ni Daddy dahil COO ako sa company. Madalas ako kasama sa mga meeting at ako na rin ang inaasahan. Tumawag si Mommy sa aking cellphone at sinagot ko ito. Malamang ay nag-aalala na siya dahil nakalipas na ang limang oras at hindi pa ako nakauuwi. Inubos lang namin ang isang botelya at nanood ng movie. “My daughter, where are you?” “I’m here at Aila’s place. Bukas na lang po ako uuwi, Mom. Sorry po kanina… pakisabi kay Daddy. Mag-uusap kami pagbalik ko.” “M-Mabuti naman, natauhan ka na. Sana ay maging maganda ang pag-uusap ninyong dalawa. I’m sorry at muntik na kitang masaktan. Hindi ko sinasadya, Hija.” “It’s alright, Mom.” “Okay, take care. Hihintayin ka namin bukas ng daddy mo. Bye, Hija.” Ibinaba ko na ang tawag at nagkatinginan kami ni Aila. “Ano’ng plano mo?” “Makikipag-usap ako kay Daddy.” “Papayag ka na ituloy ang kasal ninyo ni Ethan?” “Hindi. Nakapagdesisyon na ako. Kailangan nila akong maitindihan bilang anak.” Natigilan kami sa pag-uusap dahil sa eksena sa movie na pinanonood namin. Kinikilig kasi si Aila sa movie na ‘to at ilang beses na niyang pinanood. “Ayan na, KC! Ikakasal na sila!” Hinampas ako ni Aila sa braso ko dahil sa gigil nito habang nakadapa kaming nanonood sa kama niya. Napangiti ako habang pinapanood ang dalawang magkasintahan na nanunumpa sa harapan ng altar. Kung sakaling ako ang ikasal ay ganito ang gusto ko. Tipong mahal na mahal namin ang isa’t isa at hindi dahil lang sa arrange marriage kaya kami ikinasal. “Ikaw, Bessy. Paano kung may manligaw sa ‘yong lalaking hottie, ubod ng gwapo, matangkad, pero mahirap lang. Like magsasaka siya o ‘di kaya ay mangingisda. Iibigin mo ba? Siya ‘yong tipong ipaglalaban ka hanggang kamatayan!” “I-I still don’t know. S-Siguro, tatanggapin ko siya. E-Ewan… ano’ng klaseng tanong ba naman ‘yan, Aila?” naguguluhan kong sagot. “Wala, curious lang ako. Oo nga pala rich kid ka nga pala. Malamang basted!” Natawa ako nang bahagya sa kaniyang sinabi. Bakit naman ako mag-aasawa ng hindi ko ka-level. “Buhay prinsesa ako sa mansyon. Pa’no kung makapag-asawa ako ng mahirap? Siguro pag-aaralin ko na lang siya muna para magkaroon siya ng degree.” “Ewan ko lang. Ayaw ko magbitaw ng salita na hindi ko kayang panindigan.” Napataas ang kanang kilay ko sa kan’yang sinabi. “What do you mean?” tatawa-tawang tanong ko. “Kapag ang pag-ibig ay kusang dumating hindi mo ito mapipigilan,” nakangiti niyang sambit na parang nananaginip nang gising habang yakap-yakap ang unan niya. “Kailan ka pa natutong guman’yan?” tanong ko. Tiningnan niya akong may halong pagkagulat. Sadyang totoo lang ang sinasabi ko. “Wala ka namang boyfriend?” dagdag ko pa. “Naalala mo ba ‘yong kababata ko sa Bicol? ‘Yon ang aasawahin ko pag-uwi.” Laking gulat ko sa kan’yang sinabi at hindi ko na napigilan pang tumawa. “Wait, alam niya ba ‘yan o nag-iilusyon ka lang?” “Hindi niya pa alam. Pag-uwi ko saka ko sasabihin. Crush na crush ko kaya ‘yon noon. Kung hindi lang ako napilitang lumuwas dito, e.” Hindi niya rin napigilan ang tumawa dahil pag-uusap namin. “E, crush ka ba n’ya, noon? That’s the question!” “Grabe ka sa ‘kin. Nakita ko kasi sa f******k niya ang hot na niya ngayon.” Ipinakita sa ‘kin ni Aila ang lalaking sinasabi niya. Ang laki nga ng pinagbago kaysa sa litrato nito noon. Doon na ako nagpalipas ng gabi ngunit sa magdamag ay hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi ko alam kung ano ang magiging kahinatnan ng pag-uusap namin bukas ni Daddy. Habang si Aila ay humihilik na sa tabi ko at mahimbing na natutulog. Gumuhit ang ngiti sa labi ko noong nadako ang tingin ko kay Aila. “Thank you so much, Aila…” mahinang bulong ko. Nagpapasalamat ako dahil sandaling nawala ang problema ko dahil sa kan’ya. She never left me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD