Chapter 1 (KC)

1642 Words
HINDI ako makapaniwala sa pakiusap ni Ethan sa ‘kin. Nangingilid sa luha ang kaniyang mga mata habang nanikluhod siya sa aking harapan. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko habang tinititigan siya. “Please, KC. Mahal na mahal ko si Karen at siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. I’m sorry kung umasa ka— hanggang kaibigan lang ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa ‘yo,” pakiusap nito. “Ethan, tumayo ka, please. H-Hindi ko kayang nakikita kang ganiyan.” Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang braso niya upang tulungan siyang tumayo ngunit bigo ako. Iyak ako nang iyak habang nakadapa sa aking malambot na kama at nakasubsob ang mukha ko sa aking unan noong nalaman kong hindi na itutuloy ni Ethan Sandoval ang pagpapakasal sa ‘kin. He was my childhood friend at ipinagkasundo kami ng aming mga magulang para pakasalan ang isa’t isa. Ito ay para palawakin pa ang aming negosyo at dahil matagal na ring magkaibigan ang aming pamilya sa pamilyang Sandoval. Noong una ay maganda ang takbo ng lahat ngunit sa isang iglap ay biglang naglaho ang lahat na parang bula. Inangat ko ang aking mukha at kinuha ang cellphone na nakalapag sa aking uluhan. Isa-isa kong tiningnan ang mga litrato namin ni Ethan. Mabait sa ‘kin si Ethan at naging close friend kaming dalawa. Matalik na kaibigan niya rin ang pinsan kong si Dexter Hermosa. Ang pinakamasaklap ay may gusto ang pinsan kong si Dexter sa babaeng pakakasalan ni Ethan. Ito ang tadhana naming magpinsan at pareho kaming nagpaubaya para sa mga taong mahal namin. Natigilan ako sa kaka-scroll sa screen ng cellphone ko at isinubsob muli ang aking mukha nang marinig kong bumukas ang pinto ng aking k’warto. Alam kong si Mommy ‘yon na gustong makipag-usap sa ‘kin tungkol sa bagay na ayaw kong ipilit. “Hija, Kate Cassey?” mahina niyang tawag sa ‘kin. Kate Casssey ang tunay kong pangalan at ang palayaw ko ay KC, pinaiksi mula sa tunay kong pangalan. Twenty-five years old na ako at gusto na nila akong mag-asawa para sa kapakanan ng aming mga negosyo. Naramdaman kong lumubog ang gawing kaliwa ng kama ko dahil naupo si Mommy at marahang hinaplos ang aking buhok. Dahil doon ay parang kinurot ang puso ko sa sakit at hindi ko napigilang ngumilid muli ang luha sa aking mga mata. “Anak, please… talk to me, Hija…” pakiusap ni Mommy. Bumangon ako sa pagkakahiga at pinunasan ang basa kong pisngi habang pasinghot-singhot pa dahil sa ilang oras na akong umiiyak at sinisipon na ako. Namumugto na rin ang aking mga mata at namumula ang ilong. “Mom,” umiiyak kong sambit. Hindi lang naman ‘yon ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Nagalit si Daddy sa ginawa kong pagpayag na h’wag nang ituloy ang kasal. Nakiusap sa ‘kin si Ethan at ang mga magulang nito na kung maaari bang pagbigyan ko ang kahilingan ng anak nila. Labis akong naawa kay Ethan dahil mukhang napabayaan na nito ang sarili niya sa kalungkutan. “Anak, gusto kang makausap ng daddy mo. Iniisip lang naman namin ang ‘yong kalagayan. Para sa ‘yo rin ang ginagawa naming ito.” Kinuha niya ang magkabilang kamay ko at pinagsalikop. Marahan niyang hinaplos ang likuran ng aking mga kamay at nakikita ko rin naman sa mga mata ni Mommy Alexa ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. “Mom, hindi ko pa ho kayang humarap kay Daddy. I know, he’s mad and that was my fault,” tugon ko. “Intindihin mo ang daddy mo, anak. He sacrificed everything, for you, for us.” “Mom, I can’t. Bakit ko pa ipagpipilitan ang aking sarili sa taong ayaw sa ‘kin?” Tama na ang minahal ko si Ethan at ayaw kong makitang malungkot siya dahil sa ‘kin. Isa pa ay ayaw kong matali sa taong hindi naman ako gusto at walang nararamdaman sa ‘kin. Hindi ko ‘yon kayang tiisin. I have my own decision, malaki na ako at hindi na bata pa. Napabuntong-hininga si Mom dahil sa pagmamatigas ko. Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan ni Daddy at sa t’wing lalapit siya o darating ay umiiwas na kaagad ako. Nasaktan ako noong sinigawan ako ni Daddy na hindi niya naman ginagawa noon sa ‘kin. Nag-iisang anak lang nila ako at alam kong iniisip lang nila ang future ko. Pero sa tingin ko ay hindi ‘yon makabubuti sa ‘kin kung papayag ako sa nais nilang ipagpilitan sa ‘kin. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Kate Cassey?” mariin niyang tanong. Sa pagkakataong iyon ay alam kong nagagalit na rin si Mommy sa ‘kin. Pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako ngayon dahil maging siya ay hindi ako maintindihan. Napapikit ako nang mariin at napatingala. Pilit na pinigilan ang luha ko sa aking mga mata na ngayon ay nangingibabaw na naman. “Mom, ngayon lang ako sumuway sa inyo. Hindi ako naging pabigat sa inyo o sakit sa ulo. Sana, this time ay maintindihan ninyo rin ako, Mom?!” umiiyak kong pakiusap. Tumayo si Mommy at napasapo ng kaniyang noo dahil sa stress na nararamdaman. “My goodness, Hija! Ipinagkasundo na namin kayong dalawa. Naka-ready na ang lahat tapos papayag kang hindi na ituloy ang kasal ninyo— dahil lang sa pansariling desisyon ni Ethan?! My goodness! Mababalewala ang lahat!” bulalas niya. Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko sa kan’yang sinabi. Hindi nila kami naiintindihan at ‘yon ang pinaniniwalaan ko sa mga oras na iyon. Napatayo ako sa aking kinauupuan at humarap sa kan’ya. “Mommy, may ibang mahal ‘yong tao. Ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko sa kan’ya. Hahayaan n’yo ba na makita akong araw-araw na nasasaktan— dahil pinakasalan ko ang taong hindi naman ako minahal?!” bulalas kong tanong. Napatda ako noong inangat ni Mommy ang kanang kamay niya para sampalin ako ngunit napahinto siya. Hindi niya iyon naituloy at tuluyan nang nangilid sa luha ang aking mga mata. Parang pinunit ang puso ko dahil naisip kong kaya ba akong saktan ni Mommy dahil lang sa bagay na ‘to. Namimilog ang mga mata ni Mommy noong nabalik siya sa kaniyang ulirat. “I’m sorry, Hija. I-I’m really sorry,” naiiyak na sambit ni Mommy. Napailing ako at hindi makapaniwala. Gusto kong lumubog sa aking kinatatayuan at hiyang-hiya ako sa aking sarili. Pailing-iling ako at niyakap ang aking sarili upang mabawasan ang sakit na nararamdaman. “Malinaw na sa ‘kin ang lahat, Mom. Hahayaan ninyo akong magdusa para sa sarili ninyong kaligayahan at interest. Ang akala ko pa naman ay ikaw ang unang makaiintindi sa kalagayan ko. Pareho lang kayo ni Daddy,” sambit ko sabay dinampot ko ang cellphone ko sa kama at bag sa side table ko. “Where are you going, Kate Cassey?!” galit niyang tanong. Hinaklit niya ako sa aking kanang braso ngunit marahan ko iyong pinalis. Nagtama ang tingin namin sa isa’t isa ngunit mabilis ko ring iniwas. Hindi ko kayang titigan sa mga mata niya si Mommy dahil lalo akong nasasaktan. “Gusto ko munang mapag-isa, Mom,” matapang kong tugon. Binitawan ako ni Mom at inilang hakbang ko ang pintuan para makalabas ng k’warto. Hindi ko alam na si Daddy pala ay nasa labas na nakatayo at seryosong nakikinig sa ‘min ni Mommy. “Kate Cassey! Come back! How dare you!” malakas niyang sigaw. Sandali ko siyang tinapunan ng masakit na titig at tinalikuran. Naglakad ako nang matulin sa hallway hanggang sa tumakbo ako pababa ng hagdan. Nasa second floor ang aking k’warto at malaki ang mansyon. May labin-limang silid sa mansyon kasama na ang master’s bedroom at para sa guest. Noon pa man ay laki ako sa layaw— lahat ng gusto ko ay nakukuha ko nang walang kahirap-hirap. Pinag-aral ako at nakapagtapos sa kursong B.S. in Business Administration. Nagmamay-ari kami ng daan-daang real estate saan mang panig ng bansang Pilipinas. Kasama na ang condo units, rent to own houses, mga buildings at iba pang establishment. Nakasalubong ko si Yaya Annie sa ibaba habang abala ito sa paglilinis ng sahig. Napahinto si Yaya Annie noong nakita niya akong nagmamadaling humakbang pababa ng hadan. “Saan ka pupunta, Ma’am KC?” nagtataka niyang tanong. “Aalis lang, ho ako sandali,” tipid kong sagot at mabilis na naglakad patungo sa labasan. Mabait si Yaya Annie at madalas siya ang kasama ko at pangalawang ina na ang turing ko sa kaniya. Kaya labis siyang nagtaka noong matipid ko siyang sinagot. Nasa forty-eight years old na si Yaya Annie at may dalawang anak na pinag-aaral niya. Habang ang kaniyang asawa ay nagtatrabaho bilang construction worker sa ilalim ng aming kompanya. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang susi ng kotse ko at siya naman ang paglapit sa ‘kin ng driver naming si Mang Nilo na nasa edad forty-five at may tatlong anak na nasa kolehiyo. “Ma’am KC, saan po kayo pupunta? Gusto mo ba na ipagmaneho ko po, kayo?” tanong nito habang pakamot-kamot pa ng ulo. Alam niyang hindi maganda ang mood ko kaya’t nahihiya ito at natatakot sa ‘kin. Minsan kasi ay napagalitan ko siya dahil madalas siyang late na bumabangon dahilan upang ma-late ako sa pagpasok ko sa opisina. COO ako sa company ni Daddy at ako ang pinagkakatiwalaan niya sa mga plano na ikagaganda ng kompanya. “Ako na ho, Mang Nilo. May pupuntahan lang, ako.” “S-Sigurado po ba kayo, Ma’am KC?” “Uulitin ko pa ho ba, Mang Nilo? Pakisabi sa guard na buksan ang gate,” mahinahon kong utos. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at pumasok sa loob. Naupo ako sa driver’s seat at ikinabit ang seat belt. Inarangkada ko ang kotse ko paalis ng garahe at lumabas ng gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD