Chapter 27

1424 Words

Irene Mariin ang pagkakahawak ko sa paper holder habang nakatayo sa tabi ni Albie. Prenteng nakaupo naman ngayon si Albie sa kanyang leather swivel chair habang kausap dito sa loob ng kanyang opisina ang lalaking iniiwasan ko – si Third Montenegro. Alam ko sa sarili na narinig kami ni Third kanina. Alam kong alam na niya ang totoo kong pangalan at sana, hindi niya isipin na ako ang Irene na naging impostora ng kanyang asawa, na sana, sa tagal na panahon ang nakalipas, nalimutan na niya ang lahat, nalimutan na niya ang mga bagay na ginawa kong mali noon. Napansin ko na panay ang sulyap sa akin ni Third habang kausap niya si Albie. Hindi naman ako makatingin sa kanya nang diretso dahil naiilang ako. Sumabay pa ang malakas na kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib. "So what do you think

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD