bc

His Impostor Wife (Filipino)

book_age18+
8.0K
FOLLOW
59.6K
READ
billionaire
family
goodgirl
drama
bxg
heavy
city
office/work place
cheating
wife
like
intro-logo
Blurb

Dahil hindi nais ni Irene Cristobal na mamatay ang kanyang ina, nakipagkasundo siya sa mayamang si Clara Montenegro.

Sa tulong ng plastic surgery, naging magkamukha ang dalawa at tuluyang nagpanggap si Irene bilang si Clara. Ngunit hindi niya akalain na tuluyan niyang mamahalin ang asawa nito na si Third Montenegro, isang bagay na wala sa kasunduan na kanilang pinirmahan.

chap-preview
Free preview
Prologue
Irene Nanginginig ang aking kamay habang nakalapat ang dulo ng ballpen sa papel na aking pipirmahan. Pilit ko pa ring binabasa ang mga bagay na nakasulat sa kontrata na nasa aking harapan. Alam kong sa oras na pirmahan ko ang bagay na ito, magsisimula na ang pagbabago ng aking buhay. "'Wag mong sabihing umaatras ka na, Irene?" saad ng babaeng nasa aking harapan. Naka-cross ang kanyang binti at prenteng nakaupo sa isang silya na nasa aking harapan habang nandito kami sa loob ng isang restaurant. "H-Hindi sa gano'n, Clara," nauutal kong tugon sa kanya. Pikit mata akong nag-iwan ng lagda sa papel na nasa aking harapan. At nang matapos ako, agad itong kinuha ni Clara. Nakita ko ang malaking ngiti sa kanyang labi. "We're all set, magkita tayo bukas sa ospital na sinabi ko sa 'yo," saad niya. Tumango lang ako bilang tugon, saka siya nagsimulang tumayo at lumakad palayo sa aking kinaroroonan. Naiwan akong mag-isa sa lugar na iyon. Dala-dala ko sa aking dibdib ang isang mabigat na desisyong aking ginawa — ang desisyong magpanggap bilang asawa ng lalaking ngayon ko lang makikilala. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganitong desisyon. Ngunit para sa aking ina, lulunukin ko ang lahat ng aking dignidad mailigtas ko lang ang kanyang buhay. *** Tulad ng napagkasunduan namin ng babaeng si Clara, pumunta ako sa isang malaking ospital. Nang ako ay makarating sa lugar na iyon, agad akong sinalubong ni Clara at sinamahan sa lugar kung saan gagawin ang isang lihim na operasyon. Pinagpalit nila ako ng damit at saka sinuring mabuti ng doktor ang aking mukha. "Doctor Alfonso, please make sure that this operation will be confidential." "Yes, madam." Narinig ko ang usapan ni Clara at ng doctor na sa tingin ko ay hindi isang pilipino. Sunod-sunod ang t***k ng aking puso nang magsimula akong humiga sa higaan kung saan ako ooperahan. Sa kisame ng higaang ito, nakita ko ang reflection ng aking mukha, ang aking mukha na ngayon ay may mapapait na luha. Habang malalim ang mga bagay na aking iniisip, hindi ko napansin na unti-unti na akong nakatulog dahil sa anesthesia na tinurok sa aking katawan. Sa pagmulat ng talukap ng aking mga mata, ramdam ko ang mga bendang nakabalot sa aking mukha. "Congratulations! The operation is successful," rinig kong saad ng doktor. "Kumusta ang pakiramdam mo, Irene?" nakangising tanong sa akin ni Clara. Ngunit naisin ko mang tumugon sa kanyang tanong, hindi ko magawang igalaw ang aking labi. "Don't worry, gagaling din ang mga sugat sa mukha mo," pagpatuloy niya. *** Sa paglipas ng araw, nararamdaman ko ang unti-unting paghilom ng mga sugat sa aking mukha. Pinag-ensayo rin ako ni Clara upang gayahin ang kanyang pananalita, pananamit, pagkilos, at pati ang kanyang boses ay kailangan kong gayahin. Hindi nagtagal, ang lahat ng ito ay madali kong natutuhan. Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na akong gumaling. Isang bagong umaga, umupo ako sa kama na aking kinahihigaan. Nang makita ko ang isang lamesa na may salamin hindi kalayuan sa aking kinaroroonan, marahan kong hinakbang ang aking mga paa patungo sa salamin na ito. Marahan kong hinila ang upuan saka umupo rito at tumingin sa salamin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ang bago kong mukha. "Finally! You're awake," nakangiting saad ni Clara nang buksan niya ang pinto ng silid. Nagsimula siyang maglakad patungo sa aking kinaroroonan. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad nang hawakan niya ang aking balikat, saka kami sabay na tumingin sa salamin na nasa aming harapan. "Bagay sa 'yo ang mukha ko, hindi ba?" nakangiti niyang saad. Ang pagkakaretoke sa aking mukha ay tila isang perpektong masterpiece. Maging ang nunal sa mukha ni Clara, tamang-tama ang pagkakagawa. Halos hindi ko na makita at maalala kung ano nga ba ang mukha ko, ang mukha ko noon na may ilang pekas at pilat dahil sa hirap na pinagdaanan. "Handa ka na bang magpanggap bilang ako, Irene?" tanong sa akin ni Clara. Mariin kong naikuyom ang aking kamay. Nagsimulang bumilis ang t***k ng aking puso dahil sa kaba na aking nararamdaman. Ito na ang umpisa ng aking pagpapanggap at hindi ko alam kung magagawa ko ba ito nang tama. Ngunit wala akong magagawa, kailangan kong tuparin ang kontrata na aking pinirmahan. Marahan akong tumango bilang tugon sa kanyang sinabi. Matapos iyon, nagsimula akong mag-ayos. Sinuot ko ang damit na madalas suotin ni Clara at nagsimulang lumabas sa ospital. Naghihintay sa akin ang isang itim na kotse na magdadala sa akin sa mansion ng Montenegro. Habang lumalayo ang sasakyan sa ospital, sunod-sunod ang kaba na aking nararamdaman. At dahil dito, nagsimulang bumigat ang aking balikat, saka ko naramdaman ang luha na pumatak mula sa aking mga mata. Mariin ko itong pinahiran at pilit kong tinatagan ang aking loob. Ano ka ba, Irene? Nandito na tayo. Ngayon mo pa ba naiisip umatras? *** Nang sa wakas ay makarating kami sa mansion ng Montenegro, hinakbang ko ang aking paa palabas sa kotseng sinasakyan ko. "Maligayang pagbabalik, Senyora," saad ng isang katulong habang ito ay nakayuko. Tulad ng tinuro sa akin ni Clara, hinubad ko ang dala kong coat, hinawakan ito gamit ang dulo ng aking daliri na animoy nandidiri, saka ko ito binagsak sa sahig. Agad ko namang nakita ang nagmamadaling mukha ng katulong na nasa aking harapan. Dinampot niya ang binagsak kong coat saka tumayo at muling yumuko sa akin. "Senyora, hinahanap po kayo ni Sir Third," saad niya. Mariin akong napalunok nang marinig ko ang pangalan ng asawa ni Clara. "Sige, pupunta ako sa kanyang silid," tugon ko. Kahit nanginginig ang aking katawan, pinilit kong ihakbang ang aking mga paa papasok sa malaking mansion. Nang ako ay makarating sa silid ng asawa ni Clara, walang tao sa loob nito. "Nandiyan ka na pala." Mabilis akong napalingon nang makarinig ako ng isang malalim na tinig. Tumambad sa aking mata ang isang gwapong lalaki. Nakasuot ito ng bathrobe habang tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang isang maliit na tuwalya. "Let's get this started," muli niyang wika. Nagsimulang bumilis ang t***k ng aking puso. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong hubarin ng lalaking ito ang bathrobe na kanyang suot. Dahil dito, ang kabuohan ng hubad niyang katawan ay aking nakita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook