Chapter 2: Work

2104 Words
"Thank you for the help... though I didn't really need you to save me from that bunch of idiots." Humina nang kaunti ang boses ko. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa'kin, tila pinag-iisipang mabuti kung ano ang dapat niyang isagot sa'kin. "Guess so. Maybe, I was worrying too much," he casually said, putting his right hand on his chin. "But thank–" naputol ang pagsasalita ko sa biglaang pagtunog nang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Tiningnan ko ang lalaki sa harap ko at bahagyang ngumiti. I wanted him to get out of the scene already but he just nodded as if I was asking for his permission. Well, I couldn't be mad. I needed to maintain my posture... and my image. Pero sabay na bumagsak ang balikat ko nang makita kung sino ang tumatawag. Ito 'yong manager ng bagong restaurant na pinapasukan ko. I almost forgot that I have a work to attend! No, it wasn't almost, it was like I entirely forgot it! Pagtapat ko pa lang sa tainga ay narinig ko na ang malakas na sigaw niya. She was full of rage again. "Sorry, ma'am." I sincerely said. "Pupunta pa rin po ako d'yan. Pasensya na po, may nangyari lang talaga na–" "Don't bother to come! You're fired!" Pakiramdam ko, lahat ng sama ng loob niya ay pinagsama-sama na at binato sa'kin. Bago pa ako makahingi ng pangalawang tsansa ay naibaba na nito ang telepono. Nagawa ko na lang na titigan ang cellphone kong unti-unting nawawala ang ilaw sa screen. I sighed a little. Wala na naman pala akong trabaho. Bwisit na mga tambay 'yon. Ako pa talaga ang napag-trip-an. Nalate tuloy ako lalo at ngayon, wala nang trabaho. Huwag na huwag ko lang talaga ulit silang makita. Nako... nanggigigil ako. Gusto ko na lang manakal bigla. "You got fired?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses niya. Right, he was still here. Akala ko ay umalis na siya. "Unfortunately, yeah." "Because of that guys?" Naiyukom ko ang kamao ko at tumango. "Yeah. Thank you for punching them a little while ago." Kanina, medyo naawa pa ako roon sa lalaki dahil mukhang ang lakas ng pagkakasuntok niya. Kulang na lang kasi ay bumaon na 'yong kamao sa pisngi. Pero ngayon, wala na akong ibang nararamdaman kundi ang kagustuhan na lang na masakal sila isa-isa. "You are welcome." A small grin appeared on his face. Somehow, it was annoying. Kanina ko pa rin nararamdaman na may kamukha siya. 'Yong mga features ng mukha niya... parang nakita ko na sa kung saan. But I just couldn't remember it. "Una na ako. I need to find another work," hindi ko na hinintay ang response niya. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Pagdating sa sakayan, doon ko lang naramdaman na ang lakas pala ng t***k ng puso ko. Kanina pa 'to pero hindi ko masyadong pinapansin. Iba lang talaga ngayon. Parang mas bumilis. Isa pa... hindi rin mawala sa isip ko 'yong mga kataga no'ng lalaki na sinabi niya kanina. Get your hands off of my girlfriend... huh? Why girlfriend, though? Pwede namang pinsan o kapatid. Hindi ko 'yon natanong sa kanya, sayang. But seemed like he was comfortable in calling me like that. Halatang walang hesitation sa boses niya, e. It actually gave me creeps. Another day came and as usual, busy ulit ako sa academics at training. Marami akong gustong ma-attend-an na match ngayon at hindi ganoon kataas ang stamina ko para tumagal sa mga game kaya kailangan talaga ng training. No'ng medyo naiinitan na ako at tumutulo na ang pawis ko sa noo, napagpasyahan ko munang umupo sa gilid ng court at magbukas ng juice. "H-Hello..." Diretso kong nalunok ang iniinom nang marinig ang isang boses. Riane, huh... why is she here? "Oh?" Plain na bati ko at tinitigan lang siya. I didn't have the energy today to treat her well. Bukod sa pagod ako ay marami ring iniintindi. Wala pa akong bagong work at kailangan ko nang makahanap. "What's your business with me?" Ako na ang nagfirst move na magsalita dahil mukhang wala siyang balak. "Actually... I want you to join our club..." But anyway, she said it right away. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "The one in second floor?" I asked, she nodded. "What's the name again?" I was trying to remember it but I couldn't. Hindi naman kasi gano'n kakilala ang club nila. Seems like wala ring may balak na sumali. "Art Review Magazine," she shortly replied. I creased my forehead when I heard the name. If that was the case... "Hmm... the reason for inviting me? Is it Quentil? I know you don't want me to be a part of that club." I knew that she didn't like me. Nabanggit nga sa'kin ni Quentil na may club siyang sinalihan. Though, he didn't invite me that time. I wonder if he was shy to ask me back then? "Yeah. Right," at gusto niya talagang ipamukha sa'kin na ayaw niya sa sarili ko. Anong klaseng recruiter siya? Is she heartless or something? "I see..." Yumuko ako at pinulot ang bola na gumulong sa gawi namin, saka ko pinatalbog-talbog sa sahig. "I'll join your club." Habang wala pa akong nahahanap na work, pwedeng doon ko muna sayangin ang oras ko sa pagiging active. Then, after months, manlalamig na ako sa club at bihira nang pupunta. She smiled, a fake one. "Really?" Was she really doing her best to hide that she didn't like me?  "But there's one condition." I said and her forehead creased. "What's that?" I wonder paano siya napilit ni Quentil na i-invite ako? "Help me in my practice for two days," I said, for her to get my approval. "What? Again?" Aniya na akala mo ay nabingi. She was just pretending. Tumalikod ako at hinagis sa kanya ang can ng juice. Nasalo niya naman iyon. Nice catch. "We'll start on Monday at 5am to 7am. Bye." Kumaway ako at naglakad na ulit pabalik sa tapat ng net para i-train ang pagpalo ko. Riane's face... it was weird. I felt like I'd seen it somewhere but she wasn't it. Guni-guni lang ba 'yon? Probably, kulang na naman ako sa tulog. "May alam kang part-time?! Seryoso?" Gulat na tanong ko kay Pauleen at niyugyog ang dalawang balikat niya. "Y-Yeah! So, don't shake me!" Looks like nairita na siya. Nag-peace sign ako at bumingisngis nang mahina. "So, ano 'yong part-time na alam mo?" "Hindi ko alam if keri mo ba 'to," "Basta may bayad na pera, kaya ko 'yan." Desperang aniko at kulang na lang ay lumuhod na para sabihin niya na. "Ano bang klaseng trabaho ang gagawin? Kahit ano naman ay pwede, basta 'wag lang s*x–" "Daphne! Lumabas na naman 'yong wild na personality mo! Nasaan na 'yong tahimik at pala-observe lang na Daphne, ha?!" "W-Wait!" Siya naman ngayon ang nangyuyugyog. Hindi ko alam if sinabi niya ba 'yon para lang makaganti sa'kin. "So, what is it?" I seriously asked. "Wow! Bumalik ka na ulit–" "Quit your babbling, just tell me if anong klaseng work 'yan at saan. That's all I need." Ginamit niya ang kanang kamay at nag-salute. "Yes, ma'am! And anyway, malapit lang ito roon sa dati mong work. Alam mo 'yong malaking building doon?" I nodded. "Yeah. Sa may bandang unahan 'yon, 'di ba?" "Yup. Condominium 'yon. Nagtatrabaho kasi si mama sa mga Laxina, e, ang sabi sa kanya, humanap daw ng pwedeng tagalinis ng condo no'ng anak ng amo ni mama. Tapos 'yong sanay sanang magluto at magplantsa ng mga damit para if needed din, madali na. Keri mo ba 'yon, 'teh?" Nakapalumbabang anito at tinaasan ako ng kilay. Laxina, huh... "Is it Riane's unit?" Laxina's a famous family name and Riane's member of it. She shook her head. "No. Sa older brother niya yata." Kumunot ang noo ko. "It's a guy?" Napapitik siya sa hangin. "Hindi ko pa ba nasabi sa'yo?" Umiling ako. "Sorry! Nawala sa isip ko, pero oo, lalaki siya. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ka naman maiilang dahil halos wala daw 'yon doon lagi. Gabi lang ang uwi kaya kailangan ng taga-luto." Napatango ako. So basically, I was going to be a maid for that particular guy. Walang namang masama roon. Isa pa, malayo mula sa school namin kaya safe. Hindi katulad ng mga restaurant na kapag may nakita kang familiar ay mapapaliko ka ng daan. "Kailan ba ang start ng work?" I asked. "Interested ka?" "Yup. I want to try," older brother ni Riane, huh... tiyak na mapapagod ako nito. After all, makalat masyado ang mga lalaki sa kwarto nila. "Sasamahan kita mamayang uwian. Skip muna natin ang training, ayos lang?" I was stuck, looking at her. "Are you sure?" Siya ang captain kaya dapat ay lagi siyang nandito para i-guide ang ilan na nagsisimula pa lang matuto. "Yes, don't worry. Nand'yan naman si Dina." Oh, yes. Mayro'n pa pala kaming vice captain. Dumating ang hapon at tulad ng plano, ini-skip namin ang training. Sasalubungin daw kami ng nanay niya sa harap ng building para tanungin ako saglit at makapagsimula na rin ngayon. "Siya ba 'yong sinasabi mo, Pauleen?" Napamano na lang ako sa babaeng sumalubong sa'min. So, this was her mother. Bata pa siya. "Opo, mapagkakatiwalaan naman 'yang si Daphne, mama." Bumaba ang tingin ng babae papunta sa paa ko, tila sinusuring mabuti ang panlabas na anyo ko, kung mukha ba akong kriminal o ano. "Sigurado ka ba hija na kaya mo ang trabaho?" Nag-aalalang tanong nito sa'kin. May mali ba sa itsura ko? Well, madalas ngang napagkakamalan akong walang alam sa gawaing-bahay. "Yes po, sigurado ako." I said with a little smile. Inakbayan naman ako ni Pauleen. "Sanay na sanay 'tong si Daphne sa mga household chores, ma! Mukha lang talaga siyang tamad dahil sa ganda at kinis ng mga kamay pero masipag talaga 'yan." Totoo ang sinabi niya. Hindi talaga halata sa build ng katawan ko na masipag ako. Lahat ng experience ko sa mga part-time job ay hindi nahahalata nino man. Kaya nga napapanatili ko ang image ko sa school. "Kung si Pauleen ang may sabi, oh sige na. Pwede na ba kitang iwanan dito? Ibibigay ko na lang sa'yo ang duplicate na susi..." "P-Po?" Kumunot ang noo ko. "Hindi niyo na po ba ako iga-guide sa mga kailangan kong gawin?" "Kung paano ka mag-ayos ng bahay niyo, ganoon lang din naman ang gagawin mo. Basta ang mahigpit lang na bilin ni sir ay 'wag kang mangingialam o 'wag iibahin ang pwesto ng kahit anong gamit. Tapos sa pagluluto naman, kung ano lang 'yong nasa ref. Ikaw na ang bahalang mag-isip kung anong klaseng dish, hindi naman iyon maselan..." Tumigil ito at may binunot sa bulsa niya. I didn't know if magiging masaya ba ako or what. Pinagkatiwalaan niya agad ako... seryoso ba 'to? "Ito ang susi. Tuwing ganitong oras ang punta mo rito. Ikaw ang bahala sa uwi mo. Basta nakapagluto ka na, ayos na naman 'yon. Mag-iwan ka na lang ng sulat kung may ilan ka pang ginawa. Nakuha mo ba?" Dahan-dahan akong tumango. "Opo." Hindi na rin naman ako bago sa ganitong trabaho kaya madali lang ito. Sinulyapan ko si Pauleen at nakita ang pagthumbs up niya sa'kin. She was smiling from ear to ear. I didn't expect that time would come and she had to help me in my work. "Una na kami, Daphne! Ingat ka mamaya sa pag-uwi mo!" Kumaway ito sa'kin. Ngiti ang tanging sinagot ko at tinanaw lang sila hanggang sa mawala sa paningin ko. Nakarating na ako sa tapat ng unit ng bago kong amo pero hindi ko pa rin alam kung totoo ba 'to. I thought tatagal ulit ng two months bago ako makahanap ng bagong work. Sobra akong nagwo-worry dahil hindi ako pwedeng ma-short sa pera this year. Graduating ako at malapit na rin ang college. I needed to save up for my tuition fee, in case na walang makuhang scholarship. Namangha ako nang makita ang loob ng unit. It was... completely clean. At may CCTV. No wonder kung bakit napagkatiwalaan agad. Maku-kuwestiyon ko na lang talaga ang existence ko rito, e. Ibang-iba sa in-expect kong aabutan ko. Lalaki ba talaga ang nakatira dito? But anyway, I still did my job. Lahat ng pwedeng linisin ay nilinis ko at nagluto rin ako ng dish na pwedeng magawa sa mga ingredients na nasa refrigerator. Hindi gano'n kadami ang ginawa ko pero mag-aalas otso na ang oras nang makapagsuot ako ng sapatos para umalis na. The owner was still not here. Maybe, sobrang busy niya sa work at gabing-gabi na talaga ang uwi. "Okay, I'm done." I mumbled to myself. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD