Chapter 1: Girlfriend

2260 Words
"Daphne!" I was busy tying my shoelace when I heard someone. Kumunot ang noo ko at handa na sanang lumingon nang biglaan naman siyang bumulaga sa harap ko at ngumiti nang malaki. "Yo, 'sup?" Magiliw na bati niya sa'kin. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko na para bang sinusuri siya. Bumaba ang tingin nito sa sapatos ko at bumuka nang kaunti ang bibig. "Tulungan kita?" Pag-aalok niya at agad na umiba ng pwesto, papunta malapit sa paa ko. "Uh, no. I'm okay." Winagayway ko ang kamay ko at inunahan na siya sa p*******i. No'ng matapos ay tumayo ako nang tuwid at tiningnan ulit siya. "Diretso ka sa practice?" He asked. "Well, yeah. Actually, ngayon 'yong official na start ng practice namin." Nagsimula akong maglakad at sumunod naman ito sa'kin. "Pero mula no'ng nag-start 'yong classes, lagi ka nang nasa court tuwing uwian, 'di ba?" Aniya, halatang gustong pahabain ang usapan. "Yeah. How do you know?" I asked, arching my eyebrow a little. Mabilis itong umiwas ng tingin at alanganing ngumiti. "Ah!" He laughed nervously as he shook his head. "Nahulaan, uh, naisip– I mean, nakita ko kasi no'ng nakaraan. Nadadaanan ko 'yong court niyo tuwing papunta ako sa swim club, 'di ba?" Dahan-dahan akong tumango kahit na hindi ko masyadong naintindihan 'yong sinabi niya. He spoke too fast. Parang pilit na may tinatago. "Yes... I think." "Kamusta pala 'yong exam mo sa Math no'ng nakaraan?" Pag-iiba niya sa topic. "Ah, yes... it was okay. Thanks to you, Quentil." I smiled a little. "U-Uh... yeah..." Katulad ng kanina ay umiwas na naman siya ng tingin sa'kin. Pero tingin ko, magkaiba ang dahilan no'n. He seemed happy now. Kanina kasi ay mukhang ninerbyos siya bigla. Kumamot ito sa batok niya. "Kapag kailangan mo ulit ng tulong, don't hesitate to chat me. Friends naman tayo sa f*******:, 'di ba?" Napahinto kaming dalawa nang makita na nasa harap na ng volleyball court. Pinatalbog ko sa lupa ang hawak na bola at saka inilipat sa kanya ang tingin. "Yeah. Asahan ko ulit 'yong tulong mo if ever. Is it fine?" Mabilis siyang tumango. "Yes, of course!" Hindi ako nakasagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. It was odd. Okay lang ba sa kanya na naaabala siya ng ibang tao? I mean, for me, it wasn't okay. Ayoko sa lahat ay 'yong nasasayang ang oras ko sa taong wala naman akong makukuhang benefit. "D-Daphne? Are you still there?" Kumaway siya sa harap ko, medyo namumula ang mukha at hindi mapakali. "Sorry, I spaced out." "Kulang ka sa tulog o pahinga?" Nag-aalalang tanong niya. Halatang sincere siya sa tanong base sa mga mata niya. I could tell– no, feel it. "Hindi naman," "E, bakit ka nag-space out? May naalala ka ba na school works na 'di mo pa tapos?" He really seemed worried about me. Too much for a friend. "Na-weird-an lang ako sa'yo," pag-amin ko. "H-Huh? Weird? Ako?" Tinuro niya pa ang sarili na parang 'di makapaniwala. "Yes. You're weird, Quentil." Seryosong sabi ko. "W-Well... if you say so..." Payag siya roon? What a weird man. Napangiti na lang ako at unti-unting natawa. Gulat itong tumingin sa'kin at tila nakakita ng panibagong bagay na ngayon niya lang natuklasan. "Sige na, magpa-practice na ako." Paalam ko rito at tumalikod. Pahakbang na ako papasok sa court nang humarap ulit sa kanya. He was still standing there. "Ano–" "May sasabihin ka pa..." I tilted my head slightly. "Right?" He nodded. "Oo sana. Okay lang ba? Baka maabala na kita." "It's fine, don't worry." Ayokong nagsasayang ng oras. Sa totoo lang, gusto ko nang magsimula sa practice at umalis na si Quentil. Hindi sa ayaw ko sa kanya pero ako 'yong tipo ng tao na gustong nasusunod ang bawat schedule ko. At ngayong oras na 'to, dapat nagsisimula na ako sa stretching. But well... malaki ang natulong sa'kin ni Quentil nitong nakaraan. We had an exam in Math and I was absent for a whole week. Wala akong kaalam-alam sa topic at hindi rin ako pwedeng bumagsak dahil sa scholarship ko. Varsity ako ng volleyball team pero may sinusunod pa rin kaming grades. Isa pa, ayoko rin namang basta-basta na lang bumagsak sa isang subject. At first exam pa naman 'yon. Kailangan kong ipakita na nag-eexcel ako. I couldn't slack off. I was frustrated back then, self study about sa lesson namin for that week, hindi ako nakahawak ng bola para lang doon, pero wala pa rin akong maintindihan. I wasn't that good in Math. Then, Quentil appeared out of nowhere. He offered me help and of course, I desperately grabbed that. "Sorry talaga kung naaabala na kita, Daphne." Kanina pa siya paulit-ulit. "It's fine, really." Nilapag ko ang bag ko sa isang upuan. "Ano ba 'yong gusto mong sabihin?" I asked as I opened my tumbler to drink water. "About that..." Kita ko ang paghugot niya nang hininga kahit na pasimple lang iyon. "I-I have something to say." "Okay... about what?" He seemed uneasy. "I... actually..." And he couldn't say it straight. I knew where it'd go. "What is it?" I still asked, though. "I-I... have f-feeli... I have a feeling that you might need my help again and for some reason, I won't be online for some days. So here's my number." May binunot ito sa bulsa niya, isang kapirasong papel at binigay sa'kin. "Oh... okay..." Tinitigan ko iyon nang matanggap. It was really his number. "S-Sige! Una na ako. Hinay-hinay lang sa training, ah? Bye!" Bago pa ako makapagsalita ay nawala na siya sa paningin ko. Ang bilis niya pala tumakbo, pang-baseball na sport ang talent niya. Though, sa swim club siya kasali. "Huy!" "Oh." Napamaang ako sa biglaang pagtapik ng kung sino sa balikat ko. "Same reaction as usual, e?" Disappointed na anito at pumunta sa harap ko. She smiled widely, she was showing her complete set of teeth. Nag-peace sign din ito, isa sa mga habit niyang gawin tuwing magkikita kami. "Why are you surprising me like that?" Huminga ako nang malalim at pinulot ang bola sa sahig. "Help me to stretch." I said as I lay down on the floor. "But answer my questions, okay?" Masiglang aniya at nagsimula akong tulungan. "Questions?" I emphasized the letter s, asking if it was really meant to be plural. "Yup. Marami akong tanong ngayon... about that guy." "Ah, you mean Quentil?" Paglilinaw ko. Napatigil siya at kumunot ang noo. "You're actually calling and remembering his name?" "Huh? Of course. We're... kind of friends, I guess." Hindi ko siguradong sagot. "Ay, friends?" Halatang-halata sa boses niya ang disappointment. "Yes. May masama ba?" "Akala ko nagde-date kayo," "Date?" Halos manuyo ang lalamunan ko. "I won't do that kind of thing." "Nako, 'di mo sure, 'teh!" Natatawang anito. "Aray naman!" Pagrereklamo ko nang biglaan niya akong nadiin masyado. "Ay, sorry!" Binitawan ako nito at nag-unat-unat din siya. Tatawa-tawa pa ito nang tingnan ko siya nang masama. She really enjoyed it when I was frustrated. "Bakit naman 'di ko sure?" Pagbabalik ko sa topic niya kanina. "'Di mo naman masasabi 'yong future. Malay mo bukas, kayo na pala, 'di ba?" Nailing ako at hinagis ang bola nang mataas. Huminga ako nang malalim at hinintay ang tamang timing sa pagtalon. Nang malapit na ang bola ay tumalon ako at buong lakas na pinalo ang bola. Halos bumaon 'yon sa sahig sa kabilang banda ng net. Narinig ko ang pagpalakpak ni Pauleen sa likod. "Ang bilis mag-improve ng mga serves mo, ah." Napatango ako at tinitigan ang palad ko na namumula. "Of course," Narinig ko na naman ang tawa niya. "Iba talaga ang confidence ng Helera, e!" Hindi ko siya pinansin at kumuha lang ng panibagong bola. Pinatalbog ko 'yon sa sahig. "'Yong Quentil na sinasabi mo, gusto ka no'n, 'no?" I heard her say. I didn't talk.  Nagserve lang ako ng panibago. But now, I didn't jump. Normal na serve lang. "He seems a good guy. Bakit hindi mo i-try?" "I don't have time," maiksi kong sagot. "Mayaman din ang fam–" "Shut up." Madiin kong sabi at hindi na siya ulit pinansin. Wala ng araw nang lumabas ako ng court. Medyo madilim na rin at bukas na ang ilang ilaw sa labas. Binuksan ko ang cellphone ko para makita ang oras. It was 5pm. Mayro'n pa akong 30 minutes para magpahinga. 6pm ang part-time job ko at 5:30 ay kailangan papunta na ako roon. Medyo malayo rin kasi. I couldn't risk na magtrabaho ulit sa malapit sa school. I guess, I should take it easy for today. I'd treat myself a milktea and cookies. "Sorry po, ma'am. Hindi na po siya available for today. Kakaubos lang po." Ani ng tindera pagpasok at pagsabi ko ng gusto kong cookies. Tinitigan ko ang milktea sa kanang kamay ko at bumuntong-hininga. Guess this'd do. "Okay lang po. Thank you." Magalang kong sabi at tumalikod na pero bago ako makalabas ay muli akong tinawag no'ng babae. "Ano po 'yon?" May nahanap ba silang stock? "Ito po. Pinapabigay no'ng lalaki rito kanina." Inabot niya sa'kin ang isang garapon no'n. Ang dami. One fourth lang nito ang afford ko. "Kanino?" I asked. "Doon po sa lalaking..." Lumingon ito sa likod ko. "Ay, wala na po, kakalabas lang yata." Aniya at umiling. "Anong name niya?" I asked again. "If I am correct... he said it was Riu." Hindi sigurong sabi niya at nakahawak pa sa baba. Riu? He gave me this? Was he a kind of stalker? "Uhm–" balak ko sanang isaoli pero bigla ulit siyang nagsalita. "And if tama po ako... parang sinabi niya rin yata na magkikita daw po ulit kayo," "Huh?" "Tapos po ngumiti siya," "What was his face look like?" Curious na tanong ko. "Ay, 'di kayo maniniwala! Super pogi, ma'am! Hindi niyo ba talaga napansin dito kanina? Ang tangkad kaya! Tapos ang puti pa! Agaw-pansin–" I cut her off. "Okay, I see. Thanks for the information and for the cookies but I can't just take this." Binaba ko ang garapon sa harap niya at tumalikod pero muli ring humarap. "Kapag bumalik siya ulit dito, pakisabi na lang na salamat." With that, I left the shop. With my milktea, at least. After that day, I was still curious about that guy... Riu, was it? Hindi ako sure pero tingin ko ay iyon. Tatlong araw na rin ang lumipas no'n at hindi na ako bumalik sa shop. My pride just couldn't. Even though my favorite cookies were in there. Sobrang sungit kasi ng pagkaka-exit ko, ang pangit naman tingnan kung magpapakita pa ulit ako, 'di ba? Baka sabihin pa n'yan ay pinu-pursue ko 'yong Riu. "Daphne! Daphne!" Wala pa man sa loob ng court ay naririndi na ang tainga ko sa boses ni Pauleen. She was my senior pero hindi umaakto na ganoon. Minsan tuloy ay nakakalimutan ko nang gumamit ng polite na mga words. "Ano 'yon?" "Here!" Masiglang aniya at nilahad sa'kin ang application na fi-fill up-an namin para maging official member ng club. "Mayro'n na pala," I uttered. "Oo naman! Nakikita mo pa nga, e, 'di ba?" Pilosopo nitong sagot. Hindi ko na siya pinatulan at kinuha na lang sa kanya ang papel. Actually, she was also our captain. Magaling si Pauleen sa volleyball. Tuwing maglalaro kami at nasa magkaibang team, hindi ko siya matalo. She always won our battles no matter how weak her teammates were. Kaya sobra ko siyang nire-respect. Though, nakakainis lang talaga ang lakas ng boses at dami ng tanong niya. "Tapos ka na agad?" Gulat niyang tanong. "Yeah. Babalik na ako sa room ko," "Okay! See you later sa practice!" Tipid lang akong tumango at umalis na. No'ng pabalik na ako sa room, natigil ako sa paglalakad sa hallway dahil sa isang kakilala. She was standing right in front of me. Not moving any inch of her body, nor blinking. What's wrong with her? "Why are you staring?" Mukhang ngayon lang niya namalayan na tinawag ko siya. I was kind to all. Kahit na ayaw ko sa isang tao, pinakikitunguhan ko siya. Of course, except kay Pauleen. And I guess... for her. "Nothing," ang diin niya sumagot. "Oh..." Tumaas ang kilay ko hanggang sa napunta sa ngiti. But I guess it wouldn't hurt to treat her nice today. "Have a nice day, Riane." Though, naalis din ang ngiti ko nang makalagpas sa kanya. Katulad kahapon, wala na ulit ang araw nang makalabas ako ng court. Mag-iisang linggo na rin na late lagi ang labas ko. Pinakalate lang ngayon. Crap! May part-time pa nga pala ako! Nagmamadali akong lumabas ng school at maglakad papunta sa sakayan ng tricyle. 6pm na lagpas. Hindi ko napansin ang oras. Mukhang matatanggal pa ako sa trabaho. Tuloy-tuloy ang lakad ko nang mapahinto dahil sa pagharang sa'kin ng ilang kalalakihan. "Miss, ganda mo, ah." "May boyfriend ka na ba, ate?" "Reto ko na sarili ko sa'yo, oh!" I calmed myself. "Sorry, busy ako ngayon, e. So, please excuse me." Ngumiti ako at nilagpasan sila pero hinawakan ng isang lalaki ang wrist ko. This little piece of s**t. "'Wag ka na pakipot, alam naman naming gusto mo rin kami." Tumawa ang isa at inakbayan ako. "Ano, tara na, oh?" Mariin akong pumikit. Looks like these shitty pieces of trash need to learn their lesson. Magsasalita pa lang sana ako nang biglang may bumaon na kamao sa mukha ng lalaking nakaakbay sa'kin. Sa takot no'ng isa pang lalaking nakahawak sa'kin ay siya na ang kusang lumayo. What the hell has happened?! That was too quick! "Get your filthy hands off of my girlfriend, you shitty brats." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD