Chapter 5: Want to Kiss You

2167 Words
Ilang segundo pang nanatili ang tingin ko sa kanya. Naiyukom ko na lang ang kamao ko at hindi siya pinansin. Iniwas ko ang tingin ko rito at nilagpasan siya na parang walang nakikita. Okay... it's okay... hindi ko siya kilala. "Oh, you're ignoring me, aren't you?" Rinig kong tanong niya mula sa likod ko, ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin. Couldn't he read the atmosphere that I didn't want him around? Ang yaman-yaman niya pero hindi makabili ng simpleng common sense. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng mga bagay na pinapabili ni Riane sa amin. Kailangan ko ring magmadali dahil gusto kong maunang makarating sa place na pagkikitaan namin which is bahay ni Ma'am Cavah para manalo sa bet. "Daphne, you need this?" But how could I win out bet if he was still around? Hindi ako makapamili nang maayos dahil sa kakasingit niya. Though, bale wala naman 'yong opinion niya. Hindi ko siya pinapansin at hinahayaan lang na magsalita nang magsalita rito sa tabi ko. "Kasama mo nga pala mag-overnight si Riane ngayon, 'no?" Aniya ulit na akala mo talaga ay sasagot ako sa tanong niya. Sa totoo lang, masarap kausap at kasama si Riane. Sa tingin ko, kung makakapag-bonding pa kami ng medyo matagal, magiging super close friends kami at magkakasundo sa maraming bagay – though marami rin kaming gusto na hindi gusto ng isa't-isa. "Daphne, why don't you talk to me? Wala namang masama, 'di ba?" Ilang beses ko nang sinubukang maglakad nang mabilis at lumiko kung saan-saan para mailigaw siya pero masyado yatang focus ang mata niya sa'kin, hindi-hindi ako mawala sa paningin niya. Napangiti na lang ako nang kaunti no'ng makitang last na 'tong hahanapin ko. Sakto rin at nahagip agad 'yon ng mata ko sa itaas ng shelf. Aabutin ko pa lang ang lata ng corned beef no'ng may naunang kamay na humablot dito. Hindi ko maiwasan ang mapabuntong-hininga at sulyapan ang mukha niyang kanina pa ako iniirita. He was smirking as usual, halatang nang-aasar. "What the hell's your problem?" Mahinang tanong ko rito. He slightly tilted his head. "Huh? Anong sinasabi mo? Wala naman akong problema." Hindi ko gusto ang boses niya. Mas obvious pa sa sikat ng araw na namimikon siya. Imbis na makipag-away ay binaling ko na lang ang tingin doon sa natitirang isa pang lata ng corned beef. I was about to get it when he suddenly grabbed it. Again?! "Hey. Nananadya ka ba o ano?" Tinaasan ko siya ng kilay at himigpit ang hawak sa basket na dala. "Huh? What are you saying, Daphne?" Mahina siyang humalakhak at nagkibit-balikat. "I just needed this corned beef. Masama ba 'yon?" Tumingin siya sa'kin. "Or kailangan mo rin 'to?" How could he ask that with such amusement in his face? "Halata namang kailangan ko, 'di ba? Ano ba talagang kailangan mo sa'kin? Kanina ka pa sunod nang sunod. Pwede kitang isumbong sa police, alam mo ba 'yon?" Pananakot ko sa kanya at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. "Leave me alone before I call–" He cut me off. "I told you... your opinion doesn't really matter. Walang maniniwala sa'yo. After all... the people, this city, and anything in this world... they are all evolving in money. You know that, that's why you're working hard, right?" He end his sentence with a grin. I couldn't open my mouth to talk. Parang natahi ang bunganga ko. Dahil totoo naman ang sinabi niya. Lahat ay umiikot na lang sa pera. Wala ng ibang mahalaga ngayon kundi pera. Kaya ginagawa ko ang best ko at pinananatili kong maganda ang image ko sa lahat ng tao ay para sa pera. Bawat action at words na lumalabas sa'kin, alam kong may benefit akong makukuha roon. Kung hindi ko aayusin, ang benefit na 'yon ay pwedeng magbunga ng negative effect sa'kin. "I'm giving this to you." Napaawang na lang ang labi ko nang maramdaman ang malamig niyang kamay sa kamay ko. Nilapag niya rito ang lata ng corned beef at nakaiinis na ngumiti. "I hope we'd meet again, Daphne." Binitawan niya ang kamay ko at tumalikod na sa'kin pero hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay tumigil ito at napapitik sa hangin. "I forgot something." I heard him mumble. Humarap ulit ito sa gawi ko at humakbang palapit sa'kin. I wanted to step back but my feet couldn't move. Ayaw gumalaw ng katawan ko! Para akong naestatwa rito sa kinatatayuan ko. Was I still starstruck on what he had said? Body, move! s**t. What the hell's happening to me? He was closing the gap between us! Hinawakan niya ang chin ko at pinilig nang kaunti ang ulo. "You got nice lips, Daphne." He was staring at it. Napalunok na lang ako nang bumaling ang focus ng mata niya sa mata ko. Get away, asshole! "I want to kiss you," he said, making my heart to throb faster than I could actually think. Damn... why is my body can't move?! "But, anyway!" Napahinga ako nang maluwag nang bitawan niya ang chin ko at lumayo sa'kin. "I'll just do it next time we meet again." His lips curved upwardly and waived his hand a little. "Later, Daphne." Wala na siya sa paningin ko pero ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Napahawak na lang ako sa gilid ng shelf nang maramdamang nanginginig ang tuhod ko. Ilang minuto ang pinalipas ko bago magpunta sa counter at bayaran ang mga pinamili ko. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa'kin. Wala namang nakakakaba roon. Sanay na ako sa mga ganoong scene dahil ilang beses na ring may nagtangkang mambastos sa'kin katulad no'ng nangyari sa una naming pagkikita ni Riu. Kahit na ganoon, nakakatakas ako dahil alam ko kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Pero 'yong kanina... no'ng ginawa 'yon sa'kin ni Riu... hindi ako nakagalaw. Kahit na gustong-gusto kong pabaunin ang kamao ko sa pisngi niya o sipain nang matindi ang p*********i niya, hindi ko nagawa. Masyadong mabilis ang t***k ng puso ko at ayaw i-proseso ng utak ko ang nangyayari. "Daphne!" Pagbaba pa lang ng tricycle ay narinig ko na ang boses ni Quentil. Ngumiti ako at kinawayan siya. "Hello. Ikaw ang nauna?" Tumango siya at agad na lumapit sa'kin para tulungan akong magbitbit ng mga pinamili ko. "Yes, kakarating ko lang din naman. Ang dami mo palang pinamili. Hindi ka ba nabigatan dito?" Nag-aalalang tanong niya. "Hindi naman. 'Tsaka athlete ako. Dapat lang na sanay sa mga gan'yan, 'di ba?" I smiled even more. Napahinto ito sa paglalakad at tila na-stuck ang tingin sa mukha ko. "Uh, may masabi ba akong mali?" Naiilang kong tanong at pinilig ang ulo ko. Mabilis na namula ang mukha niya at umiling nang umiling. Nauna rin ito sa'king maglakad. "W-Wala!" Wait, was he shouting? "Your smile..." I heard him utter. "Uh, what about it?" Binilisan ko ang paglalakad para makahabol sa kanya pero mas bumibilis lang siya maglakad. Seems like he was refraining himself from being closer to me. "I..." Pinatong niya sa gilid ng pinto ang mga plastic bags at humarap sa'kin. "I actually like it." Diretsong sabi niya at titig na titig sa'kin. For a second, I didn't know how to react. Ito ang unang pagkakataon na na-overwhelm ako sa isang lalaking nagbigay sa'kin ng compliment. "Thanks... I guess?" Kinamot ko ang sintido ko at ngumiti. "Thank you, Quentil." "U-Uh..." Umiwas siya ng tingin. "Y-Yeah!" Naglakad ito palapit sa'kin at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang umaakyat sa puno. Mukhang masarap doon dahil sa sariwang hangin na mayro'n ngayon. "Can I also climb?" I asked. "H-Huh? Gusto mong umakyat? K-Kasama ako rito?" Nalilito niyang tanong. Tumango ako. "Yes. Can't I?" He quickly shook his head. "No, no! Of course, you can. Ah, wait... kaya mo ba?" "Of course!" Magiliw na sagot ko at sinundan siya roon sa isang sanga. Hindi nagtagal ay dumating din si Acril at ang pinakahuli ay si Riane. Riane, huh? How should I deal with her? Dapat ko ba siyang kainisan dahil sa ginawa sa'kin ng kuya niya o ilabas siya sa away na mayro'n kami? Riane was a good girl. I could feel it. Hindi ko siya pwedeng pagbalingan ng galit. Kahit na sobrang sarap isumpa ng pamilya nila. Ha! As if I care about their luxury. E 'di sila na ang mayaman! E 'di wala nang maniniwala sa'kin kahit na magsumbong ako! Damn! I really wanted to behead that little s**t. Napakafeeling superior niya! Mabuti na lang at nakalimutan ko rin siya agad dahil kina Quentil. So far, nag-eenjoy ako sa overnight namin. Ang sarap nilang kausap kahit na minsan ay nauuwi kami lagi sa pagtatalo. I didn't know if friends ba anh turing nila sa'kin pero... para sa'kin, kaibigan na sila. Nakakalungkot lang na bukas ay kailangan na naming umuwi. Tulog na si Riane pero hindi pa rin ako inaantok. Maybe I should go outside to have some fresh air? Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Sa bench sa labas ay nakita ko si Quentil na nakaupo at nakatingin sa langit. "Hi," I greeted. "Woah!" Napahawak ito sa dibdib niya at napaatras sa pagkakaupo. Kumunot ang noo ko hanggang sa matawa na lang. Nagulat ko ba siya masyado? But that was a cute reaction, huh? "Are you okay?" Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya. Umayos ito ng upo at napatango. "Yeah... nakakagulat ka naman, Daphne." "Sorry, sorry." Hindi ko pa rin maiwasan ang matawa. "Anyway, anong ginagawa mo rito? Hindi ka pa inaantok?" Inangat ko ang tingin sa langit at napaawang na lang ang labi sa ganda ng mga bituin. "Hindi pa, e. Ikaw? Bakit ka narito?" "Same reason," I shortly replied. Ilang sandali ang lumipas at nanatili ang katahimikan. "About the deal..." Naputol din nang magsalita siya. Ngayon ko lang naalala na may bet pa nga pala kami. It was a shame na hindi ako ang nanalo pero ayos lang din. Marami pa namang next time. "Yes, what about it?" I replied. "'Wag mo na ulit batuhin si Riane ng bola," he said. My lips parted but I just smiled. He really cares for Riane... "And if I refuse?" Pagbibiro ko. "You can't. You said the rules yourself that the loser will obey the winner no matter what," he seriously said. I was just joking, right? "Yes, yes. I was just kidding." Tumawa ako nang bahagya. Hindi ko alam na ganito siya kaseryoso pagdating kay Riane. "I promise that I won't throw the ball to her again." I assured him. "Okay, thank you." In the future, they'd be a great couple. Iyon lang at hindi 'yon ngayon. For sure, marami pa silang dapat pagdaanan. "You like her?" I asked. "W-What are you saying? Of course, no! She's a demon and I'm an angel. We're not bound to each other." Pangangatwiran niya. Nanatili ang ngiti ko sa labi at hindi na sumagot. For now, hindi niya pa nare-realize ang feelings niya kay Riane. Kulang pa siya sa pagsisid para makarating doon.  "And... I like someone. It's definitely not her." Makahulugang sabi niya at seryoso akong nilingon. It's really good to be young... huh? Natapos ang overnight namin sa bahay ni Ma'am Cavah. Balik ulit ako sa bahay namin at ang malala nito, may naghihintay rin pala sa'king bumalik. "Aling Celia," tawag ko rito nang maabutan sa harap ng pinto. "Oh, Daphne! Iyan ka na pala, kanina pa kita hinihintay." Nakapamaywang na anito. "Nasaan na ang bayad mo sa rent? Pangalawang buwan na ito." "E, opo nga, e." Kumamot ako sa batok ko at alanganing tumawa. "Hay, nako! 'Wag mo akong ma-e, opo nga, e d'yan! Nasaan ang bayad mo?" Umiwas ako ng tingin at napakamot sa ulo. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. "Baka hindi mo alam na maraming naghahanap ng apartment ngayon? Pwedeng-pwede kitang palayasin anumang oras pero pagbibigyan pa kita. Sa akinse, siguraduhin mong magbabayad ka na, ha." Panenermon niya. Mabilis akong tumango. "Opo!" Umalis na rin ito pagkatapos. Napahinga na lang ako nang malalim at pumasok na sa loob ng bahay, napansin ko kasing nakatingin na rin sa'kin ang ibang tao. Dapat talaga ay nagtabi ako ng pambayad no'ng sumesweldo pa ako kay Riu. Nagastos ko kasi lahat sa project at pinambayad sa kuryente kaya walang natira. Maganda ang sahod kay Riu kaya naisip ko na 'tsaka na lang ang pambayad sa bahay dahil umasa akong tatagal ang trabaho ko sa kanya. Hay, seriously... bakit ko ba siya iniisip? Dapat lang na ibaon na sa limot ang pangalang 'yon, e! Dumiretso ako sa kusina para tingnan ang stock na pagkain ko pero nawindang ang mata ko nang makita ang isang piraso ng card sa mesa. May kasama iyong maliit na note. Riu's contact number?! "What the hell?" Paano napunta ito rito? Wala ito bago ako umalis. At sigurado ring nai-lock ko ang bahay bago ang overnight namin. Then... that asshole... Binasa ko ang nasa maliit na piraso ng papel at nilukot din pagkatapos. Just what was his damn problem with me?! Yo, Daphne. What about a text or call? - Riu 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD