Wala na akong pera. Mayroon lang akong kalahating buwan o 15 days para maghanap ng pera. Kailangang makahanap agad ako ng trabaho ngayon na lingguhan ang sweldo o kinsenas kung hindi... paano na ako mabubuhay nito?
Kapag pinalayas ako ni Aling Celia, tiyak na hindi ako makakahanap ng bagong apartment dahil wala rin akong perang ipapang-down.
So, I'm really screwed, huh?
"Hello?" I greeted as soon as she answered the call.
Imbis na hello rin ang marinig ko ay hikab niya ang bumungad sa'kin. "Daphne?" Halata sa boses niya ang pagkaantok. Nagising ko ba siya?
"Yes. Tulog ka ba kanina?"
"Of course! Alam mo ba kung anong oras na, ha?" Kanina lang ay antok na antok ang boses niya, ngayon naman ay sobra ang lakas kung makasermon.
"Uh, oo. It's already 2 in the morning, right?" Sinilip ko pa ang oras sa cellphone para masigurado kung tama.
"Right, right! Nasa gitna na ako ng pagtulog ko, at ikaw?! Gising na gising ka pa!" Nilayo ko nang kaunti sa tainga ang cellphone ko.
Required ba talagang sumigaw siya tuwing magkausap kami? Para namang pinapamukha niya na siya lang ang may maayos na pandinig sa'ming dalawa.
She'd been always like this since the time I met her. No'ng una ay madalas pa akong mainis sa kanya pero kalaunan, nasanay na lang din at nama-manage ko na naman.
"Sorry. May itatanong lang sana ako,"
Alam kong siya na rin ang tumulong sa'kin na makapasok sa trabaho kay Riu pero sinuggest niya naman iyon. Walang masama kung kukulitin ko siya ngayon– or wait...
"Ano ba 'yon?" Seemed like bumalik na ang antok niya, kumalma na ulit ang boses, e.
But wait... ngayon ko lang naalala na hindi niya pa nga pala alam na wala na ako kay Riu.
How could I forget the important part?! Sa sobrang desperado kong makahanap ng bagong trabaho ay nakalimutan ko na ang ibang details.
"Uh..."
So... paano ako nito makakalusot ngayon?
"Ano? Pakibilis, Daphne. Babagsak na 'yong mata ko,"
"A-Actually, nevermind. Pwede ka na ulit matulog," mahinang aniko at alanganing tumawa.
"What?! Hey, Daph–!"
Hindi ko na siya pinatapos at pinatay na ang tawag, pati ang cellphone ko. Tiyak na tatadtarin ako ng tawag at text no'n. Sermon na naman ang abot ko nito kapag nagkita kami.
But it wasn't my fault. It was my brain's. Habang tumatagal ay nagiging makakalimutin na rin ako sa bagay-bagay.
So, yeah, nagsayang lang ako ng load na tawagan si Pauleen. What a waste of time.
Ilang minuto akong nakatitig sa kisame hanggang sa naisip kong ibaling naman ang tingin sa card na may number ni Riu.
Should I call him? Or not?
But no. I couldn't. Hindi pwede. Pride ko ang nakasalalay rito. After ng lahat ng sinabi ko sa kanya, hindi ako pwedeng basta na lang tumawag at makiusap na ibalik ako sa trabaho para sa pera.
I just couldn't do that! Never!
But... what should I do now? Hindi rin naman ako pwedeng mawalan ng tirahan.
This is so damn hard!
I wish I just could be a cat.
Kinabukasan, nagising na lang ako sa paulit-ulit na ring ng cellphone ko.
Ang ingay, kainis. Pati ba naman pag-silent ng cellphone ay nakalimutan ko na rin? Sino ba kasing tatawag sa'kin ng ganito kaaga? At bakit ko pa ba kasi naisipang buhayin ang phone ko kanina bago matulog?
"Hello..." My voice was still sleepy. Kinusot ko ang mata ko at humikab.
Nag-unat din ako ng braso at saka tumayo para sumilip sa labas kung may araw na ba.
"Good mor–"
"s**t, for real?!" Napahilamos na lang ako sa mukha nang bumungad sa'kin ang sikat na sikat na na araw.
Tiningnan ko agad ang phone ko at nakitang alas dose mahigit na pala.
I thought it was still 6 am or at least 7!
Well, late na akong natulog pero hindi ko inakalang aabot ako sa ganito. Balak ko pa man ding mag-job hunting ngayon! Ugh! Sira na agad ang plano ko!
"Daphne? What's wrong?" Mas lalo lang tumaas ang blood pressure ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon na nanggagaling sa phone ko.
Unregistered ang number. Siya ito.
"What the hell do you want? Ruining my day again?" Sira na ang araw ko tapos mas nasira lang!
"Huh? What are you saying? I was just going to greet you. Good morning, anyway. How's your sleep, my Daphne?" He sweetly said.
"My Daphne?!"
Hanggang kailan niya ba ako balak na inisin? Sa totoo lang, ubos na ubos na ang pasensya ko sa kanya.
"Don't be so fired up. Kakagising mo lang, 'no? Kumain ka na ng lunch mo, nag-iwan ako d'yan."
Parang natuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Imbis na sumagot ay dali-dali akong lumabas ng kwarto at chineck ang kusina.
May pagkain sa mesa!
At hindi lang basta pagkain. Halatang galing ito sa mamahaling restaurant.
Talagang gusto niyang isampal sa mukha ko ang layo ng status ng buhay naming dalawa, e, 'no?
"What is this for?" Kunot-noong tanong ko.
"Lunch for you," I couldn't see his face but I knew that he was grinning. I could feel it in his voice.
"I know, idiot. But what is this for? Don't tell me you're trying to buy me with this?"
Pero mukhang masarap ang bawat pagkain na dinala niya.
Teka... dinala?
"Hoy," mahinang tawag ko rito ay niyukom ang kamao ko.
I wanted to punch him!
"Yes?" How could he talk to me like he did nothing but the best for me?!
"Paano ka nakapasok sa bahay ko? Pangalawang beses na 'to," aniko habang tinitimpi ang nag-uumapaw na galit ko sa kanya.
"Isn't the answer obvious? Of course, I have a key. I thought you were smart?" At talagang gusto niya akong subukan.
"Why do you have the key? How did you get it, you scum?"
"Ah... I asked the landlady to give me this,"
"She actually gave it to you?!" Hindi ko makapaniwalang sabi.
Ilang segundo siyang hindi nagsalita hanggang sa marinig ko ang paghalakhak niya mula sa kabilang linya. "Actually? What are you saying? Of course, she'd give me this. After all, I've got the money. You forgot?"
Nasuntok ko na lang ang mesa at napikit nang madiin ang mata ko.
This is the end of the line. I couldn't talk to him furthermore.
He had completely gotten on my nerves.
Hindi na ako nagsalita at pinatay na ang tawag. Balak ko pa lang i-shutdown ang cellphone ko ay tumatawag na ulit siya. Pinatay ko ito at sinubukan ulit na i-shutdown ang phone ko pero tumawag na naman siya.
Paulit-ulit lang ang nangyari at napikon na ako.
"Ano bang problema mo?!" Ang sarap niyang ipakulam, sa totoo lang!
"Why are you rejecting my calls?" Inosente niyang tanong.
"Stop talking to me! Just forget the I exist, alright?" Napaupo ako sa harap ng mesa at napahawak sa tiyan ko. I was already hungry.
"Kumain ka muna,"
My eyes got bigger. He heard that?
"Hey–"
"Yes, I heard it. Eat well, Daphne."
Mabilis na nag-init ang pisngi ko pero hindi na ako nakapag-react pa dahil pinatay niya na ang tawag.
Bumagsak ang tingin ko sa mga pagkain na nasa mesa at saka napabuntong-hininga. I have no choice right now but to eat this.
Wala na akong ibang pagkain at wala na rin akong perang pambili. Isang daan na lang yata ang nasa wallet ko. Paano na ako nito sa mga susunod na araw?
Natapos akong kumain. Totoong masarap pero nakakalungkot naman.
Maiiyak ka na lang talaga habang naghuhugas ng pinggan, e.
"Are you done eating?" Ilang minuto after kong kumain ay tumawag ulit siya para i-check ako.
"Yeah. T-Thank you..." I said with a low voice.
"What? Did you say something?" Tila nang-aasar pa siya. Napakalaki talaga ng sapak sa utak.
"Nothing!" Frustrated kong ani.
Narinig ko ang pagtawa niya. "You're really cute sometimes."
What did he mean by sometimes?
"Anyway..." He trailed off.
"Ano? Sisingilin mo ba ako sa kinain ko?"
"No, no. But pwede rin naman,"
"Huh?" Nalilito kong tanong.
"I want to see you right now,"
"What?" I was still confused as hell.
"Meet with me. In the mall. Right now."
"Are you ordering me?" Nanliit ang mata ko.
"If that's what you think then yes, I'm ordering you to come to mall to see me," arogante ang boses.
"Just how thick your face could be?" He was so unbelievable.
"I'll wait for you, okay?"
"Are you sure? What if I don't come?"
"Oh... after all the foods you eat from me, you won't really come? Sanay tumanaw ng utang na loob ang mga Pilipino, 'di ba? Pilipino ka ba, Daphne?"
My jaw clenched.
He really pushed me in the edge. Sobrang kapal ng mukha niya na i-provoke ako.
"Fine. Wait for me," but this was all I could do for the mean time.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay na ang tawag. Nagmadali ako kaya nakarating din agad sa mall. Mabilis ko lang siyang namataan dahil litaw na litaw siya sa mga tao.
Iyong presence niya, para bang pinapahalata na hampas lupa lahat ng tumabi sa kanya.
"You actually came," hindi makapaniwalang aniya habang nakasuot ang ngisi sa labi.
"I don't have a choice," mahinang aniko at iniwasan siya ng tingin.
"Well, just accompany me like a good toy," he playfully said.
"What–"
He cut me off as he put his index finger on my lips. "Shut up or I'll kiss you. Don't test me, Daphne."
What... the hell...
Tulad ng sinabi niya, tumahimik na lang ako at hindi na sinubukang magsalita. Sinamahan ko lang siya sa bawat gusto niyang puntahan. Nanood kami ng sine, naglaro sa arcade, at kumain sa isang mamahaling restaurant.
Ni piso ay wala akong ginastos. Ang ginawa ko lang ay sundan siya. Mabuti na lang talaga at nagsuot ako ng maganda-gandang damit kung hindi ay magmumukha akong alalay niya.
No'ng pauwi na kami ay saktong namataan namin sina Riane at Quentil na nakasunod sa'min.
Napahinto kaming dalawa at nagkatinginan. Hindi nga pala nila alam ang mayro'n sa'ming dalawa. Actually, walang may alam kundi kaming dalawa lang. I guess, this was a complicated secret for the both of us.
Si Riu ang nag-approach sa kanila.
Mukhang nahihiya pa silang dalawa pero hindi na naman nakakagulat na makita silang magkasama.
"A-Anyway, bakit nga pala magkasama kayo ni Daphne, Kuya Riu?" Ah, damn. Bakit niya pa kailangang itanong?
Pasimple kong sinulyapan si Riu. Cool lang siya at napanatili ang posture niya. Halatang sanay na sanay sa paglusot sa mga ganitong sitwasyon.
"I happened to bump with her," he replied like it was just nothing.
"You know each other?" Riane asked.
Couldn't she just shut up and don't mind that we were together?
"Well, sort of." Tumingin si Riu sa'kin at tinanguan ko lang siya.
"Really?" Mukhang ngayon niya nga lang nalaman. "So, basically, friends kayo?" Hindi ko alam na joker pala itong si Riane.
"You can say that," I just said para wala ng issue'ng maganap.
After no'n ay nagpaalam na rin silang dalawa na uuna na at naiwan ako ritong kasama si Quentil.
Nakauwi ako sa bahay at ngayon ko lang naalang hindi pala ako nakapag-thank you kay Riu.
Kinuha ko ang dala kong shoulder bag kanina para kuhanin doon ang cellphone ko pero nanlaki na lang ang mata ko nang makita roon ang ilang piraso ng mga isang libong buo.
How?! No– of course, he put these in here.
Twenty thousand ito. Nilagay niya 'to sa bag ko na parang wala lang? Was he being real or what?
Dinial ko ang number niya at sinagot niya rin ito agad.
"Yes, Daphne? Miss mo ako agad?"
"Why?" I asked, ignoring what he just said.
"Huh? What are you saying?" Pagkukunwari niya.
"Bakit mo nilagay rito 'yong mga pera? Hindi ko naman hiningi 'to sa'yo," madiin kong sabi.
"Ah... I just put it there. No particular reason. Why are you asking? You don't want them?"
I couldn't believe this. He was talking about money like it was so easy to get.
"I don't want these if it's coming from you, okay?"
I heard him laugh. "You're really hilarious. That's why I like to keep you as my toy, Daphne."
"But..." Humugot ako nang malalim na hininga. "I'll borrow these for now." I whispered.
"Yes, sure. Just tell me if it's not enough, okay?" Hindi ko na siya sinagot at pinatay na ang tawag.
Curse that scum. He was really doing his best to annoy me. What a pest... but... I needed him to survive. For now, at least.