Chapter 7: Pride

2114 Words
"Outside!" Malakas na sigaw ko habang nakasunod ang tingin sa huling palo ni Pauleen. Napa-yes na lang ako nang mahina kasabay nang pagsuntok sa hangin no'ng i-confirm ito ng coach namin at i-announce na kami ang nanalo. "I won, Pauleen." Mayabang na aniko at ikinrus ang braso 'tsaka siya tiningnan na parang nangmamaliit. Nanliit ang mata nito. "Anong I? Ikaw lang ba ang nasa game kanina para talunin ang team ko? We dapat 'yon, okay?" Binatukan niya ako. "Aray, ha!" Tinabig ko ang kamay nito at hinimas ang ulo ko. That hurt... masyado ba siyang frustrated na natalo ko siya? "But yeah, I know. I was just overwhelmed na natalo namin ang team mo ngayon," arogante akong ngumisi at tinaasan siya ng kilay. Umasim ang mukha nito. "Napakayabang mo naman, 'teh. Kung hindi nag-outside ang last na spike ko, hindi kayo dapat mananalo." Well, she'd got a point. Lapit na lapit nga ang laban namin. Pareho kaming nakadalawang set na at naswerte lang dahil kami ang naunang mag-match point at idagdag mo pa sa swerte na nag-outside ang last na spike niya. Actually, pwedeng hindi kami swerte. Sadyang malas lang talaga siya ngayon. "It's not my fault that you can't make your spike inside the court, Ate Pauleen." Hindi mawala-wala sa labi ko ang matamis na ngising pang-asar sa kanya. Mas tumabang ang mukha niya kaya natawa na lang ako nang mahina. "Aba't! Talaga 'tong–!" "Daphne, Pauleen, stop na. Magsimula na kayo sa stretching at magbihis na para makauwi na. Mayro'n tayong papalapit na practice match tayo sa ibang school. Mas maganda kung makakapag-rest na kayo lagi nang maaga para ma-reserve niyo ang mga energy niyo," saway sa'min ni coach. "Practice match?" Confused na tanong ko at sinulyapan si Pauleen para malaman kung may alam ba siya rito. "Yup. Hindi mo ba alam?" She knew it. I shook my head. "Aray!" Once again, binatukan niya na naman ako. Sobrang inis na ba siya sa'kin sa pagkatalo niya? "Hindi ka kasi nag-oopen ng mga message. Chinat 'yon ni coach sa GC natin. I-check mo na lang mamaya," Tumango ako habang masama pa rin ang tingin sa kanya. "Okay, okay." "Sige na, simulan niyo na ang stretching," "Yes, coach!" Sabay naming tugon at nagpunta na malapit sa bench para simulan ang inuutos ni coach. After no'n ay dumiretso kami sa locker para kuhanin ang uniform namin at magpalit ng damit. "Excited ka?" I heard her ask. "Of course," I replied. Goal ko ngayon ang makapanalo sa bawat matches namin. I knew that I couldn't make it alone, kasama ko sila roon. Pero sisiguraduhin kong magagawa ko ang best ko para walang regret na kasama after ng year na 'to. Graduating na kasi ako. Last na laro ko na 'to para ngayong high school. Syempre, maglalaro pa rin ako sa college kung sa'n man akong school papasok pero hindi ko sigurado if magiging regular agad ako. After all, maraming mas magaling sa'kin doon. At kung sakali mang maging regular na ako... for sure, ang next na harap namin ni Pauleen ay hindi na as an ally kundi enemy. Madudurog ko na rin siya ng buong-buo. I couldn't wait... "Hoy, Daphne. 'Wag mo akong titigan ng gan'yan, kinikilabutan ako sa'yo." Matalim akong tiningnan ni Pauleen at dinakot ang mukha ko para iiba ng tingin. "What are you saying?" Inosenteng sabi ko at pinilig nang kaunti ang ulo. "Hay, ewan ko sa'yo." "Aray!" Binatukan niya na naman ako. "Para saan 'yon?!" Inis na aniko pero nauna na siya sa'king lumabas ng locker room. Naiwan ako ritong inaayos ang medyas ko. Nang maayos na ay sinuot ko ang black shoes ko at lumabas ng room na 'yon. "Uh, Daphne!" Lumakas ang kabog ng puso ko sa pagtawag sa'kin ni Pauleen at pagtapik sa balikat ko. "What? Don't call me like that," pagalit na aniko rito at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. "Oh, sorry. Did I startle you?" Bumuntong-hininga ako. "Not really." She nodded. "So, why are you calling me?" Kinunutan ko siya ng noo. "Is it just for fun?" Masungit na tanong ko at nagsimulang maglakad palabas ng court pero napatigil din ng makita ang ilan pang bola na nakakalat sa sahig. "Hindi. Magpapaalam na sana ako na uuna na ako. Hinahanap na kasi ako ni mama. Okay lang ba?" Ah, kaya pala... Mabilis akong tumango. "Oo naman." "Okay! Bye-bye! Ingat ka rin sa work mo kay Sir Riu!" Kumaway ito at patakbong lumabas ng court hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Ingat sa work... right, hindi niya pa nga pala rin alam na wala na ako sa work... at hindi ko na kayang balikan ang unit na 'yon. That was just horrible. Hangga't maaari, ayoko nang makita ang mukha niya. Maaalala ko pa lang ang shape ng mukha niya ay nagsisitaasan na ang balahibo sa katawan ko. This just creeps me out, for real. "Yo, Daphne." Bumulaga sa harap ko si Riu na dala-dala pa rin ang ngisi sa labi niya. Wait... Riu? "Hoy! Anong ginagawa mo rito?!" Napalayo agad ako at hinagis ang bola na hawak ko sa kanya. Nasalo niya naman iyon gamit ang kanang kamay at saka kumaway gamit ang kaliwang kamay. "Maka-hoy ka naman, parang 'di tayo ikakasal sa future, ah?" What the hell? Inirapan ko siya at hindi pinansin. Pinulot ko na lang ang mga bola na nasa sahig pa at saka iyon nilagay sa isang basket. Umuwi na pala ang lahat at ako na lang ang naiwan. Actually, kami ni Riu. Ano bang ginagawa niya rito? Hindi ko na tatanungin kung paano siya nakapasok dahil tiyak na nonsense lang iyon– he had such connections for sure. "Ang sipag mo pala talaga," komento niya habang sinusundan ako ng tingin saan mang sulok ng court ako magpunta. "Guess so," maikli kong sagot at naglakad na palabas nang matapos. Hinintay ko siyang makalabas bago isara ang pinto at ilagay ang lock. "Madilim ka na pala umuwi," aniya ulit. He was acting like we were friends. At sigurado ba siyang ayos lang na magpunta siya rito? Hindi ba siya nagwo-worry na baka makita siya ng kapatid niya? "Nakauwi na si Riane, kanina pa." Napaubo na lang ako dahil sa pagsagot niya sa nasa isip ko. He was creepy as hell! "Anyway, umuuwi ka dapat ng medyo maaga pa. Hindi 'yong ganito. Baka may mag-abang niyan sa'yo sa labas ng school o mambastos na naman sa'yo. You know, I couldn't always save you." Mapait ko siyang tiningnan pero nagkibit-balikat lang ang tanga. Ang kapal ng mukha niya. Tinalo pa ang mga libro na pinagsama-sama sa library. "I actually don't need you to save me. I could save myself. Even without you." Sinadya kong diinan ang bawat salita sa bandang dulo para magising na siya sa katotohanan at tumigil na sa pananaginip. "That was harsh of you. Sabagay, hindi mo nga tinanggap 'yong mga cookies na pinapabigay ko sa'yo." Nilingon ko siya at kinunutan ng noo. Bumaling ang tingin niya sa'kin at nilagay ang dalawang braso sa likod ng ulo niya, tila ginawang sandalan. "Cookies?" Oh! Now that he mentioned it... naalala kong may nagpabigay nga sa'kin ng cookies no'n sa store na favorite kong bilhan. And his name was... Riu. So, it was him? "What are you? A stalker?" Matabang na aniko at walang expression ang mukha. Then it means that... he knew me all along? Kahit na bago pa siya umaktong hero sa pagligtas sa'kin sa mga nambabastos? "What?" Kumunot din ang noo nito. "I'm not!" "Then, how do you know me, huh?" Pinanliitan ko siya ng mata. Napaatras ito nang kaunti at umiwas ng tingin. "Don't ask me." Bumilis siyang maglakad at nauna sa'kin. "Hoy! Tingnan mo 'to!" Binilisan ko rin ang lakad para makahabol sa kanya. "Stalker ka, ano?" Pambibintang ko sa kanya at sinasabayan sa lakad niya. Nakakahingal pala. Kailan ba kami titigil? Malapit nang humiwalay ang paa ko sa binti ko. Kanina pa rin kasi ako talon nang talon sa court. "Excuse me, I'm not cheap as you to be a stalker," wow, ang arte, ha! Ayaw na lang aminin na stalker siya. "Bakit mo ako ini-stalk, ha? Crush mo ako, 'no? Crush mo– uh..." Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din siya. Humarap ito sa'kin. His face was serious. "What are you saying? Are you a kid or what? Crush?" Mapanghamak itong humalakhak. "Why would I have a crush for you? You're not that pretty. You're just good as a toy," panlalait niya at matamis na namang ngumisi. Niyukom ko ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin. "Huh?!" "Oh, you're mad?" He was enjoying this! "Tsk." Kinalma ko ang sarili ko at tinalikuran siya. "I'm not mad." Mahinang aniko at lumihis ng daan sa kanya. Why am I even walking with the same direction as him? "Wait. You won't go." I felt his grip on my hand. "What?" Binaba ko ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. It wasn't that tight. Sakto lang. Ngayong naramdaman ko 'to, ang lamig pala ng kamay niya. "Come with me," "What?" I couldn't process his words. "No questions." Hinila ako nito at nagpatuloy kami sa paglalakad sa direction niya. "H-Hey! Uuwi na ako!" Hinawakan ko ang kamay niya ng isang kamay ko para matanggal pero hindi ko magawa. "Riu! I'm serious, let go of me!" Pinalo ko ng ilang beses ang kamay niya pero ayaw nitong bumitaw. "Shut up, I won't let you go." Seryosong sabi nito na nagpahinto sa'kin sa paglaban. Won't let you go... Ang sincere ng pagkakasabi niya. What did he mean by that? "Pasok," aniya at tinuro ang loob ng kotse. "Where are we going?" "I said no questions," "But I just can't–" He cut me off. "You want me to force you to hop in?" Tumaas ang kilay niya. I, again, felt this urge to follow him. Pumasok ako sa loob ng kotse at pinanood lang siya sa pagda-drive niya hanggang sa makarating kami sa condo niya. Ang linis pa rin ng loob kahit na wala na ako rito. Hindi talaga siya makalat. "What do you want for dinner?" "Magluluto ka?" Gulat na tanong ko. "Baka 'yong pader 'yong magluluto," pamimilosopo niya. Umismid ako. "I didn't know na sanay kang magluto. Bakit mo pa ako kailangang kuhanin no'n?" Isa pa, malinis na rin naman ang unit niya. He definitely didn't need a maid. "Pagod ako kapag galing sa trabaho, hindi ko na kayang magluto kaya nauuwi ako lagi sa mga order na pagkain or mga instant which is hindi maganda sa health ko," Wew... as I expected from him. "Kung ano na lang 'yong available sa refrigerator ang dinner ko," "Okay, got it." "Ako na lang–" "You sit down. Ako ang bahala rito," Hindi na ako umangal at nanatili na lang na nakaupo. Maya-maya pa ay naamoy ko na ang kakaibang aroma sa luto niya. The smell was very pleasant... ang bango... at nakakagana kumain ang amoy. Smells like... menudo? Ilang minuto pa akong naghintay bago siya lumabas at sinenyasan akong lumapit doon. Umupo ako sa tabi niyang upuan at saka tinitigan ang nakahain na pagkain. It looked very tasty. "T-Thank you for the food..." Aniko bago tuluyang kumuha ng pagkain. Tahimik lang kami hanggang matapos. Uminom ako ng tubig at tumingin sa kanya. "That was delicious... thanks." Pabulong na sabi ko. It wasn't really comfortable to compliment him. Nakakapanibago sa pakiramdam pero legit na masarap ang luto niya. Hindi nakakasawa! "Thanks?" He confusedly asked. "Yeah..." Umiling siya. "What are you thanking for?" "The food," I answered. His lips parted as it formed a smirk. "That wasn't for free, my Daphne." My brows arched a little. "What do you mean?" "Oh, don't worry. Hindi naman kita sisingilin ng pera. Actually, ikaw pa ang may mas malaking benefit dito sa condition na hihingin ko," kahit boses niya ay hindi katiwa-tiwala. "Condition? What kind?" Hindi ako pwedeng basta lang sumang-ayon sa mga sasabihin niya. Though, mayro'n akong utang na loob sa kanya at utang na pera. I wonder kung kailan ko mababayaran 'yon? "At..." He trailed off as he put his elbow on the table. "If you'd agree in this, you don't need to worry about the money that you borrow from me." Seriously? "So, what kind of condition is that?" I needed to grab this if it wasn't that hard. Isa 'to sa mga opportunity na kailangang-kailangan ko... but... my pride. I needed to sacrifice it. "Work for me again. Be my maid, Daphne, and I'll give you everything you want. Of course, it's much better if you're also gonna be mine," he playfully said and slightly tilted his head. "What do you think?" My pride, huh? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD