"You're going to give me everything?" Paglilinaw ko at tumaas ang kilay. Tumango siya, naro'n pa rin ang malaking ngisi niya sa labi. Para bang sinasabi noon na sigurado na siya sa pagsang-ayon ko at hindi ko siya mare-reject sa ino-offer niya. "Yes, as in everything..." Nangte-tempt talaga ang boses niya. Para akong isang gutom na gutom na aso at naglahad siya bigla ng pagkain sa harap ko. I couldn't do nothing but to grab it... but wait. Bakit ko ba ginagawang aso ang sarili ko? Seriously, Daphne, I think I needed to get a hold of myself first. Huminga ako nang malalim at sabay na sinampal ang dalawang pisngi ko. Muli akong huminga nang malalim at saka tumingin sa kanya, hindi ko alam kung namumula ang pisngi ko dahil sa ginawa ko pero masakit 'yon, ha. Kailangan ko lang talagan

