He was looking at me. Definitely looking at me. Hindi ko tuloy maiwasang mapapikit minsan sa sobrang inis. Ako 'yong nag-ooverthink dito nang sobra, e. Napaka-obvious kaya ng titig niya sa'kin. Paano kung malingat ang ulo roon ni Quentil at makitang nakatingin sa'kin si Riu? Hindi pwede 'yon. Ayokong malaman ni Quentil ang relasyon namin ni Riu. Alam kong close silang dalawa dahil kay Riane pero hindi ko hahayaang mapahamak ang relasyon namin ni Quentil dahil sa scum na 'yon. "Daphne? Are you really okay?" Napatigil ako sa pag-iisip at bumalik sa reyalidad nang magsalita ang katabi ko. Kanina pa siya gan'yan. Tanong nang tanong if ayos lang ba ako or masama ang pakiramdam ko. I couldn't blame him. Ang strange nga ng kinikilos ko. Paranoid ako. Bakit kasi kailangang pumunta pa siya ri

