CHAPTER 2

1306 Words
Matapos mag-practice, inilapag na ni Zyler ang gitara niya at tinanggal ang headphone na nakasabit sa tenga niya. Inayos niya ang song book saka ibinalik ito sa bag. Every monday ay hindi talaga siya pumapasok sa first subject niya. Nasa music room lang siya naglalagi. May sarili siyang music room doon sila nagpa-practice ng mga ka-banda niyang Level five or L5 kung tawagin ng iba. May sarili din silang hideout na nasa rooftop. Bilang anak ng may-ari ng school kaya niyang gawin lahat ng gusto niya. Kilala siya bilang leader ng L5. Sa kanilang lima siya ang pinaka-tahimik,Pinaka-seryoso. Iyong tipong pag-isipan mo muna sasabihin mo bago ka makipag-usap sa kaniya kasi hindi ka talaga niya kakausapin kahit gaano pa kaganda ang sasabihin mo kung para sa kaniya hindi iyon mahalaga o importante. - Sabay silang lima na pumuntang Cafeteria, sa oras ng pagkain ay sabay talaga sila. Maliban nalang kung may importanteng lakad ang iba di talaga sila magsasabay. As usual tili dito, tili doon ang mga babaeng humahanga sa kanila. Hindi na bago iyon. Sa sobrang sanay nila sa kaingayan ng mga ito mas lalo lang sila nitong binigyan ng dahilan para baliwalain  ang mga nagpapansin sa kanila. Ayaw nila sa mga babaeng maingay, iyong tipong wala naman magandang sasabihin ang lakas-lakas pa ng boses. Masakit sa tenga nga daw. Matapos silang kumain ay saka sila umakyat patungo sa classroom nila. Nasa pangalawang palapag ang room nila. Gusto man niyang magreklamo ayaw naman niyang mapagalitan ng ate niya. Sa dami ng mga nireklamo niya noong nakaraang taon ayaw na niyang dagdagan pa. Baka ang mangyare ay sa ibang bansa na siya ipatapon. Ayaw niya mangyare iyon. Mas masaya siya dito sa Pinas. Ayaw niya maging katulad ng bunso nila na sunod-sunuran sa utos ng lolo niya Chairman kung tawagin nila. Dahil may-ari ito ng naglalakihang company sa abroad. "Hi Zyler." nahihiyang bati sa kaniya ng isang babaeng hindi familiar sa kaniya. Hindi niya ito pinansin gaya ng nakasanayan nilagpasan niya lang ito. "Hoy!" maya maya pa ay may sumigaw sa likod nila. Nilingon niya ito. Kitang-kita niya paano magalit ang kasama  ng babaeng na kanina ay bumati sa kaniya. Sinuway naman ng babae ang kasama niya. "Pasensya na kayo bago lang kasi siya dito." Paumanhin nito at hinila na ang kasama niya. "Ang cute sana niya masungit lang. Hino-hoy tayo. Nakakapanibago parang wala pa yata akong narinig sa school nato na ginanon tayo." natatawang aniya ni Xaun Sa halip na sumagot ay dumieretso nalang sila sa room. Tuwing darating sila saka lang tatahimik ang mga tao roon. Ayaw kasi ni Zyler ng maingay kasi kung gusto nila mag-ingay doon nalang daw sila sa gym. Kaya kahit iyong iba nagpipigil na lang sa kilig nila sa mga nag-gwagwapuhan nilang mukha. Napipilitan hindi mag-ingay. Maya maya pa ay pumasok na ang guro nila sa next subject. Kasunod niyon ang dalawang babaeng nakasalubong nila kanina. Huminto ito sa harap niya."Excuse me, dito ako naka-upo." Hindi niya pa rin pinansin ang babae. "Aysha, sa likod nalang tayo.." pilit siyang hinila ni Rylee. "Hindi ba alam ng lalaking 'to na may bag ng nakalagay meaning may naka-upo na sa chair na iyan. So bakit ako ang lilipat?" Nagtinginan naman ang mga ka-klase nila ang iba may bumubulong pa akala mo naman hindi sila naririnig. 'Anong ginagawa niya?' 'My god, attitude si ate kay bago-bagu niya lang dito ah.' 'Hindi niya alam ginagawa niya, may-ari ng school binabastos niya. Kairita siya ah!' "Do I know you?" tanong sa kaniya sabay h***d sa shades nito. Doon niya lang namumukhaan ang lalaking nasa harap niya. "Anastasia Chantell Dawson,  Aysha for short. Ayan kilala mo na ako so pwede umalis kana sa upuan ko?" nakapameywang niyang aniya. "Do you know me?" "Nagpakilala ka ba?" Marahan itong tumayo, saka umupo sa table ng chair. "Bago ka dito? Kaya ikaw mag-adjust. Hindi ako naiintindihan mo?" medyo nilapit nito ang mukha sa kaniya na halos maamoy na nila ang hininga ng isa't-isa. "Hindi porque gwapo ka ay yayabangan mo na ako,  alis!" tinulak niya ito saka umupo. 'My god! ang lakas ng loob niyang gawin kay Zyler iyon.' 'Relax girl, for sure isa na naman iyan sa matatanggal sa school. Alam naman natin na 'di pwedeng apihin ang isang Zyler Klient Devejo' "Excuse me? May tenga ako hello? Naririnig ko kayo mga bubuyog!" "Aba't ang tapang mo ah!" sagot ng isa. "Anong nangyayare diyan bakit ang ingay niyo? natigilan sila ng magsalita ang guro nila na katatapos lang magsulat sa board. Natawa naman siyang nilingon ang guro nila. Talagang hindi nito napansin na kanina pa may nagbabangayan sa likod nito. "E kasi itong babaeng 'to Ma'm ang lakas ng loob sagot-sagutin si Mr.Devejo" sumbong ng kaklase niya. Inirapan lang niya ang mga bubuyog niyang ka-klase na hindi naman maganda. Dinaan lang sa make-up. Nagmukha ng clown sa kapal ng make-up sa mukha. "Excuse me? Ako nauna sa upuan nato, nandito na nga ang bag ko so bakit ako mag-aadjust aba! Hindi porque bago lang ako gaganiyanin niyo. And excuse me again, ganiyan ba ugali na tinuro ni Miss sa inyo? Kasi kung hindi pwede shut up." matapang niyang sagot at wala ng nagawa ang mga kaklase niya kundi manahimik. "I'm sorry miss, continue na po kayo." Nilingon niya si Zyler sa likod. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Akala mo kumakain ng buhay na tao. Panay din sulyap ng mga kaklase niya sa kaniya. Akala siguro nila magpapaapi ng ganoon basta ang isang Anastasia. She's the Queen of bullies. Kaya sorry nalang sila. "Aysha, Una na ako nandiyan na kasi sundo ko. Bukas nalang, See you!" paalam ni Rylee sa kaniya. Matapos ang class nila kaniya-kaniyang ligpit ng mga gamit. Habang siya naiwan, nang bigla siyang haplutin ng isang kaklase niya. "Alam mo ikaw pabida ka eh, kunwari inaaway mo si Zyler para mapansin ka niya. FYI kahit pumuti pa iyang mata mo hindi ka papansinin ni Zyler." 'Sino bang baduy na'to' "God! Laway mo tumalsik sa mukha ko. Mag-toothbrush ka nga muna bago mo ako pagsalitaan ng kung ano-anu na wala naman akong pakealam. Excuse me! I don't even know you. Ikaw ba nagpakain sa'kin para pagsalitaan ako ng ganiyan. E baka iyang tuition mo dito hindi pa nangalahati sa allowance ko kaya pwede shut up! Kung wala kayong magawa sa buhay niyo. Ayan oh! Tumalon nalang kayo. Tabi!" pasimply niyang sinikuhan ang babaeng nang-insulto sa kaniya. Pagbaba niya ng hagdan saka niya nilabas ang inis niya. "Argh! Mga loser, Anong akala nila masisindak ako. Kumain muna sila ng buhangin bago mangyari iyon. Me? The Queen of Bully Anastasia Chantell Dawson?! Sisindakin ng kung sinong walang kwenta. My god! Makauwi na nga nai-istress ako sa mga walang kwentang tao." aniya sa sarili at dumiretso na sa parking lot. Hindi pa man siya nakakapasok sa kotse ay namataan na niya ang grupo ng lalaking umagaw sa upuan niya. "Wow ah! Big time pala sila. Infairness ang gaganda ng mga sasakyan." aniya, saka  pumasok sa loob ng kotse. Wala talaga siyang pakialam kung hindi naman importanteng bagay. Pero ang nakaka-bwesit na pangyayare sa unang araw niya ay ang makasagutan ang mga kaklase niyang hindi niya maintindihan kung anong pinaglalaban. Buong byahe niya pauwi ay nakabusangot lang siya. Wala na yatang mas imamalas pa sa araw na iyon. Dahil badtrip siya, dumiretso nalang siya sa kwarto niya pagdating niya sa bahay nila. Hindi na niya nagawang kumain, matapos gawin ang mga assignments niya ay nagpasiya na siyang matulog ng maaga. Inaasahan niyang magiging maganda ang gising niya kinabukasan. Baka buong semester na naman siyang mabwesit at baka hindi niya mapigilan ang sarili niyang gumawa na naman ng isang bagay na hindi magugustuhan ng mga kapatid niya. Nagsasawa din naman siyang sabihan na sakit lang siya sa ulo ng pamilya niya. Pero anong magagawa niya? Kahit wala siyang ginagawa ay may mga tao talaga na sadyang sumisira sa araw niya. Kahit anong iwas at kahit anong pigil niya na huwag gumawa ng kalokohan ay napipilitan naman siyang iganti ang sarili. Kasi nga hindi siya sanay na hinahayaan lang na apihin siya ng kung sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD