CHAPTER 3

1279 Words
SAKTONG pagpasok niya sa room nila ay sinalubong na agad siya ng mga nagliliparang papel na binabato sa kaniya ng mga kaklase niya. "s**t! argh, how dare you bitch." sigaw niya sa kung kanino man tumama ang paningin niya. "Kaya ko kayong ipatanggal sa school na'to.  You all, gonna pay for this.Itaga niyo sa mga kukuti niyong walang laman!" Galit na galit niyang sigaw sa mga kaklase niya, saka kinuha ang cellphone. "Mom, Ilan ang share niyo sa school na'to? Para naman may mapalayas ko ang mga hampaslupang ito sa harap ko na walang ibang ginawa kundi ang magpaka-bobo sa eskwelahang ito." nagkunwaring kausap niya ang Mommy niya. Sinadya niyang iparinig ng malakas iyon sa buong klase. Doon lamang nagsimulang magtitigan ang mga ito sabay-sabay na bumubulong kung totoo ba ang sinasabi niya. Maging si Chantall ay hindi nagawang magsalita nang umupo siya sa tabi nito. Gusto niya sana pagtawanan ang mga kaklase niyang magaling lang magsalita, pero kapag binanatan na parang asong hindi malaman kung maamo ba o nagkukunwaring nanahimik nalang. Hindi niya kailanman pinangarap na maging kaawa-awa sa harap ng sinuman. Alam niya ang kahinaan niya at ayaw niya ipakita iyon sa mga taong gustong umapi sa kaniya. Kaya mula noon ay naging ganiyan na siya.  Naging pasaway sa lahat,  maging ang magulang at kapatid niya ay walang magawa para mabago ang ugali niya. Para kasi sa kaniya iyon lang ang paraan niya para hindi maging mahina. Maya maya pa ay dumating ang guro nila. "Miss Dawson, sino mga bumato sa'yo kanina?" Nagulat siya sa tinanong ng guro nila, wala naman siyang sinumbong sa parents niya. At nagkunwari lang siya kanina na may tinatawagan siya. Kunot-noo siyang napatitig sa guro nila na naghihintay din sa isasagot niya. Sa isip niya ay dapat na parusahan ang gumawa niyon sa kaniya. Nilingon niya isa-isa ang mga kaklase niya na kanina ay matapang siyang pinagbabato ng kung ano-anu. "Silang lahat Miss, except Miss. De Silva." hindi niya sinali si Rylee dahil wala naman itong kasalanan at hindi talaga ito kasali sa mga nang-bully sa kaniya. Magre-react pa sana ang iba pero nagsimula ng magklase ang guro nila. Hindi niya magawang makinig ng maayos dahil badtrip pa rin siya sa ginawa ng mga ito sa kaniya. Matapos ang klase. "Kayo lahat, sumunod kayo sa'kin sa principal's office now!" Muli niyang nilingon ang mga kaklase at tinaasan niya ng kilay mga ito. "Are you ready? Simulan niyo na magbalot ng mga gamit niyo b***h!" Walang sinuman ang pwedeng umapi sa isang Anastasia, pinangako niya sa sarili niya iyan. Kasi para sa kaniya walang masamang maging matapang, hindi naman lahat ng mahina ay duwag. Minsan kailangan mo maging matapang para hindi ka nila basta apak-apakan. Kasi kapag nakita nilang mahina ka mas lalo ka lang nilang aapihin hanggang sa maubos ka at hindi na magawang lumaban pa para sa sarili mo. Pagdating nila sa Principal's office, tahimik lang siya sa isang tabi. Isa-isang tinanong ang mga kaklase niya lahat ng ito ay walang nasagot. Maya maya pa ay dumating ang ate niyang si Gianna "Ano na naman ito Aysha?" galit na tanong sa kaniya "Ate! Please calm down, hindi ako ang nag-umpisa okay?" "Excuse me Miss. Dawson, " sumabat na ang guro nila nilingon naman ng ate niya ito. "May nag-report kasi sa'kin kanina na itong kapatid niyo pinagbabato ng mga kaklase niya." aniya ng guro nila. "Sino po?" agad niyang tanong. "Ayaw niya ipasabi," Nagtataka talaga siya kung sino. Mula pa kanina sa room nila at iniisip na niya kung sino ang nagsabi at nagsumbong sa guro nila. "Sorry Ma'm akala ko kasi ay may ginawa na naman kalokohan itong kapatid ko." "Magaling naman sa klase kapatid niyo iyon nga lang minsan pabalang sumagot." Hindi na siya nakapalag sa sinabi ng guro dahil totoo naman iyon. Suspended lahat ng kaklase niya ng tatlong araw, kaya naman ng mga sumunod na araw ay si Rylee at iyong level five lang ang kasama niya sa loob ng klase. Nakakapanibago pero pabor sa kaniya dahil walang mga istorbo at mga feeling matalino niyang kaklase. "Aysha, mauna na ako sa'yo ah! Nandiyan na kasi sundo ko e. See you bukas. " paalam ni Rylee, tango lang ang sinagot niya. "Hi there, Miss. Sungit." nilingon niya ang nagsalita isa ito sa member ng level five. "Who you?" "Ouch! Hindi pala ako kilala ni Miss. Sungit, sayang naman kagwapohan ko." kunwari itong nasaktan sa sinabi. "So? Pake ko? You know what? Stop wasting my time and stop wasting your laway to tell me those words na hindi naman ako interesado." tinalikuran niya ang mga ito ng basta. Natawa nalang sila sa inasal ni Aysha "Loko ka talaga Liam." natatawang aniya ni Dandrieb "Ngayon lang ako naka-encounter ng ganoong babae dito sa campus. Alam niyo iyon. Inaapi na siya pero ang tapang pa rin. Akalain mo napatahimik niya ang buong klase. Siya lang ang nakilala kong nagpa-suspended ng buong klase, well except kay Zyler." komento pa ni Zedd Nasanay silang sila ang kinatatakutan sa buong Oxfield, pero mukhang nakahanap sila ng isa pa, totoong walang naglakas loob na gumawa ng ganoon sa buong klase nila. Nasanay silang si Zyler ang nagpapa- tahimik ng klase. Takot lang din ang mga kaklase nila kay Zyler. Kahit pa hindi nila gamitin ang position ng pagiging apo ng may-ari ng school ay ayaw din nila itong makitang magalit. Dahil baka ano ang magawa nito. Huling nagalit si Zyler noong namatay si Yna, iyon 'yong time na halos hindi na nila makilala ang kaibigan, wala itong kinakausap, walang pakealam sa lahat. Tatlong taon na naging ganoon si Zyler. Matapos iyon ay nagulat nalang sila isang araw bumalik ito sa pag-aaral at binuo ulit ang banda nila. Iyon nga lang sobrang tahimik at mas naging seryoso ito. Pero kahit papa'no ay nakakausap na nila ito hindi gaya noon. Matapos nila pag-usapan si Aysha nang layasan sila nito ay nagpasiya na din silang umuwi. Samantalang pagdating ni Aysha sa bahay nila. Sinalubong naman siya ng kuya niyang si Giovane. "Totoo bang binully ka ng mga kaklase mo noong isang araw?" agad na tanong nito sa kaniya pag-pasok pa lang niya at pagkaupong-pagkaupo sa sofa. "Kuya, bakit ka pa magtatanong e alam ko namang alam mo na at naikwento na ni ate Brielle sa'yo ang nangyare." Minsan gusto niyang mainis sa mga kapatid, kasi naman tinatanong pa e alam naman niyang walang sekretong hindi nito malalaman. Knowing them, lahat ng kilos niya ay inaalam talaga ng mga kapatid. Kaya kapag nagtanong ang mga ito ay binabalik lng din niya ang tanong sa kanila. Kasi alam niyang may alam na ang mga ito, gusto lang talaga kompermahin ito sa kaniya. At sa ugali niya ayaw niya ng ipaliwanag ang sarili dahil alam na nga ng mga ito ang dahilan. Maliban nalang kung ang magulang at ang  Grandfather niya ang magtanong. Kahit hindi pwedeng hindi niya sagutin ang tanong nito, kahit pa alam na nito ang sagot at idadahilan niya kailangan pa rin niya bigyan ng sagot ang mga tanong. Syempre mas takot siya sa Grandfather niya, kapag nalaman nito mga kalokohan niya ay baka ipatapon nalang siya nito sa kung saan man. Ayaw niya mangyare iyon. Kahit mga kapatid niya ay ayaw din mangyare iyon kaya ganoon nalang ang pagpapasensya nito sa kaniya at todo pagtatakip sa mga kasalanan niya para hindi makarating sa lolo niya lahat ng mga iyon. Lalo na kapag may ayaw siya ay ginagawa niya talaga lahat ng gusto niya para lang mawala sa paningin niya ang taong nangbu-buwesit sa kaniya. Well, example na doon ang mga classmates niya, mabuti nalang at pasalamat ang mga ito at si ate Brielle niya ang kumausap at napakiusapan pa na tatlong araw lang ang suspension ng mga ito dahil kung siya ang tatanungin isang buwan ang hihilingin niya. Ganoon niya kagustong bigyan ng parusa ang mga gustong umapi sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD