“YOU’RE FIRED? Because you’re pregnant?” Matamlay na tumango si Bea sa sinabi ni Sunday. It had been not a good day for Bea. Nalaman ng supervisor niya na buntis siya at hindi na siya pinapapasok kinabukasan. Hindi ko mapagpasyahan kung matutuwa ako o hindi. Bea was pregnant and she shouldn’t be working. Ngunit sa kabilang banda ay alam ko rin na may pangangailangan siyang dapat punan. Kailangan niya ng pera para mabuhay. Kailangan niya ng pera upang matustusan ang pangangailangan ng baby pagsilang niyon. May mga gabi na hindi siya makatulog dahil sa labis na takot at pag-aalala. Halos hindi ko na siya mahiwalayan ngayon at wala namang reklamo si Alex. Sa katunayan ay mas hinahayaan na niya akong mag-isa. May mga bagay daw na kailangan kong matutunang mag-isa. “Don’t worry,” sabi ni Sund

