SINUNOD KO ang payo sa akin ni Alex. Mas itinuon ko ang aking atensiyon sa aking alaga. Wala rin naman akong gaanong pagpipilian dahil kailangan ako ni Tilly. She started grade school and it had been a crucial time for my ward. Nagsimula nang umusbong ang mga sensitibong tanong tungkol sa kanyang ama at sirkumstansiya ng kanyang pagsilang. Lumaki si Tilly sa pagmamahal ngunit iba pa rin ang epekto sa kanya nang makita ang sitwasyon at buhay ng kanyang mga kaklase at kalaro. She had her Ninong Jem and Ninong Andres but where was his father? Everyone had a father. Dahil naniniwala si Bea na hindi niya kailangang magsinungaling sa kanyang anak, sinabi niya ang totoo. Inakala niya na secured si Tilly dahil sa pagmamahal na ibinigay sa kanya ng lahat. Inakala ni Bea na matalino ang kanyang an

