3

1991 Words
DINALA ako ni Alex sa morgue ng isang ospital. Kaagad kong nakita ang mga magulang ko at si Andres. My mother was hysterically crying over a corpse—my corpse.  Ni hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na nakikita ko ang aking katawan. Nakahiga ako sa isang stainless bed. Nakabalot ang aking mga labi sa isang itim na bag. Sapat lang ang pagkakabukas ng bag upang makita ang aking mukha. Isang konsolasyon marahil na maituturing ang payapang ekspresyon ng aking maputlang mukha. Si Andres ang umaalalay kay Mommy. Nakatayo lang si Daddy, nakatitig sa akin, at naglalandas ang luha sa kanyang mga pisngi. “No! No! Not my baby. Mattie!” sigaw ni Mommy habang nagpupumiglas sa mga braso ni Andres. Her anguish tore my heart. Napakapit ako kay Alex dahil waring pinanlambutan ako ng mga binti. “H-hindi pa ba ako magigising?” usal ko sa munting tinig, pigil-pigil ang pag-alpas ng mga luha. Labis akong nahihirapan sa aking nakikita. Hindi ko gustong mahirapan ng ganito ang aking pamilya. “Hindi ito isang panaginip,” ang malumanay na sabi ni Alex sa akin. Nadaklot ko ang aking dibdib dahil parang hindi ko kakayanin ang bugso ng damdamin. Tuluyan nang bumigay ang aking mga luha. “Get me out of here,” prantiko kong hiling.  Nagliwanag ang paligid at bumalik kami sa luntiang lugar na pinanggalingan namin kanina. Nahahapong ibinagsak ko ang aking sarili sa damuhan at napahagulhol ng iyak. I missed my family so much. Nais kong bumalik sa kanila. Nais ko silang mayakap uli. Nais kong yakapin sina Mommy at Daddy at sabihing magiging maayos ang lahat. Tahimik akong kinonsola ni Alex. Wala siyang anumang sinabi na aking ipinagpasalamat. Alam marahil niyang talaga ang aking pinagdadaanan dahil napagdaanan na niya ang kaparehong bagay. Nang mapagod sa pag-iyak, nilingon ko si Alex na nananatiling tahimik. “Are they going to be okay?” tanong ko habang tinutuyo ang aking mga mata. My heart told me they were going to be okay. Nais kong maniwala na magiging maayos lang ang mga mahal kong naiwanan. Kailangan ko lang marinig iyon sa ibang tao. Tumango si Alex. “In time, they will be okay.” “Paano mo nagawang mag-let go?” Sandaling nanahimik si Alex. Tila mataman munang nag-iisip ng magandang sagot bago niya ako tugunan. “Hindi ko alam kung paano ka sasagutin, sweetheart. Everyone is different. Everyone is unique. I think you just have to go through the journey. It’s long and hard and painful. Huwag mong masyadong aralin. Huwag mong masyadong pakaisipin lalo na ngayon dahil sariwa pa ang pagsakabilang buhay mo. Hayaan mo lang muna.” “This is so hard.” At umpisa pa lang ang lahat. Mas naging banayad ang ngiti sa mga labi ni Alex. “Alam ko, Mattie. ” Umayos ako ng upo at hinarap si Alex. “Ano ang mga magiging tungkulin ko?” seryoso kong tanong. If this was indeed happening, I wanted to know everything. “Twenty weeks from now, ipapanganak na ang babantayan at gagabayan mo. Sa loob ng ilang linggong iyon, kailangan kitang maihanda sa mga dapat mong gawin. Kailangan kong maihanda ang damdamin mo. We primarily guide and protect. Boses at impluwensiya ang mga instrumento natin. Sa pagdaan ng panahon ay lalakas ang boses at impluwensiya mo, hindi lang sa alaga mo kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Mahirap itong trabaho kaya kailangang handang-handa ka na sa mga responsibilidad. Kailangan mong tanggapin nang buo na ito na ang bagong buhay mo. Kailangang handa ang puso na magmahal nang lubos, magmahal na walang hinihinging kapalit o katugon.” Napatango ako. Waring madaling intindihin at gawin ngunit hindi ako gaanong sigurado kung kaya ko ngang intindihin at gawin ang mga sinasabi ni Alex. “You were really my guardian angel?” tanong ko na lamang. Nakangiting tumango si Alex. “You never made the work easy.” Naalala ko ang pagiging pasaway ko at kahit na paano ay napangiti na rin ako. “I bet you had so much fun. My life is—was interesting.” “It was. And you’d be an interesting guardian.” “Twenty weeks. Kaya ko bang maihanda ang sarili ko sa loob ng twenty weeks?” Parang napakahaba na niyon ngunit ano naman kasi ang alam ko sa pagiging anghel at gabay? “We’ll work on it.” Matagal akong napatitig kay Alex. “Hindi na talaga ako magigising, ano?” Tumango si Alex. “This is not a dream.” “I wanna see him.” “Sure? It’ll be difficult.” “I wanna see him.” “Close your eyes and think of him.” Ginawa ko ang kanyang sinasabi. I thought of Jem, the love of my life. Kahit nakasara ang aking mga mata, alam kong nagliwanag pa rin ang paligid. Pagmulat kong muli ay nasa ibang lugar na kami. Kaagad kong nakilala ang bahay sa aming harapan. Nasa bahay kami nina Jem. Halos wala sa loob na napahakbang ako palapit. Bigla akong natigil pagkatapos ng tatlong hakbang. Nangungunot ang noo na nilingon ko si Alex. “Nakakalusot na ba ako ngayon sa pader?” tanong ko. Napangiti si Alex. “Picture yourself being inside.” Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ngunit bigla na lang bumukas ang pinto ng bahay. Mapapangiti sana ako nang makita si Ninang Angela ngunit nakita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Prantiko at hindik na hindik. She had been crying.  “What—” Hindi na ako natapos sa pagtatanong dahil nakita kong lumabas na rin sa bahay si Ninong Augusto, karga-karga ang walang malay na si Jem. Nagkukumahog si Ninang Angela sa pagbubukas ng pinto ng sasakyan upang mailulan nila si Jem. Mabilis akong lumapit ngunit naging mas mabilis sina Ninong at Ninang sa pagsakay. Kaagad pinaharurot ni Ninong Augusto palayo ang sasakyan. Hindi na ako nakahabol. “Ano ang nangyari sa kanya?” ang nag-aalala kong tanong. Okay lang ba si Jem? Labis akong natakot. Ayokong isipin na maaaring may mangyaring hindi maganda sa kanya. “Malalaman natin mayamaya lang,” tugon ni Alex. Ipinikit ko ang aking mga mata, inisip ko si Jem. Nais ko siyang makita. Nais kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob na ako ng sasakyan, katabi ang walang malay na si Jem. Maputla ang kanyang kompleksiyon. Kahit na walang malay ay mababakas pa rin sa kanyang mukha ang paghihirap. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Kaagad namasa ang aking mga mata. Every emotion I had was overwhelming. Kaagad kaming nakarating sa ospital. Ipinarada ng kung paano na lang ni Ninong Augusto ang kotse sa harapan ng Emergency Room. Kinarga uli ni Ninong si Jem at nagmamadaling ipinasok sa loob ng ospital. Kaagad naman silang inasikaso. Naroon lang ako, pinapanood ang pagbibigay lunas sa kung anumang nangyayari kay Jem. Pigil-pigil ko ang aking hininga. Halos ikabaliw ko ang pag-aalala. Isang doktor ang napailing-iling matapos pakinggan ang t***k ng puso ni Jem. “Sa palagay ko ay inaatake siya sa puso,” anang doktor sa tinig na may pinaghalong pag-aalala at pagkabaghan. Maging ako ay nagulat sa aking narinig. Masyado pang bata si Jem upang atakehin sa puso. May sinabi ang doktor sa nurse at naging abala na ang mga ito kay Jem. “Magiging maayos ang kalagayan niya.” Napapitlag ako nang marinig ang tinig ni Alex. Hindi ko namalayan ang pagsulpot niya sa aking tabi. “S-sigurado ka?” ang maluha-luha kong tanong. “Sigurado ako. Hindi lang kinaya ng puso niya ang kaalamang wala ka na.” Waring may mariing pumiga sa aking puso. Alam ko na mahihirapan nang husto si Jem. Alam ko na iyon noon pa man kaya sinubukan kong putulin ang anumang romantikong namamagitan sa amin. I have wanted to experience the thrill of falling in love. Naisip ko noon na ayokong lisanin ang mundo ng mga tao na hindi nararanasang umibig. Ngunit nang umibig ako kay Jem, aking nabatid ang buhay na naghihintay sa kanya kung sakaling mawala nga ako nang maaga. Masyado ko siyang mahal upang hayaan na masaktan siya at mabuhay sa lungkot. Sinubukan kong lumayo ngunit huli na. We were too in love with each other. Naisip ko noon na baka mali ako. Baka hindi naman matatapos ang pag-iibigan namin. I hoped we’d grow old and wrinkly together. I prayed. Ngayon ay nangyayari na ang lahat ng aking kinatatakutan at wala akong magawa kundi ang manood na lamang. I stayed by Jem’s side to make sure he was just going to be all right. Hindi ako mapanatag kahit na idineklara na ng doktor na wala ng panganib. Bumuntot ako hanggang sa mailipat ang walang malay na si Jem sa isang pribadong silid. Matiyaga akong naghintay hanggang sa panumbalikan siya ng malay. When he woke up, he thought he was only dreaming. Nang sabihin ng mga magulang niya na hindi lang panaginip ang lahat, muli siyang nagwala. Parang pinipilas ang puso ko habang pinapanood ang hinagpis ni Jem. Halos hindi ako makahinga habang naririnig ko ang kanyang hagulhol. Gusto kong lumapit sa kanya at sabihin na naroon lang ako, hindi nawawala, ngunit hindi ako makagalaw. Bakit nakakaramdam pa rin ako ng sakit at paghihirap ng kalooban? Nakakadama pa rin ba ang mga patay? Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Alex. “Magiging maayos lang ba siya talaga?” paniniguro ko habang hindi nilulubayan ng tingin si Jem. They had to sedate him again. “Jem is destined to have a long and happy life, Mattie. Hindi magiging madali ang lahat pero darating ang araw na magiging maayos din siya.” “I love him so much.” “I know. Mahal na mahal ka rin niya.” “A-are you sure?” pangungulit ko. “Tungkol saan?” “Jem’s destiny. Are you sure he’s destined to have a long and happy life?” Tumango si Alex. “I am sure.” Napatingin ako kay Jem na kahit na walang malay ay hindi pa rin mapayapa. Nagsasalubong ang mga kilay niya. It was like he was still in pain. “Why can’t I have that, too?” “Long and happy life?” Tumango ako. Sa totoo lang ay tila nais kong mainggit. Nais ko ring mainis. Sino ba ang taong responsable sa ganoong kalakaran? Who got to decide on who are gonna have a long happy life and who are not? Nais ang fairness doon? Bakit kailangan naming maghiwalay ng landas ni Jem? “Because you’re destined to be in a better place. You’re destined to do better things.” “And I don’t get to decide if I wanna be in a better place, doing better things? Mga simpleng bagay lang naman ang gusto ko.” Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng aking tinig. “You don’t always get what you want. Life is full of twists we never see coming.” Hindi ako makatugon. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang sinasabi niya. Hindi naman ganoon kadaling tanggapin na wala na ako sa mundong kinaroroonan ng mga mahal ko sa buhay. Ni hindi ko alam kung paano ko sisimulang iproseso iyon sa aking isipan. Hindi ko inalisan ng tingin si Jem. Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi, pinipigilan ang sarili na mapabulalas ng iyak. “I just want to be with him. Forever.” “Alam ko, sweetheart. Alam kong mahirap at ayoko sanang sabihin ito pero mas magiging mahirap pa ang lahat para sa `yo. Matatagalan bago maging madali ang mga bagay-bagay. Matatagalan pero darating at darating ang panahon na magiging madali nang panoorin ang mga mahal sa buhay. In time, you’d understand. In time, you’d be happy in this new life.” Umiling-iling ako. Parang napakaimposible ng sinasabi ni Alex. Hindi ko mapaniwalaan. Hindi ko makita ang sarili kong nagiging masaya uli. Paano ako magiging maligaya kung hindi ko na kasama ang mga dahilan kung bakit ako masaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD