HINDI NAGTAGAL ay napukaw ng isang babae ang atensiyon ni Jem. Pinaniwala ko ang aking sarili na handa na ako, na ginusto kong mangyari ang ganoon kaya dapat hindi na ako nag-iinarte. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi na mauulit ang nangyari noong unang beses kong nakita si Jem kasama ang ibang babae. Ngunit iba pa rin pala kapag seryoso na si Jem na mas kilalanin ang isang babae. May kurot pa rin sa puso. “That’s just normal, honey,” ani Alex sa nangongonsolang tinig. “Hindi totoo ang mga nangyari sa inyo kung wala kang mararamdaman kahit na munting kudlit.” “Masasanay din ako,” ang sabi ko sa aking sarili ngunit hindi ko buong puso na pinaniniwalaan. Her name was Michaela. She was a nurse in a hospital. Mas matanda siya ng isang taon kay Jem ngunit hindi naman gaanong halata. She

