Prologue
Wala na akong ibang pangarap. Kundi ang makapagtapos ng pag aaral, at makasama ang aking pamilya.
Bata palamang ako ng mamulat ako sa mga responsibilidad kung dapat pasanin, di ko nadin naranasan maging isang malayang bata dahil nga sa estado ng aming pamumuhay. Kinakailangan ng aming ina na mangibang bansa upang maitaguyod kaming magkakapatid.
Wala na rin akong kinagisnang ama simula ng ako ay isilang. Kung kaya ang ina ko ay elementarya palamang ako noong iniwan kami ng aming ina para magtrabaho. Sa murang edad ay natutu akong maging responsable upang maalagaan ko ang aking mga nakakabatang mga kapatid. Natutu akong maghanap ng trabaho makatulong sa aking ina, at maging sa aking pag aaral.
Kaya noong natanggap ako sa isang tanyag na unibersidad bilang isang scholar ay agad ko itong tinanggap.
Itinatatak ko na sa aking isipan, na dapat kung pagbutihin ang pag aaral ko ng sa gayun ay makasama ko ang aking ina. Itinatak ko din sa aking isipan na huwag magpadala sa tukso, at iwasan ang mga lalaki dahil makakahadlang lang sila sa aking mga pangarap.
Marami na ding sumubok na manligaw sa akin pero ni isa sa kanila wala akong sinagot. Wala talaga akong tiwala pagdating sa mga lalaki, saka wala silang maidudulot na maganda sa akin dahil isa silang sinungaling, di makuntento sa isa at hayon humanap ng iba. Bubolahin ka para makuha ka, patunay na dito ang aking aking ama na iniwan kami. Pero umaasa parin ako na may mga lalaki na marunong makuntento sa isa at talagang papahalagahan ka..
Mapayapa ang aking buhay at maayos akong nakapasok sa aking bagong paaralan. Walang ano, sino man ang nanggambala. Isang normal lamang akong estudyante pero nagbago ang lahat ng ito ng mapansin ako ng isang aroganteng napakayabang na isang Vincer Dave Javier.
Hayssttttt..